webnovel

The Twilight Goddess : Chaos and Order ( MLBB 515 Fanfiction )

reven_dance · Video Games
Not enough ratings
7 Chs

Kabanata 4: Kapalaran ng Twilight Goddess

" Nasaan na ang Konseho?" , tanong ni Tigreal sa tauhan ng palasyo. "Tatawagin ko na po sila" , magalang na tugon ng tauhan at dali-daling tinawag ang Konseho.

Napagisip-isip ko na itong professor ko ay pinuno pala ng isang kaharian.

Kalaunan, dumating na nag tinatawag nilang Konseho...

" Amity tumayo ka sa harapan at ipakita ang orb , " sabi ni Tigreal. Sinunod ko ang sinabi niya at nagulat ako sa reaksiyon nila na tila ba hindi sila makapaniwala. " Ipinakikilala ko nga pala ang Bagong Diyosa ng Kaayusan at Balanse , Ang Tagapangalaga ng Liwanag at Dilim, Ang Twilight Goddess", buong pagmamalaki ni Tigreal na sinabi sa madla.

" Siya ba talaga ang susunod na Lunox ?", tanong ng isang babae na kasinganda ng isang swan para siyang ballerina sa play ng Swan Lake. " Oo siya nga, dahil napasakanya ang Twilight Orb nang hindi nasasaktan o napapahamak dahil kapag isang normal na nilalang ang humawak nito sigurong uubusin ng Orb ang buong lakas ng tao ", paliwanag ni Tigreal.

"....At nagpapakita rin si Lunox sa aking mga panaginip ," dugtong ko na tila ba nagulat sila sa sinabi ko. " Siya na nga ang hinahanap natin ng kaytagal , Mabuhay , susunod na Lunox ", sabay luhod lahat at nagbigay-pugay sa akin.

" Ahhh, wag ninyo akong ituring na diyosa ituring niyo lang ako bilang kilala ninyo di kasi ako sanay sa ganito," nahihiya kong sinambit.

" Masanay ka na Amity ", sagot ni Tigreal. "Magsitayo na kayo at magsimula na tayo sa ating pagpupulong ", utos niya.

" Ngayon para malaman natin kung ano ang kapalaran at gagawin nating mga hakbangin kailangan natin pumunta sa Lugar ng mga Astrologo ," sambit ni Tigreal. "Sino ang gustong sumama at gabayan siya sa paglalakbay. " Ako " , presenta ng isang lalaki na matipuno pero mahaba ang buhok. " Ako rin sasama ako kasama ang sandata kong ito hinding hindi masasaktan ang Twilight Goddess ", presenta ng isang babaeng medyo tomboy-ish ang hitsura.

" Akin nang ipapahayag ang mga sasama , sina Kimmy at Lancelot ", sabi ng pinuno.

" Tapos na ang pagpupulong na ito at Amity mamalagi ka muna dito, Odette samahan mo muna siya sa kwarto niya", utos nito.

Sinamahan na ako ni Odette papunta sa aking kwarto. " Ako nga pala si Odette, Odette Regina ako ang prinsesa nitong kaharian" , "Ako naman pala si Amity " magalang kung tugon. " Dito na tayo sa kwarto mo at may sasabihin ako sa iyo, ingatan mo ang aking mahal na si Lancelot," sabi ni Odette. " Sige ako na ang bahala doon," tugon ko sa kanya.

" O sige magpahinga ka na at malayo pa ang lalakbatin ninyo bukas," paalala niya. " Salamat Odette " , at dali-dali akong pumunta sa aking kama at napahimbing na ang aking tulog.