webnovel

The truth of Alehandra

CasterH0gwarts · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 22- Die

Clarissa's Pov

Pagkatapos kong magensayo kay hera ay umuwi kaagad ako sa bayan namin. Dahil sa pagmamadali ko ay may nabunggo ako.

"Ohmygod! Sorry po!" Sabi ko sa nabunggo ko. Hindi ako tumitingin sa kanya kasi busy ako sa pagdampot ng mga nahulog kong magic wand na gawa ko para sa domisticus.

Nang makuha ko lahat ay tumingin ako sa kanya. nagulat pa ako na si cleve pala ang nabunggo ko. Tumingin ako sa kanyang likuran wala naman si clover pero bakit nandito ang kapatid niya?

"Kuya is not here. Ako lang pinapunta niya dito. Kasi may ibibigay ako kay ate hera. Is she here?" Nakasimangot na sabi niya. Bakit ba napakalayo ng kanilang personality ni clover?

"Hi are you there?" Sabi niya at winagayway pa ang kamay sa mukha ko.

"Oh sorry, yes! She's here. Nandoon sa training room nageensayo." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya kaagad at umalis sa harapan ko. Umikot naman ang mata ko nang makawala siya at hinanap ang magsusundo sa akin.

Ngumiti ako kay kuya Clerk nang makita ko na kumakaway siya sa labas ng napakalaking gate nila hera. Tumakbo naman ako papunta doon kahit nahihirapan sa mga dala kong magic wand. Pagkarating ko sa harapan ni kuya ay kinuha niya ang mga dala ko at dinala sa isang box na malaki sa likod ng kalisa na sasakyan ko.

"Sana man lang ay nagpatulong ka sa mga katulong doon Master." Sabi niya. Umirap naman ako nang tawagin niya akong master.

"Sinabi ko na sayo kuya na wag mokong tawaging master!" Simangot na sabi ko sa kanya at nagkunwaring nagtatampo. Tumawa naman siya at sumakay sa kabayo. Sumakay na din ako at nagsimulang maglakad ang kabayo.

Ganito ang ginagawa ko pagkatapos makipagensayo kay hera. umuuwi sa bayan para turuan ang mga bata at babalik na naman sa madaling araw para makipag ensayo kay hera.

Nandito ako ngayon sa domisticus nagtuturo sa mga batang wala pang alam sa mga enchant spells. meron kaming maliit lamang na eskwelahan para sa mga bata para naman ay may matutunan sila sa kanilang buhay at para sa importanteng bagay na makakatulong sa kanilang sarili.

"Kuya dito na ako. Hindi na ako uuwi sa bahay." Sabi ko kay kuya at dinala ang malaking box sa gilid ko.

"Sabi ng mama mo pumunta ka muna daw mamaya sa bahay niyo. Miss ka na daw nila." Sabi ni kuya at umalis na.

Si mama talaga! Anong miss. Eh kahapon nagkita naman kami. tsk. Pagkapasok ko sa maliit na eskwelehan ng bayan ay nandoon na ang mga bata na naghihintay sa akin. Ngumiti naman sila kaagad sa akin nang makita ako.

"Maligayang araw!" Bati ko sa kanilang lahat.

"Maligayang araw din po.." sabay na sabi nila.

Agad namang may nag taas ng kamay. Tumango ako para magsalita siya.

"Miss rissa. Ano nanaman po ang ating gagawin bagot na bagot na kami sa kaka english." Nakasimangot na sabi niya. Tumawa naman ang mga kaklase niya. Nagtaas ako ng kamay at tumahimik naman silang lahat.

"Kailangan niyo ang matutong mag english para paglaki niyo ay pwede na kayong pumasok at mag aral sa Circus academy. Ayaw niyo ba yun?" Tanong ko sa kanila.

"Gusto po!" Sigaw nilang sabi. Tumango naman ako at binigyan sila ng isa-isang magic wands.

"Ngayon ay ang gagawin natin ay mag practice kung pano mag enchant ng spells. wag na wag niyong puputulin niyan kung hindi ay kayo ang pupuptulin ko ng kamay okay ba ?" Namutla naman silang lahat sa sinabi ko. "Joke lang yun pero kung susundin niyo ang sasabihin ko ay hindi ko puputulin kamay niyo." Sabi ko at ngumiti sila kalaunan.

Tinuro ko sa kanila kung pano humawak ng magic wand at kung ano ang mga spells na hindi naman delikado.

Isang oras ang nakalipas ay natapos ko naman agad ang klase at umuwi na ako.

Pagkalabas ko sa kwarto na yun ay nakita kong may humahangos na kabayo at nakasakay ang isang tauhan ni hera. Papunta siya sa direksyon ko .

"Anong nangyari?" Tanong ko kaagad. Kinakabahan sa sasabihin niya. Kanina ko payun nararamdaman pero hindi ko lang pinapansin.

"Tinatawag po kayo ni fatima, may nangyaring masama sa kamahalan" Seryosong sabi niya. Nagulat naman ako. Walang ano-ano'y sumampa ako sa likuran niya at pinatakbo niya naman kaagad ang kabayo .

Ano na naman ba ang nangyayari sayo hera?

Fatima's Pov

Nagsimula akong kumain habang busy si hema sa pagkatulala at si hera naman ay busy sa pagtolog.

Oo natotolog nanaman si hera. Palagi nalang tolog pagkatapos ng pageensayo niya sa kapangyarihan niya.

Pagkatapos kong kumain ay sinadya kong patunugin ang alarm sa relo ko. Bumangon naman kaagad si hera na wala sa sarili at pumunta sa gitna. Natatawa pa ako , kung nakikita mo lang ang itchura niya ngayon ay sabog na sabog hahaha.

Sumeryoso naman ako nang tumingin siya sa akin ng seryoso din. si hema nakatulala pa din. Kaya pumitik ako sa harapan niya at natauhan naman siya.

"Ano bang ginagawa mo sa buhay at parang ang lalim ng iniisip mo?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at bumuntong hininga. Nagkibit balikat ako at pumunta sa harapan ni hera.

"Hera, magsisimula na ang pageensayo mo pero hindi na ako ang tutulong sayo dito kundi si hema. Gagawa lamang ako ng ilusyon na mapunta ka sa masukal na gubat at nandiyan lang si hema na tutulong sa likuran mo. Kalabanin mo ang dapat kalabanin hera. Wag kang magpadala sa emosyon mo kung ano man ang makikita mo sa ilusyon na yun isipan mo ang gamitin mo. Think positive. Pinapaalala ko sayo ako ang gumawa ng ilusyon na masukal na gubat pero ang mga makakalaban mo hindi na ako ang gumagawa niyan. Isipan mo hera. At ang emosyon mo hera. Wag kang magpadala." Paalala ko sa kanya. Umikot naman ang mata niya at tumango naman kalaunan.

"Pa ikot-ikot lang ang sinasabi mo. Pwede namang isa-isahin." Kunot noo na sabi ni hera at lumayo sa akin para uminom ng tubig Babatukan ko na sana siya nang sumulpot si hema sa tabi ko.

"Hayaan mo na. Sabi niya kanina kakayanin niya naman daw. At siya nga pala alam na ba niya na kung ano ang ituturo ko sa kanya?" Tanong ni hema. Umiling naman ako. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na.

"Sinabihan ko lang siya na wag siyang magpadala sa emosyon niya at nandiyan kalang naman sa likuran niya nagmamasid." Sabi ko at na kuntento naman siya.

"Simulan mo na." Sabi ni hema at pumunta din sa gitna.

Pumikit ako at gumawa ng ilusyon na nasa isipan ko.

Hera's Pov

Nasusuka pa ako nang muntik nang umikot ang paningin ko dahil sa hindi man lang nagsabi si fatima na magsisimula na pala. ni tubig o pagkain wala akong dala. Pero bahala na baka madali lang to.

Pumikit ako ng ilang sandali at nang makarinig ako ng napakakilabot na tunog ng Kahoy ay minulat ko ang mata. Bumilis kaagad ang pintig ng puso ko kung gaano ito ka sukal na gubat. Grabe naman tong masukal na gubat ni fatima tsk.

Tinignan ko ang kapaligiran. pareho sa itchura ng enchanted forest pero ang kabaliktaran ay masukal ito at walang kaibon-ibon. Makulimlim ang kalangitan at nakakakilabot ang tunog ng kahoy. puro itim ang paligid na parang isang yapak mo lang ay magsisilabasan na ang mga hayop o ano mang bagay na maaari kong ikamatay kaagad. Sabi nga ni fatima hindi ako magpapadala sa emosyon ko.

Isipin ko kayang makakita ako ng pagkain at tubig baka makakita kaagad ako. Hindi nga ako nagkamali ay nakakita ako ng prutas sa ibabaw ng kahoy at may naririnig na din akong tubig sa malapitan.

Lalapit na sana ako sa prutas na marami ng makarinig ako ng kaluskos sa paligid. Umalerto naman kaagad ako. Kung si hema man ito kakatayin ko talaga siya at gagawin siyang lechong dragon. Tsk. Nag biro pa ako sa kalagitnaan ng kamatayan ko. Ay ewan! Natatakot na talaga ako. Baka lumabas ang isang halimaw na isa lamang ang mata natatakot pana man ako doon.

Shit! Bakit inisip ko nga ba iyun!? Huhu sabi nga ni fatima ako ang gumagawa ng ikakapahamak ko sa ilusyon na ito. Masyadong makulit ang isipan ko kaya't nagisip pa talaga ako ng halimaw na isang mata.

Hindi nga talaga ako nagkamali ay biglang lumindol ang paligid at sumulpot sa harapan ko ang isang napakalaking higante at isa lamang ang mata.

Nanginginig na ang labi ko sa takot pero hindi ako nagsalita o gumawa ng aksyon para lumaban sa isang tu. pero napaisip naman ako, ganun ko nalang ba kalimutan ang halaga ng pageensayo ko.

Ngumisi ako sa higanteng isang mata. seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

Pumikit ako at sumigaw .

"Giant rock!" Sigaw ko at lumindol nanaman ulit ang paligid at lumabas nanaman ulit ang higanteng gawa sa bato. nakatuon lang ang tingin niya sa akin. "Kalabanin mo siya" sabi ko. namalikta lang ba ako o talagang tumango talaga siya sa akin.

Naglaban ang dalawang higante kaya ginamit ko ang oras na yun para sa pagkuha ng prutas na kanina ko pa tinitignan. Pulang-pula na mansanas kaya naisip ko ang matandang babae na kuntrabida sa snow white and the seven dwarfs. Alam ko ang movie nayun kasi palagi kaming dinadalhan ni clover ng isang box ng tape kaya nagpabili talaga ako ng T.V kay mommy noon dahil curious ako sa magagawa ng isang t.v. Akala ko pa noon yung tao na nasa T.V ay nasa likod lamang nito pero hindi pala yun. Isipan ko lang yun.

Kakainin ko na sana ang mansanas nang may tumawa likuran ko. Nahulog ko ang mansanas pupulutin ko na sana ito nang napagtanto kong wala na ang dalawang higante sa harapan ko na kanina lang nag-aaway. napakurap-kurap pa ako. Magsisimula na sana akong maglakad nang may tumawag sa pangalan ko.

"Hera.." isang napakalalim na boses ang narinig ko sa likuran. Kumabog naman ang puso ko habang dahan-dahan tumingin sa likuran.

Nakita ko ang isang babae na maputi na ang mahabang buhok at nakasuot ito ng itim na balabal at nakangiti sa akin. siya yung sinasabi ko sa inyu na kuntrabida sa snow white and the seven dwarfs.

"Hera.. gusto mo ba ng mansanas ?" Tanong niya at naglahad ng mansanas sa akin. kahit nagugutom ako ay hindi ko iyun kinuha dahil alam ko na ang gusto niya. May lason yan ang kanyang mansanas at mamatay ako kung kakainin ko at dadating ang prince charming ko tsk.

"Okay lang ho, meron naman ako nito eh." Sabi ko at aalis na sana. Pero hinawakan niya ang balikat ko. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti ng nakakakilabot. Nanlaki pa ang mata ko nang may lumabas na uod sa ngipin niya. Yak.

"Makinig ka. Mamatay ka ngayon dito. Nilason ng kaibigan mo ang iyung inumin. Niloloko kalang nilang lahat. Gusto nilang kunin ang kaharian mo.. masaya na sila ngayon at nandito kana sa ilusyon na ito at hindi kana lalabas pa.  Walang may nagmamahal sa iyo. Magisa kana lang sa buhay hera.. kaya magpakamatay ka nalang!" Sigaw niya sa mukha ko.

Umiling ako at nagsimulang umiyak. h-hindi.. hindi magagawa ng mga kaibigan ko yun. Lumuhod ako at pumikit na humihikbi.

Nakikita ko ang mga imahe ng kaibigan ko at pati na si clover. H-hindi...

"Die hera! Die!!" Malakas na sigaw niya at tumawa siya na parang demonsyo.

And everything went black.