webnovel

The truth of Alehandra

CasterH0gwarts · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 5- Enchanted Forest II

Fatima's Pov

Nakahinga ako ng maluwag ng ginamitan ng latigo ni Hera ang Destroyer na kumapit sakin. napatili talaga ako kasi ang mga kamay ng destroyer ay napakainit at napapaso ang pulsuhan ko ng hawakan niya iyon. Tinignan ko ang lulsuhan ko at pumupula ito.

"Hala! Pumupula ang pulsuhan mo fatima!" Sigaw ni hera sakin at hinawakan ang pulsuhan ko napangiwi naman ako sa sakit na dala ng iyon. Ginamot niya muna ng mabilis ang pulso ko at tinakpan ng tela . Hinawakan niya ako at tingnan. "Kailangan din nating lumaban para matulungan natin si Risa." Pagalalang sabi niya.

Walang sabi-sabi tumakbo siya at tumalon pababa. medyo mataas pa iyon kasi medyo nasa ere ang kalisa at ang kabayo . Tumalon na din ako at nagsimulang ilabas ang kapangyarihan ko . Napatingin naman ang ibang destroyer sakin at pumunta sa direksyon ko. May lumabas na apoy sa mga kamay nila pero itim ito simbolong sila nga ang destroyer. Hindi ko na sila pinalampas at ginamit ang light protector, naramdaman ko naman na dumadaloy ang enerhiya papunta sa kamay ko at tinuon ko sa direksyon sa mga destroyer na nasa harap ko lamang, bigla naman silang naglaho . Hindi padin nauubos ang mga destroyer.

Sa kabilang side nakita ko kung pano hiwain ang mga katawan ng destroyer gamit ang wind blades ni Risa hindi man siya gumagawa ng kilos pero napakacool tignan na iniutos niya lamang ito at sinusunod naman ng hangin ang gusto niya. wala paring emosyon ang mukha niya. Cool talaga ng sorcer na ito. Wala pa sa kalahati ang kapangyarihan nayan.

Tinignan ko naman sa likuran ko si Hera na nakikipaglaban sa mga destroyer gamit ang latigo niya. Tiglima ang mahahawakan ng latigo niyang yan kaya ganyan nalang kabilis maglaho ang mga destroyer. Malakas din ang isang yan , kung ginagamit niya sana kanina pa ang isang kapangyarihan niya sana kanina pato natapos . Pero hindi man lang nauubos ang mga destroyer , dumadamin sila hindi lang times two ang dami triple pa . hinanap ko ang pinagmulan ng mga destroyer pero wala akong makita , ginamit ko ang Eye Zoom at nakita ko naman ang nakapulang lalaki na tinataas ang kamay sa ere at may lumalabas dun na itim na kapangyarihan .

pumikit ako agad at sinubukang pasukin ang mga isip ng kasama ko .nagtagumpay naman ako.

"Hera! Risa!" Sigaw ko sa isip ko.

"Bakit hindi maubos-ubos ang mga nilalang na ito?!" Tanong ni Hera. Alam ko naman na siya yun kasi hindi naman malamig ang boses ni hera.

"May kumukontrol sa kanila , sa dulo . Sa Malaking bato doon nakatayo ang nakapulang lalaki." Sabi ko at agad na nagmulat.

Pasalamat nalang ako sa light protector ko at habang nakapikit ako hindi niya ako pinabayaan. nakita ko naman kung pano lumipad sa ere si hera at ginamit ang ikalawang kapangyarihan niya . bumuka ang lupa papunta sa malaking bato pero lumipad lamang ang nakapulang cloak at naglaho kasama ang mga nakaitim na cloak .