webnovel

The Nerve

Isang laro kapalit ang isang malaking halaga ng salapi. Sasali kaba dito o isasawalang bahala na lamang ito. Ngunit pano pag ikay wala ng mapagpipilian? Pano kung inatasan kang patayin ang minamahal mo? Isang napakalaking halaga ang kapalit nito ngunit pag ikay sumuway, buhay mo ang nakasalalay dito. Handa mona bang patayin ito, o handa mo ng isakripisyo ang buhay mo para rito? Halina't pasukin ang mundo ng... Nerve

Moon_Cola · Others
Not enough ratings
20 Chs

Chapter Fifteen

Angelica pov.

Ngayon ay pinaghahandaan ko na ang plano ko,, ang patayin si rey.

Agad na tumulo ang luha sa mga mata ko ng maalala ko ang mga sinabi ko kahapon.

Flashback:

"Mahal na mahal kita rey, kahit anong mangyari tandaan mong napakasaya ko simula ng dumating ka sa buhay ko" bulong ko sa hangin habang nakatalikod si rey saakin.

Pinagmamasdan ko sya ngayon habang nakatalikod sya sa akin dito sa playground.

Dito sa playground ko sya nahanap, dahil madalas ay dito kami pumupunta para mag usap ng walang istorbo at tahimik.

Naka upo sya sa swing habang dahan dahang tinutulak ito gamit ang kanyang mga paa.

Pumunta ako sakanya at tumabi, nung una ay hindi nya pa napapansin ang presensya ko hanggang sa kinalabit ko sya.

"Nandito ka pala, anong ginagawa mo dito?" Tanong nya habang pinipunasan ang mga butil ng luha sa gilid ng mga mata nya.

"Umiiyak kaba?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.

"Hindi, napuwing lang. Sobrang lakas kasi ng hangin dito e yung alikabok napupunta sa mata ko" mahabang paliwanag nya na hindi naman ako kumbinsido kaya naman binigyan ko sya ng mga matatalim na tingin kaya naman ay nag buntong hininga sya na animoy sumusuko na.

"Alam mo bang may sakit sa puso si mama, hindi na nakakalakad pa si papa. Ako nalang ang natitira nilang pag asa, kinalimutan na kami ng mga kamag anak nila mama at papa. Hindi kona alam ang gagawin ko, ayoko pang mawala sa mundo." Ang sabi nya habang parang batang umiiyak.

"Mahal na mahal kita angelica, kung ano man ang mangyari tandaan mong mahal na mahal na mahal kita sobra" habol nyang sabi habang humahagulgol.

"Shh tama na, mahal na mahal din kita" ang sabi ko.

End of flashback

Hinanda kona ang gagamitin kong baril para hindi nako mahirapan pa.

Pinunasan kona ang mga luha ko at tsaka lumabas at nagpaalam saglit kay agaser.

May date kami ngayon, at naisipan nyang dito kami sa likod ng eskwelahan gawin.

Hindi nako tumutol pa dahil mapapadali ang mga plano ko at walang makakakita saamin.

Pag punta ko ay nakita ko agad syang nakaupo sa latag nyang tela, piknik daw ang gusto nya.

Nakatulala sya at animoy ang lalim sobra ng iniisip kaya naman ay agad ko syang pinuntahan.

"Hi baby" bungad ko sabay halik sa pisnge nya.

"Nandyan kana pala baby, upo kana" nakangiti nyang sabi ngunit mababakas ang lungkot sa mga mata nya.

Nagsimula na kaming kumain at kung ano ano ang pinagusapan hanggang sa naisipan ko ng gawin ang plano ko pag katapos naming kumain, nag liligpit na sya ng mga gamit kaya naman ay naisipan ko ng gawin ito agad.

Habang nakatalikod ako ay inayos kona ang baril na gagamitin ko,, at sa hindi inaasahang pag harap ko ay may baril na palang nakatutok sa ulo ko.

At ng tignan ko kung sino iyon ay agad na

nag unahang bumagsak ang mga luha ko.