webnovel

The Twilight Goddess : Chaos and Order ( MLBB 515 Fanfiction )

reven_dance · Video Games
Not enough ratings
7 Chs

Kabanata 6: Minoan Labyrinth pt.2

Pumasok na kaming tatlo sa Minoan Labyrinth. " Dito ang daan " , turo ni Kimmy hanggang sa tatlong liko bumalik ulit kami sa pasukan. " Ano ba Kimmy kala ko ba alam mo ang daan! ", sigaw ni Lancelot. " Di mo kasi alam ang estruktura ng Labyrinth at sobrang nakakalito ito.

" Lumilindol , ramdam niyo ba ? " , tanong ko sa kanila. " Hawak lang ng mabuti ", sabi ni Lancelot na tila ba nangangatog na. Pero sa isang iglap nawala ang mga harang na bumubuo sa mismong maze at nakita namin ang mga kalahating tao at toro. " Magandang araw sa inyo, ako nga pala si Minotaur ang pinuno ng aking sariling angkan , " pagpapakilala niya sa amin. ".....At ako naman si Aldous ang tagapagmana ni Daedalus ang totoong gumawa ng Minoan Maze naisip namin kayong tulungan dahil naramdaman namin ang malakas na kapangyarihang nanggagaling sa kanya ," at tinuro ako ni Aldous. " Oo, dahil siya ang tagapagmana ng Twilight Orb ", sabi ni Kimmy at nang marinig iyon ng bawat Minoan sa lugar sila ay lumuhod kasama na rin pati si Aldous at tumayo din sila lahat uli.

" Saan ba kayo tutungo? ", sabi ni Minotaur. " Sa Lupain ng mga Astrologo upang malaman ang propesiya sa bagong Twilight Goddess ," magalang na tugon ni Lancelot. " Halika na at tutulungan namin kayong tahakin ang daan ", paanyaya ni Aldous.

" Pero dadaan muna kayo sa amin ", biglang may sumingit sa aming pag-uusap. " Selena ! Ikaw na naman ", " Bakit may problema? ", " Hinding-hindi muna ulit makukuha ang kapangyarihan ng Maze kahit dalhin mo pa ang buong batalyon ng mga Orc ", pagalit na sabi ni Aldous.

" Hindi Labyrinth ang pakay ko kunsi siya ", at nakaturo siya sa akin na malagim ang tingin.

" Minotaur, ihanda ang mga Minoan ", utos ni Aldous kay Minotaur. " Sugod na mga alipin ," sabi ni Selena. " Dito ka lang sa likod namin , Amity ". sabi ni Kimmy.

....At nagsimula na ang labanan nakatago lang ako sa likod nila Kimmy ay Lancelot habang nakikipaglaban. Hanggang nagulat bigla ako dahil hindi na ako makagalaw. " Tulong!!", sinigaw ko ng buong lakas at natakot ako dahil nasa harapan ko na si Selena " Paalam ", natutuwang sabi ni Selena at bigla na lang akong nilamon ng dilim dahil kinain ako ng kanyang alagang Abyssal Demon.