webnovel

THE WOMAN WHO SLEPT FOR 20 YEARS

There was once a happy-go-lucky-girl Not until, Pinabayaan na siya ng mga magulang niya ng dahil sa business. She became a brat. Hindi na kagaya noon ang ugalit at pag-iisip niya. Ngunit ang isang pangyayari ang nagpabago ng buhay niya. Isang pangyayari kung saan doon niya nakatagpo ang inaakala niyang may totoong magmamahal na sa kaniya. Ano kaya ang kahahantungan ng lahat ng kaniyang ginagawa, makabuluhan nga ba ito?

mystra_08 · Fantasy
Not enough ratings
17 Chs

CHAPTER 15

Chapter 15: Hacienda

______________________

ALEXANDRIA's P.O.V

Naalimpungatan ako ng may naramdaman akong parang may mabigat na nakadagan sa tiyan ko. Hindi ko muna minulat ang mga mata ko para pakiramdaman ito. Ngunit agad akong napabalikwas sa higaan ko nang maalala ko anong nangyari bago ako natulog.

"Kingina! ba't dito ka talaga natulog sa higaan ko!?" Pa sigaw kong saad na naging dahilan kung bakit siya nahulog sa higaan.

"Aray! ahh!" Sigaw niya sa baba kaya dali-dali ko siyang tinulungan dahil nag-guilty ako, slight lang naman. hihi

"Sorry na ng slight, hihi" Pabebe kong saad sa kaniya.

Binatukan ko siya at alam kong hindi niya 'yon inaasahan kaya hindi na siya nakatakas at umaray ulit siya.

Agad namang namula ang pisnge ko sa nangyari sa'min kahapon.

He confessed his feeling to me.And so I am.

Pero hanggang doon lang, Isa pa hindi kami pwede. Pagkatspos no'n ay pumunta kami sa bayan upang magliw--aliw , Sumali kami sa naghahabulang mga bata at sumali kami sa mga palaro.

Hanggang sa nag-gabi at wala na ako sa sarili upang paalisin pa siya sa kwarto ko, akala ko talaga kasi ay pupunta siya sa kwarto niya no'ng umalis siya sa kwarto ko ngunit kumuha lang pala siya ng kumot. Akala ko rin sa lapag siya matutulog tas pinag-awayan pa namin 'yon hanggang sa kiniliti niya ako kaya ayon, Magkasama kami ngayon sa iisang higaan..

"Tara na sa baba, lady. Kain na tayo,"

Biglaang saad niya, siguro napansin rin niyang tanghali na kami nagising dahil sikat na ang araw.

"tara," Saad ko at akmang tatsyo na.

Ngunit mabigla ako sa ginawa niya. Akmang tatayo na ako ng bigla niyang kunin ang kamay ko at pinagsalikop ito sa kamay niya. shit! Wala akong magawa kundi mamula na lang sa isang tabi at hayaan siyang hawakan ang kamay ko papuntang hapag-kainan.

"Hoy! h'wag mo ngang hawakan kamay ko dito sa labas, baka may makakita!" Pabulong kong saad kay zeus dahil papunta na kami sa tinatawag niyang secret place niya, at tapos na kaming kumain.

"Amp! Ayoko nga!" papout niyang sabi.

jusko! Ang childish pala ng mokong 'to pag inlove. charot. Umiling na lang ako sa.kaniya at hinayaan siya sa kung ano-mang ginagawa niya. Okay naman siguro dito, walang judgements. Hindi kagaya sa totoong mundo, 'yong tipong may kaholding-hands ka lang na lalaki ay chi-chismisan agad.

"Nakatataas, San punta?" An old man approached us nang makita niya kaming dalawa na naglalakad patungo sa kung saan.

"Sa hacienda lang, Ginoo." He said na agad namang tinanguan ng lalaki at sinabihan kaming mag-ingat daw ro'n.

Anong klaseng lugar ba 'yon?

"Malapit na tayo!" Masayang anunsyo niya kaya napangiti na lang rin ako.

Many thougts suddenly pop on my mind.Habang papalapit kami sa lugar ay ramdam ko ang pamilyar na pakiramdam. Una ko pa lang tapak dito pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Pamilyar na pamilyar sa mga mata ko ang daanan at kapaligiran.

"We're here!" Zeus said and I was left-dumbfounded ng maramdaman ko ang paghampas ng hangin sa katawan ko.

"I miss this place.." Biglang sambit ko na siyang ikanahinto naming dalawa.

Ano ba 'yong sinabi ko?

"H-ha?" Naging sambit ni zeus ng marinig niya ang sinabi ko.

"Ahh wala Nasambit ko lang 'yon. Para kasing pamilyar 'tong lugar na'to. Siguro may napuntahan lang akong ganito sa totoong mundo," Liar.

Nakapag-sinungaling pa ako ng wala sa oras. amp! Pero nagtataka na talaga ako.

Tinanaw ko na lang ang napakagandang paraiso. Nasa tuktok pala kami ng isang bundok at matatanaw mo rito ang lahat. Ang bayan, Ang palasyo, Ang falls, Ang giant garden at ang mga nagtataasang puno.

'Ang ganda..'

ZEUS P.O.V

Tiningnan ko lang ang mga mata niyang nakatingin sa paligid. Makikita mo ro'n ang pangungulila.

"I miss this place.."

Narinig ko mismo iyang kanina na galing sa bibig niya. Para bang pamilyar na siya at nakapunta na siya rito.

And her excuses?

I know she's damn lying. Dahil walang ganitong paraiso sa totoong mundo. These are unique.

And these are only made by the empress.

Hays. Many conclusions jump in my head.

'Alexandria. Tell me your secret, lady..' Naging sambit ko na lang sa sarili ko tsaka tinanaw ang buong kapaligiran.

TO BE CONTINUED.....