webnovel

The prince of vampire and i

Si maggie at ang kanyang kapatid nalang ang magkasama sa buhay ngayon. Parehas silang scholar ng kanyang kapatid bagamat hindi sya tumitigil sa pag kayod para lang maibigay nya ang pangangailangan nila sa pang araw araw o sa mga kailangan para sa school nila. Hanggang sa isang araw ay biglang nag bago nalang ang buhay nilang magkapatid nang may dumating na isang mistoryosong tao. Mag babago ang buhay nila sa isang iglap, pero magugustohan parin ba nya ang mistoryosong taong yun pag nalaman nya kung ano talaga ang totoong pagkatao ng taong iyon?

jeisan · Anime & Comics
Not enough ratings
6 Chs

Chapter 1

"beb baka naman may alam kang trabaho?" pagtatanong ko sa kaibigan ko.

"parang yung resto ata nila nathan ngayon naghahanap sila ng tao." sagot nito sa akin.

"e asan na nga ba yung lalaking yun?" tanong ko ulit.

Maya maya pa ay bigla may umakbay sakin.

"yes what can i do for you? " salita nito.

"ayan tamang tama datiing mo nathan, nag hahanap ng trabaho yang si maggie." sambit ni sam.

Ay nakalimutan ko nga palang mag pakilala, ako ngayon pala si maggy tolentino. 18 years old. May kapatid ako si michelle tolentino 15 years old. Kami nalang ang magkasama ngayon.

Ulila na kami sa magulang. Parehas silang namatay sa isang aksidente. Simula nun ako na ang tumayong magulang sa kanya.

Wala kaming kamag anak dito sa manila at kahit na meron ay walang gustong mag alaga sa amin.

Buti nalang at may mga kaibigan akong totoo na handang dumamay sa akin sa lahat ng bagay.

Si samantha legaspi - 18 years old maganda, mabait, matalino. May kaya sila sa buhay dalawa din silang magkapatid sya ang bunso kaya kung ano man ang sabihin at gusto nya nabibigay at nagagawa nya.

Si nathan lee - 18 years old din. Half korean half filipino. Gwapo, mabait, matalino, at habulin ng mga babae. Heartthrob yan sa campus namin. At may sarili silang restaurant. May kaya din sa buhay at nag iisa lang syang anak kaya naman nakukuha at nagagawa din nya ang mga gusto nya.

Nag balik ako sa reyalidad ng pisilin ni nathan ang ilong ko.

"hoy kanina pa ako nag sasalita dito, di ka naman nakikinig." salita nito.

"sorry may iniisip lang. " sagot ko naman dito.

"so ano? Tara after class? Punta tayong resto ipapasok kita dun. Kulang din kase ng mga tao sila umma. " salita nito.

"sige after class. "

Andito kami ngayon sa cafeteria patapos na din ang break time namin.

-----

Tapos na ang class namin inaantay ko nalang kapatid ko. Hindi ko sya pwedeng iwan nalang basta basta at hayaang umuwi mag isa dahil delikado at kami nalang ang magkasama kaya hindi ko sya pwedeng pabayan.

"ayan na pala si mich. " salita ni nathan. Si sam naman umuwi na dahil may sundo sya.

Si nathan ang nag hahatid sundo naman samin. Sya ang nag presinta nyan dahil delikado at baka kung anong mangyare pa daw saming dalawa.

"tara na. Oo nga pala dadaan muna tayo ng resto nila nathan ha?" sambit ko kay mich.

"ha? Bakit ate? Kakain tayo dun?" binatukan ko nga, lagi nalang pagkain nasa isip haha.

"aray ko naman ate. " sambit nya saka sya nag pout tapos tumawa si nathan.

"pasok na." salita ni nathan ng makarating kami sa sasakyan nya.

"ipapasok ko sa resto si ate mo, tapos kakain tayo dun. " salita pa nito ng makapasok na sya sa sasakyan nya.

"yehey! Bait mo talaga kuya nathan. Sana ikaw maging boyfriend ni ate hehehe. " binatukan ko nga ulit kung ano ano pinag sasabi nitong batang to.

"umayos ka nga. " sabi ko dito. Tapos tumawa naman si nathan.

"e kung gusto ba ng ate mo, why not diba? Haha" sagot naman nito.

"loko ka. Sige na mag maneho ka na jan. " suway ko rito. Isa pa to kung ano ano pinag sasabi.

Pero sa totoo lang di naman mahirap mag kagusto sa kanya. Parang halos perpekto na nga sya e.

Hindi naman sa sinasarado ko yung puso ko dahil sa status namin ng kapatid ko ngayon. Hindi pa siguro ako handa para dito. Dahil mas priority ko ngayon yung makatapos kami ng pag aaral.

Hindi naman nag tagal na andito na kami sa resto nila at nag sibaba na kaming tatlo.

Pag pasok namin sa resto ang daming tao. Mukhang nahihirapan nga sila ngayon kase konti lang ang mga tao nila dito.

"good afternoon sir." bati ng isang tao nila kay nathan ng makita ito.

"good afternoon din ate. Nga pala asan sila umma? "  bati at tanong naman nito rito.

"nasa loob po ng office. " sagot naman nito

"a sige salamat. " pasasalamat ni nathan dito.

Nginitian naman namin si ate at sumunod na kay nathan.

Si nathan muna ang pumasok mga ilang minuto lumabas sya at saka nya ako pinapasok.

"good afternoon po tita." bati ko rito ng makapasok na ako.

"good afternoon din iha. Sit down sit down. " bati din nito sa akin.

"ang sabi sa akin ni nat e nag hahanap ka daw ng work? " sambit nito.

"opo tita kase natapos na po kase yung contrata ko sa isang pinapasukan ko. Saka po yung fulltime na din po kase ang hanap nila. " sagot ko naman kay tita.

"nako tamang tama kulang na kulang kami sa tao ngayon. Bali bukas dumaan ka ulit dito at dalhin mo na rin ang mga papers mo, at para makapag simula ka na din bukas. " sambit nito.

"talaga po tita? Nako maraming maraming salamat po tita." pasasalamat ko dito.

"basta ba masipag. " sambit ulit nito

"opo naman po tita. Sige po maraming salamat po ulit. " sagot ko naman dito. Tapos lumabas na ko.

"ano?" bungad nila sakin.

"ok na. Mag uumpisa na ko bukas." good news kong sambit.

"yehey! " sambit ni mich

"dahil jan kakain tayo. " si nathan naman ang nag salita.

Tapos kumain na kami.

Pagkatapos na kaming kumain hinatid na nya kami sa bahay at saka nag pahinga na kaming mag kapatid.