webnovel

The Nerve

Isang laro kapalit ang isang malaking halaga ng salapi. Sasali kaba dito o isasawalang bahala na lamang ito. Ngunit pano pag ikay wala ng mapagpipilian? Pano kung inatasan kang patayin ang minamahal mo? Isang napakalaking halaga ang kapalit nito ngunit pag ikay sumuway, buhay mo ang nakasalalay dito. Handa mona bang patayin ito, o handa mo ng isakripisyo ang buhay mo para rito? Halina't pasukin ang mundo ng... Nerve

Moon_Cola · Others
Not enough ratings
20 Chs

Chapter Eighteen

Third Person POV.

Masyado nyong nagustuhan ah, five days lang dapat, pero naging 1 week ang nangyari dahil nagandahan kami sa mga nasaksihan namin.

Parang mga napapanood ko sa tv haha.

Ano kaya ang magiging reaction nila pag nalaman nila lahat

Pag nalaman nila ang totoo, kailangan pa nilang hanapin ang isat isa upang matuloy ang kanilang naudlot na pag iibigan o pagmamahalan.

At lahat kami dito ay nasaksihan lahat iyon.

Lahat kami.

Angelica POV.

Puta nasan ako, bat ang daming nakakabit sakin na kung ano ano sa katawan ko.

"Sino kayo anong ginagawa nyo sakin!?" Sigaw ko sa dalawang naka puti sa harap ko, mukhang mga kaedad ko lang sila.

"We miss you so much angelica" ang sabi ng isa sabay yakap saakin na animoy may pahikbi hikbi pa.

Ano ba toh naka drugs ba tong mga toh.

"Angelicaaa!" Sigaw ng isang babaeng papasok sa kwarto kung saan ako nakalatay.

"Ano ba putek, kung mga sabog kayo please wala akong tindang droga." Ang sabi ko na iritang irita na.

Hindi ko naman kilala tong mga toh pero kung makayakap sakin kala mo naman close kami.

"Close tayo teh?" Ang sabi ko sabay tulak sakanya dahil nasasaktan ako kapag nasasangga nya yung mga nakaturok sa katawan ko.

"Teka nga teka nga" ang sabi ko kaya naman ay humiwalay na sakin yung babaeng nakayakap saakin, kaya naman ay binigyan nya ako ng ngiting animoy humihingi ng pasensya.

"Sino ba kayo" ang tanong ko at tinignan sila isat isa kaya naman ay nagkatitigan sila na para bang nag uusap sa isipan kung sino ang unang magsasalita.

"Ako si megan" pakilala saakin ng babaeng maigsi ang buhok, maputi at maganda.

"I'm sabrina, sab for short" pakilala naman ng isa na blonde ang buhok, maputi rin at maganda.

"I'm hale" maigsing pakilala ng isang babaeng morena pero maganda, yung yumakap saakin.

"Kala ko inhale" bulong ko.

"So bakit nga ba ako nandito, anong gagawin nyo sakin, tsaka bat ang daming nakakabit sa katawan ko" tuloy tuloy na tanong ko sakanila.

"you wanna know the truth?" Singit nung sab daw.

"Wag mo kong inienglish english dyan ah, sabihin mona" mataray na sabi ko dahil nakakairita na sobra.

"Okay, we gonna tell you na" sabi nung maigsi ang buhok, abay conyo ampotchi.

Hale POV.

kitang kita ko sa mukha ni angelica ang irita at kuryosidad.

Hindi ko alam ang magiging reaction nya kapag nalaman nya ang totoo.

"Bukas namin sasabihin" ang sabi ko kaya naman ay umangal sya at nag ingay kaya naman ay agad na tinurukan ni sab ng pang patulog si angelica.

"Bukas na para handa kana" bulong ko habang nakatingin sa natutulog nyang katawan.