webnovel

The truth of Alehandra

CasterH0gwarts · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 23- Elemental Goddess

Hema's Pov

Nandito lang ako nagmamasid sa likuran ni hera nang makarinig ako ng may nagsasalita sa ilalim ng puno na tinataguan ko. Dalawang lalaki at isang babae. Ilusyon lang ba tu o totoong tao sila? Napatingin ang isang lalaki sa taas kung saan ako nagtatago. Dali-dali naman akong nag pa-invisible ng aking katawan.

Nakita ko namang pumunta nga ang lalaki sa itaas at hinanap ako. Nang hindi niya ako nakita ay bumaba siya ulit.

"Oh saan ka galing?" Tanong ng babae. Tinignan ko ang tatlo kung saan sila pupunta sa direksyon kung na saan si hera. Naka cloak din sila ng itim. Nalaman ko lang kanina ang kasarian nila kasi hindi naman nakatago ang kanilang ulo.

"May nakita lang akong tao. Pero baka namalik-mata lang ako." Sabi ng lalaki kanina na pumunta sa itaas ng puno.

"Tayo na! Baka mawala pa natin si hera." Sabi ng lalaking kanina pa hindi nagsasalita. Kumalabog naman ang puso ko. Totoo nga ang hinala ko may pakay sila at paano sila nakapasok dito? Hamak na si fatima lamang ang nakakaalam ng ilusyon nato at kaming dalawa lang ni hera ang pumasok dito. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mawala sila.

Tumingin ako kung saan nakatayo lamang kanina si hera ay biglang nawala. Hala! Bakit ba kasi ang tatlong yun ang pinagkaabalahan ko?! Nawala ko pa tuloy si hera.

Lumipad ako sa ere para mabilisan ang pagkita ko kay hera. Ilang ikot pa ang ginawa ko nang makarinig ako ng tawa sa malapit nalang sa iniikutan ko. Tumingin ako sa paligid at sinipat ang mata.

Nakita ko naman si hera at naka luhod na ito na maay kasamang matandang babae na nakangiti na parang may sinasabi kay hera. Pumikit naman si hera at umiiling.

Natumba kaagad si hera. At gumawa naman ako ng lubid para hindi bumagsak ang katawan ni hera sa lupa. Nagulat pa ang matanda sa pagsulpot ko. Wala ano-ano'y hinampas ko ng latigo ang kanyang katawan at naglaho naman siya bigla. Isa lamang siyang ilusyon pero  napakasakit siguro na salita ang binitawan niya kay hera. Bumalik ako sa pagkatao at kinuha sa lubid si hera.

Tumingin ako sa walang malay na si hera. namumutla siya at kahit nakapikit ay patuloy parin ang pagtulo ng kanyang mga luha. pinahid ko naman ng aking panyo na dala at hahakbang na sana ako para lumipad ulit sa ere nang may nagsalita sa likuran ko.

"Saan mo siya dadalhin?" Matigas na tanong niya

Ngumisi ako ng palihim . Alam kong kanina pa sila jan. Nararamdaman ko sila, hinihintay ko lang naman na lumabas sila eh.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Nakita ko namang namangha ang isang lalaki na katabi niya at nakanganga pa ang baba ng babae.

"Wow! Ang ganda niya!" Sabi ng lalaki na halata sa kanya ang masiyahin.

"Wag kang maingay! Gagawin kang abo ni Denver." Bulong ng babae sa katabi niya. Umubo naman kunwari ang lalaki at tumingin sa akin ng seryoso. Kahit natatawa ay tumingin din ako ng seryoso sa kanila.

"Anong kailangan niyo kay hera?" Malamig na tanong ko. Napalunok naman ang lalaki na kanina ay namamangha sa akin ngayon ay natatakot na. Hindi sila nagsalita. Tumaas ang kilay ko sa kanilang lahat at nagsimulang talikuran sila.

Dalawang hakbang ang ginawa ko nang maramdaman ko ang papalapit na dagger sa likod ko. Walang sabi ay parang slow motion lamang ang pagsalo ko ng mga dagger at ibinalik sa kanilang tatlo. nagulat pa ang babae sa ginawa ko at walang problema din niya itong sinalo. Bingo! Hindi ako nagkakamali ay siya ang nagtapon ng dagger sa akin. ngumisi ako.

"Ayaw na namin ng gulo. Ibigay mo nalang samin ang babaeng yan at para wala nang away na magaganap." Seryosong sabi ng nasa gitna. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Diba ay ang kasama mo naman ang nauna?" seryosong sabi ko kahit nabibigatan na ako kakabuhat kay hera ay hindi inantala.

Kung gumawa kaya ako ng higaan na gawa sa hangin. Hindi pa ako mahihirapan. Pinitik ko lang ang aking kamay at lumipad na sa ere ang katawan ni hera. Napanganga pa ang lalaki sa ginawa ko. kanina pa yan ngumanganga ha. -.-

"Hindi ka isa sa katulad namin na isa lang ang magagamit na kapangyarihan. Ano ka? ipakita mo ang totoong ikaw!" Takang tanong ng babae.

"Lunox, wag ka ng magtanong pa. Denver . Kakalabanin na ba natin siya?" Tanong ng lalaki na hindi ko pa din alam ang kanyang pangalan. Hindi nagsalita ang sa gitna ay nakatuon lamang ang tingin niya sa akin. Ngumiti ako sa babae.

"Kung ipapakita ko ba ang kaanyuan ko ay kakalabanin niyo ako o hindi?" Nakangiti kong tanong. Lumunok naman ang babae na tinatawag na lunox.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" Siguradong sabi ng babae. nag-aaksya lang ako ng oras dito. base sa kasuotan nila ay nag-aaral sila sa isang academya na pinamumunuan ng kung sino man.

"Sino ang nagpadala sa inyo dito? At paano kayo nakapasok?" Tanong ko sa lider nila. Ngumisi naman ang lalaki.

"Hindi mo na kailangan malaman pa at kalabanin mo nalang kami." Nakangising sabi ng lider sa gitna na si denver daw ang pangalan.

"Kayong bahala." Kibit-balikat na sagot ko at naghihintay ng pag-aatake. Nagalit naman ang lider nila sa sinabi ko na parang walang problema sa akin na kalabanin sila.

Sabay silang naglabas ng kanilang kapangyarihan. Water elemental ang babaeng lunox at Air Elemental ang hindi ko kilala na lalaki. Fire... elemental naman ang kapangyarihan ng lider nila na si denver.

nakatayo lamang ako sa harapan nila at naghihintay ng kanilang atake. Kumunot naman ang noo ng dalawa pero naunang sumugod ang babae sa akin. gawa sa tubig ang kanyang espada. matulis ang kanyang espada. Nakakamangha.

Pero nang hawakan ko ang matulis na espada na gawa sa tubig ay nagulat siya na napatingin sa akin. Tutusukin niya sana ang tyan ko na hindi manlang ako umatras kanyang gagawin.

"P-paano?" Takang tanong niya. ngumisi ako.

"Sinasabi ko na sayo. Hindi niyo pa ako kilala." Sabi ko at gumamit ng thunder elemental at nakuryente naman ang babae sa ginawa ko at nawalan ng malay.

Tumingin ako sa dalawang lalaki na nakatingin lamang sa ginawa ko sa kanilang kaibigan.

"Sinasayang niyo lang ang oras ko. Kailangan ko nang ibalik sa kaharian ang mahal na reyna." Sabi ko at binuhat ulit si hera. "Kung ano man ang pakay niyo. Wag niyo nang ulitin pa. kayo lang ang masasaktan." Malamig na sabi ko at lumipad na sa ere.

Narinig ko pang sumigaw ang lalaking hindi ko kilala.

"Sino ka?!" Malakas na sigaw niya. ngumiti naman ako at binilisan ang paglipad.

Isang lamang akong sinumpang dragon at tinihayag na maging taga pagtanggol kay hera. Pero ang totoo niyang ay isa akong...

Elemental Goddess.