webnovel

THE WOMAN WHO SLEPT FOR 20 YEARS

There was once a happy-go-lucky-girl Not until, Pinabayaan na siya ng mga magulang niya ng dahil sa business. She became a brat. Hindi na kagaya noon ang ugalit at pag-iisip niya. Ngunit ang isang pangyayari ang nagpabago ng buhay niya. Isang pangyayari kung saan doon niya nakatagpo ang inaakala niyang may totoong magmamahal na sa kaniya. Ano kaya ang kahahantungan ng lahat ng kaniyang ginagawa, makabuluhan nga ba ito?

mystra_08 · Fantasy
Not enough ratings
17 Chs

CHAPTER 16

Chapter 16: Alexandria

________________________

Pagkatapos naming tanawin ang mga magagandang kapaligiran ay agad nataranta si zeus sa tabi ko.

"Lady, I-im sorry but I need to go," Saad niya.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay agad siyang nawala sa paningin ko.

'San kaya papunta 'yon?'

Ako lang naman isa rito kaya minabuti ko na lang na maglakad-lakad muna. Ang ganda talaga. Makikita mo dito ang falls na patuloy ang pag-agos ng tubig..

"Sa'n ba tayo?"

"Malapit na!"

Nakarinig ako ng ilang mga yapak na papunta sa direskyon ko na agad ko namang ikinabahala. Jusko! Bakit ngayon ka pa nawala zeus kung kaiang kailangan na kaiangan kita.

Hindi ko namalayang papalapit na nang papalapit ang mga yapak sa'kin. Gagamitin ko na sana ang tinatago ko ngunit biglang lumabas ang mga pamilyar na mukha.

"Jethro, Jed, axel, alex..." Hindi ko alam na naisambit ko pala ang mga pangalang hindi ko alam.

Pareho kaming napako sa'ming kinatatayuan ng makita namin ang isa't-isa. Pamilyar na pamilyar itong nararamdaman ko.

Para bang may malaking kapangyarihan ang nakadagan sa'kin nang makita ko sila.

Pareho kaming nabigla at nabalik sa sari-sariling naming katinuan nang may biglang sumulpot na puting pusa sa harapan namin.

."Jeki!!"

Sabay-sabay naming sambit na naging dahilan upang matigilan kami sa ikalawang pagkakataon.

"Who are you?" Biglaang tanong ni jethro.

Wtf alexandria!?! Bakit kilalang-kilala mo ang mga taong nasa harapan mo?!

Feeling ko sa pagkakataong to, ako na ang nagdududa sa mga kinikilos ko. Para bang mismong ako, ay hindi ko kilala ang sarili ko.

"I-i d-d-don't know..."

Umiiling-iling kong saad dahil hindi ko na talaga maintindihan kung ano ang mga nangyayari sa'kin nitong mga nagdaang panahon.

"Alexandria!" Napatingin ako kay alex--Shit! Siya pala 'yong lalaking nakilala ko sa harden.

Isinigaw niya ang pangalan ko kaya agad napunta ang atensiyon ng mga kasamahan niya sa kaniya.

"Kilala mo siya!?" Sabay sabay na sambit ng tatlo kaya napatango na lang si alex.

"I think we already find her.." Sabay-sabay nilang sambit at sabay na napatingin sa gawi ko.

Ngumiti lang ako sa kanila. Pinakaramdaman ko ang paligid kung may nakakakita ba nito, swerte naman at wala. Maya-maya'y tumawa ako ng pagkalakas-lakas.

Tawang namiss kong ipakita sa mga taong komportable at kilala kung sino talaga ako. Tinitigan ko sila isa-isa sa mga mata and smirked.

"I'm tired of pretending.." I said at hinagkan sila isa-isa.

Nandito na ako. At ngayon, sabay-sabay nating sakupin ang paraisong ito laban sa KANIYA.

It's sad na alam ko kung sinong kalaban ko ngunit di'ko alam kung anong itsura niya o kung sino man siya ngayon.

---

SOMEONE's P.O.V

Dali-dali akong pumunta sa kaharian ko matapos ko siyang iwan ro'n.

"Emperor..." Sabay-sabay na saad ng mga treshants ko at yumuko.

"May nakuha na'ba kayong impormasyon?" Tanong ko.

Pagkaraan ng ilang saglit ay walang sumagot sa tanong ko. Nanlilisilk na ang mga mata ko dahil para bang wala silang narinig galing sa bibig ko.

"May nakuha---".

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad nila akong sinagot .

"Ipagpaumanhin niyo emperor, ngunit wala pa po," Saad ng isa sa mga treshants ko. At naging dahilan iyon para mag-wala ako.

Nangagalaiti na ako sa galit. Sino ka ba talaga! Dalawang bagay pa lang ang patunay na ikaw na nga ang impress at nakita iyon ng dalawang mata ko. Ngunit wala ka pang ipinakitang kapangyarihan sa 'kin.

'Alexandria, sino ka ba talaga?'

--

TO BE CONTINUED....