webnovel

The truth of Alehandra

CasterH0gwarts · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 6- Gryffindors

Hera's Pov

Pagkatapos ng laban namin sa mga destroyer, napagisipan namin na magpahinga muna. pagod na yung katawan ko eh , hindi pa kami kumakain pasado alas dose na. kaya nagsimula na din ayusin nila fatima at clarissa ang tent para may tuluyan kami mamaya. Ako naman nakaupo lang sa gilid at pinikit ko ang mga mata ko , isang iglap nakatolog na ako.

Hera....

napabalikwas ako ng bangon at agad na hinanap ang tumawag sakin. pero wala akong may nakitang tao. Tingin sa kanan, Wala naman! Tingin sa kaliwa , Wala din! pati sila fatima at clarissa wala din sa pwestong nagaayos sila ng tent. Iniwan nila ako? oh baka gusto nila ng larong hide and seek . eh?! Pero delikado na . Medyo madilim na . Saan naman sila kaya nagpunta yun?

Napakamot nalang ako ng ulo ko. nagsimula akong maglakad, baka sakaling nandito lang sila nagtatago pero wala akong may nakita kahit ano. puro puno lang talaga nakikita ko . ilang minuto ang nakalipas naglalakad padin ako . pero kanina ko pa napapansin parang ganun padin nakikita kong mga puno eh . huhuhu takot pana man ako sa multo.

Hera....

"Ay pota! Sino yan?!" sigaw ko sa dilim . Syet! hindi ko makita kung sino tumatawag sakin. palingalinga ako sa paligid pero puno lang at nakakakilabot pa ang simoy ng hangin.

Heraa.... Nandito ako...

"Sino ka?! magpakita ka! Kung hindi mapapatay kita!" Sigaw ko . naiirita na talaga ako , kanina pa ako tinatawag hindi naman nagpapakita .

Heraaa.... Heraaaa...

Isang taong nakaputi at papunta sakin hindi ko makita itchura niya kasi nakayuko siya .Tumingin siya sakin at ngumiti .

Heraa...

"SINO KA?" napabalikwas ako ng bangon. nang may bumasa sakin gamit ang tubig. tinignan ko naman kung sino.

"Hehe sorry! Kanina kapa sigaw ng sigaw diyan eh at kanina kapa namin ginigising ayaw mo naman magising. Eh! Kaya gumamit na ako ng tubig." Sabi ni FATIMA. napa peace-sign nalang siya at lumabas ng tent. lumabas nadin ako .umaga nadin pala kaya pala nakaramdam ako ng gutom, hindi ko alam kung pano ako nakarating tent bahala na gutom nako.

nakita ko naman si fatima at kumakain na, si clarissa kumakain din . ang sarap ng kinakain nila ah.

"Kumain kana hera" sabi ni clarissa pero hindi siya tumitingin sakin sa pagkain lang siya nakatingin.

Umupo naman ako sa tabi ni fatima at nagsimulang kumain. ang sarap! Wow!

"Parang amaze ka naman sis? ako nagluto niyan." proud na sabi ni fatima sakin habang nakangiti sakin ng malaki.

"Tss." si clarissa. alam ko naman na si clarissa nagluto tu, napatawa nalang ako . nagsisimula naman si fatima eh hahaha. "pagkatapos natin kumain umalis na agad tayo. pero maliligo muna tayo dun sa falls na nakita ko sa dulo dun." habang sabi ni clarissa. nabilaukan naman si fatima kasi naman po ang haba ng sinabi ni clarissa.

"Pffttt bago ya—" pinutol ko na ang dapat sasabihin ni fatima kay clarissa nagsisimula nanaman siya eh.

"Sige risa." ngiting sabi ko kay clarissa, hindi naman siya tumingin sakin at nagsimula nalang magayos ng mga gamit, nang nakatalikod na si risa, sinamaan ko ng tingin si fatima. sumimangot naman ang mukha niya. natatawa nalang ako sa pagkaisip-bat ni fatima. Hays!

Pagkatapos naming magayos dala-dala ang mga damit namin , kasama padin namin ang kabayo napagaari namin. ilang minuto ang nakalipas na paglalakad nakarinig ako ng tubig na parang nangagaling sa itaas. yun na siguro ang fall na tinutukoy ni risa.

Napatakbo ako sa sobrang kasiyahan, ngayon lang ako nakaligo sa isang falls! Yiiee. napailing naman sila risa at tim sakin pano, pinapayagan sila ng mommy nila maligo dito sa falls pero ako hindi. pero ngayon weeeeeh!

nagtampisaw ako sa tubig, ohmygod! Ang lamiiiiiggg.. ang linaw linaw ng tubig nakikita ko pa ang mga batong mapuputi.

"hera dito tayo! masyadong mababaw diyan." Sigaw ni fatima sa di kalayuan. kaya pumunta naman agad ako. nakita ko naman si risa sa Itaas na nagsosolo ng tubig .

ang falls kasi parang patag kaya si rissa nandun malapit sa ginagalingan ng tubig tapos kami ni fatima nandito sa ikalawa.

Ang saya nga eh! nagbabasaan kami ni fatima, eh basa naman kami pareho pero okay lang masaya talaga ako ngayon eh.

"hera alam mo na ba kung saan makukuha ang dragon ng mommy mo?" Out of the blue na tanong ni fatima. natigilan naman ako.

"h-hindi ko pa alam tim eh." Napayuko kong sabi. hindi ko alam kung saan hahanapin or siya ang hahanap sa akin. napatingala naman ako kay tim ng hawakan ya ang balikat ko.

"wag mo nalang munang isipin , kung alam niyang nandito ang anak ng kanyang master oh aba! Dapat siya nalang yung pumunta sayo diba." sabi ni fatima sakin , natawa naman ako sa mukha niyang ewan haha.

"Kaya nga nandito tayo diba para makuha ko siya." ngiting sabi ko kay fatima.

"Sabi ko nga, hahahahaha ay ewan maligo nalang tayo sis." natatawang pinagpatuloy namin ang pagligo. ilang minuto ang nakalipas, napagdesisyunan namin na umahon na sa tubig.

Bigla kaming tinawag ni clarissa eh sabi niya daw umahon nakami, parang galit pa yata eh kasi gusto pa namin maligo.

Ewan ko ba dito sa isang tu, saan pinaglihi ni tita lisa . palaging nakasimangot , hindi naman siya ganito noon eh. -.-

"Hoy! Anong sinisimangot mo diyan?" sigaw ni fatima sakin . nagbibihis na kasi siya sa malaking bato para hindi siya makita. Kahit ang layo ko sa kanya makita parin niya ang mukha ko haa. Haaayy. "Aba at hindi ako pinansin wala kang pagkain mamaya sakin!!" Sigaw ulit ni fatima. Napasapo ko nalang ang aking noo.

Kahit kailan talaga yan si fatima oh. Haha pero ano na magagawa ko yan siya eh. Hahaha Happy Go lucky . Sa kanilang tatlo ko lang naman pinapakita ang side ko pero kung nasa kaharian na , hindi ako nagpapakita ng pagiging mabait ko baka masanay sila. kamusta naka ya ang Kaharian ? Tatlong araw na kaming nandito sa gubat pero nakasalamuha lang namin ay ang mga destroyer -.-

Napatigil ako sa pagiisip nang hawakan ni clarissa ang aking kamay at kinaladkad papunta kay fatima . Anong nangyayari?

"Hoy wag kayo dito nagbibihis pa ako eh! Oh clarissa gusto mo na ba makitaa kata—" Hindi na nakasalita si fatima ng takpan ni clarissa ang kanyang bibig at nagsenyas na wag maingay. kaya minabuti nalang namin na wag maingay.

Hindi man sa nagtataka ako pero kinilabutan ako sa nararamdaman ko ang dami nila... mga malilit na mga tao pero ang matured na nang mga mukha. Alam niyo yun? Mga dwarfs . Pero ang mga paa nila ang nagiingay sa lupa parang guguho pa nga ang lupa eh.

kukay berde ang kanilang katawan, may mga suot na kwentas na kulay ginto, at mga damit nila ay puti sa itaas itim ang kanilang short , pero napatingin ako sa unahan siguro siya ang namumuno ng kanilang angkan magkaiba kasi ang kanyang kasuotan , kulay ginto ang ganyang damit at merong siyang korona pero gawa sa kahoy meron ding disensyong puting bulaklak. isang babae ang namumuno sa kanila.

Pinagbuti namin na hindi kami nila makikita sa malaking bato ilang minuto ang nakalipas huminto sila sa unahan malayo sa tinataguan namin .

"Alam kong may naamoy akong kakaiba dito, may mga nakapasok na mga tao." Sabi ng pinuno nila at minamasdan ang paligid , huminto ang mata ng pinuno nila sa tinataguan namin at nagsimulang maglakad papunta sa direksyon namin. naghawak kamay kami ni fatima samantalang si clarissa wala lang. jusko po malapit na siya.

natigil lang ang paglalakad niya nang biglang dumilim ang paligid pati na ang mga magandang ulap kanina napatingin din ako sa itaas at may mga lumilipad na may mga pakpak. hindi sila destroyer isa silang .

"Manananggal" napahawak ako sa dibdib ko ng makita kung sino ang nagsalita . siya ang pinuno ng mga dwarfs kanina. "Hindi kami dwarfs." Binasa niya pa ang isipan ko tsk privacy please."Pasensya na kamahalan kung binasa ko ang isip niyo" halata sa kanya ang sinseridad pero malamig ang kanyang boses.

napatigil ako sa kakaisip kung bakit nandito na ako sa katabi niya wala na sila fatima at clarissa. baka kinuha na sila ng manananggal hindi ko lang naman sila natulungan. tinignan ko ang paligid pero wala akong makita samantalang itong kaharap ko lang ang makita ko para nagiilaw siya .

"Wag kang magalala kamahalan, hindi nila makukuha ang mga kaibigan mo pati na ikaw." Sabi niya sakin at pumitik siya gamit ang kanyang kamay alangan naman ang kanyang paa diba .

Pumitik siya ng dalawang beses at napanganga nalang ako nang masimulang umilaw ang mga kasamahan niya at hindi pa na kuntento pati ang mga kahoy may mga ilaw pati ang mga lupa parang may mga kandilang nagsisilbing liwanag wow! Ang ganda.

pero hindi dapat ngayon ipairal ang pagkaamaze ko tinignan ko ang mga manananggal na magsimulang lumipad papunta sa mga dwarfs , pero hindi pa sila makalapit eh natutunaw na sila sa ilaw na galing sa mga dwarfs, nakakabingi ang mga sigaw ng manananggal, tinakpan ko naman agad ang aking tenga .

Ilang minuto ang nakalipas nakaramdam ako ng pagod hindi ko alam kung bakit wala naman akong ginawa , namalayan ko nalang na nakatolog ako sa mga bisig ng pinuno ng mga dwarfs.

Bago yun may sinabi pa siya sakin..

"Isa kaming tagapaglingkod ng iyong ama at ina kamahalan . Tinatawag kami bilang Gryffindor" at naramdaman kong inihiga niya ako sa isang malambot na dahon. at nawalan na akong malay.