*plank!! *
"ate ano yun? " sambit ni michelle ng makarinig kami ng basag sa ibaba. Bumaba kami para tignan kung anong nangyayari duon.
"ate natatakot ako." sambit ni michelle sakin habang nasa likod sya pababa kami.
"sshh" sagot ko lamang sa kanya.
Habang naglalakad kami may nakita akong tao sa kusina. Humarap ako kay michelle.
"bumalik ka sa kwarto mo at ilock mo yung pintuan mo. Wag na wag mong bubuksan yun, kahit anong mangyare ok? " bulong ko sa kanya.
"pero ate pano ka? " sagot nito.
"ako ng bahala sa sarili ko. Basta ikaw ligtas ka ok? Sige na gawin mo na yung sinasabi ko. Wala ng maraming tanong tanong." sabi ko rito at saka sya tinulak paakyat.
Nang maka akyat na sya babalik na sana ako ng may maramdaman ako sa likod ko.
Pag harap ko.
"WAAAAAAAAAH! " tili ko ng makita ko syang may dugo sa may bandang labi nya.
Tapos bigla nya akong hinatak papalapit sa kanya at bigla nalang akong nawalan ng malay.