webnovel

6

"Hello," biglang sulpot at bati sa'kin ng babaeng nakasalamin. Nakabraid ang buhok nito at pilit ang ngiti sa'kin kahit na halatang nahihiya ito. Ang cute niya.

"Hello," balik kong bati.

Nakasabay ko lang siya sa pagpasok ng classroom. Gusto niya atang magkaro'n agad ng kaibigan.

Isinabit ko ang kamay ko sa braso niya at marahan na siyang hinila papunta sa pangalawang row sa pinakahulihan. Gusto ko ring magkaro'n ng kaibigan, para hindi ako mag-isa, hindi gaya ng mga nakaraang taon.

Umupo na kami at nahalata ko ang nahihiya niyang tingin sa'kin kaya naman nginitian ko siya. Agad ko namang nakita ang pagpunas nito ng kanang kamay sa kanyang palda bago ito inilapit sa'kin.

"Ako nga pala si Kyla. Kyla Daican," pakilala nito.

Inabot ko ang kaniyang kamay at sumagot. "Xiera Devon," ani ko.

Akmang bibitawan na namin ang isa't-isa nang may tumikhim sa unahan ng aking inuupuan.

"Ang pormal niyo naman, pasali nga. Ako pala si Joan Reun," ani ng babae.

Mayroon itong mahabang buhok, brown ang kulay nito at bagsak. Maganda rin siya, at higit pa do'n, feeling close rin siya.

Tumango naman kami ni Kyla at nag-usap pansamantala. Nagkamustahan kami kung anong nangyari sa'min nitong nagdaang bakasyon.

Nang dumating na ang prof. ay agad kaming nag-ayos ng upo at humarap sa unahan.

"Good morning students! I'm Professor Cheryl Givon. I will handle your class," pakilala nito.

Inutusan niya kami na pumunta sa unahan paisa-isa upang magpakilala na amin namang ginawa.

Nang matapos kami ay nagsimula na ang prof. na magdiscuss ng mga bagay na kailangan naming talakayin within this school year. Sinabi niya na rin ang iba pang mga kakailanganin.

"Now, you're going to have a research about something. Let's say, something that is unique or interesting to know. You can choose whatever you want," ani ng prof.

Napaisip naman kami agad. Nagkaro'n ng bulong-bulungan sa loob ng room.

"Ano ba yan, kakapasok palang research agad!" rinig ko kay Joan.

May punto naman siya, ngunit mukhang may paligsahan dito sa eskwelahan dahil tatlong grupo na ang narito. Dapat competitive na lahat.

Narinig namin ang pagpalo ng prof sa table niya upang matigil ang ingay.

"You can choose your partner. I'll give you five minutes to choose," dagdag ng prof. na halatang narinig naman ang reklamo ng kaklase ko ngunit 'di ito inintindi.

Agad kaming nagtinginan ni Kyla at ngumiti sa isa't-isa. Nahalata naman namin ang pagkayamot ni Joan at ngumiti sa'min ng pilit.

"Oh, bakit?" tanong ko nang makitang mag-isa lang siya.

"Wala akong kapartn--" naputol ang sasabihin ni Joan nang magbukas ang pinto at iniluwa ang isang lalake.

Matangkad ito at halata ang ngisi sa mukha nito.

"Ba't ngayon ka lang?" tanong ng prof. Halata ang pag-iingat sa boses ni Ma'am Givon.

"'Cause I'm late," sagot naman ng lalake.

Tumikhim ang prof. ng nagpatuloy na ang lalake sa paglalakad papunta sa likuran ko. Walang nagawa ang prof. kundi ipagpatuloy nalang ang ginagawa niya.

Gwapo ang lalake, makinang ang mga mata, cheerful ang labi dahil parang laging nakangisi, ginaganahan lagi mangpilosopo. Matangos ang ilong nito, halatang mayaman dahil makinis din ang balat nito, maputi at may katangkaran. Ugali lang naman problema.

First day of school, may pasaway na agad. Napabuntong hininga nalang ako.

Nagtanong na ang prof. kung mayroon nang kanya-kanyang partner. Ang pagtawag niya ay simula sa unahan papuntang hulihan. Dahil sa nasa unahan ko si Joan, siya ang unang tinawag sa'ming tatlo.

"Ms.Reun, who's your partner?"

Bakas ang ilang ni Joan nang inilibot niya ang mata sa'min at tumama ito sa lalakeng kakapasok lang. Tumingin naman siya sa'kin at nabasa ko ang kanyang binigkas.

'Sorry'

Agad nitong hinila si Kyla at para akong natuod sa kinauupuan ko nang ipakilala niya si Kyla sa prof. bilang partner niya.

"So both of you are the last partner," ani ng prof namin.

Nilingon ko naman ang lalaking nasa likod ko na agad namang ngumisi sa'kin sabay pabulong na sabing 'you're mine'.

Napaikot ako ng mata sa sinabi ng lalake. Hindi ko magawang mainis kay Joan dahil ngayon palang nga ako nagsisimulang magkaroon ng matinong kaibigan, masisira pa. Nagkibit-balikat nalang ako dahil wala na akong magagawa.

"Sit beside your partner and talk about your project," ani ng prof.

Tinignan ko ang lalakeng kapartner ko nang marahan nitong inilagay ang kamay sa bakanteng upuan na katabi niya, senyas sa'kin na do'n ako umupo. Sumunod naman ako sa utos nito at iniharap ang upuan ko sa kaniya.

"Xiera nga pala," bagot na pakilala ko. Lumingon ito sa'kin at iniharap din ang kanyang upuan sa upuan ko. Nagdekwatro pa ito at inilapit ang mukha niya ng kaunti sa'kin.

"Jayson Omer, Jayson will do," pakilala rin nito habang sabay na inaangat baba ang kanyang mga kilay.

Siguro kakaibiganin ko nalang talaga 'tong lalakeng 'to para matapos ang research, kesa bumagsak ako.

Isinulat ko sa notebook ko ang name ng lalake at ng sa'kin para kung makalimutan ko man, may notes pa rin ako. Nangalumbaba ako habang nag-aantay na magsuggest ang lalake.

Rinig na ang ingay ng buong klase nang dahil sa pinapagawa sa'min ng prof. habang kami ng kapartner ko ay wala pa ring kibo sa nakalipas na tatlong minuto.

"Ahm, Jayson. Ano nga pala ireresearch natin?" simula ko dahil nasasayang na ang oras at nakatunganga lang kami. Nadakip ko ang biglaang pagkunot noo nito na parang walang alam sa nangyayari.

Napasapo ako sa noo ko.

Naalala ko naman na hindi niya pa alam kung anong gagawin kaya naman sinabi ko sa kanya kung ano ang sinabi ng prof. kanina.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang masabi ko na sa kaniya ang gagawin. Nalate pa kasi.

Akala ko ay kailangan pa namin ng ilang minuto para magbrain storm at saka mag-usap ngunit nang magsalita ito ay halatang hindi ko na kailangan mag-isip dahil mayro'n na kami.

"We will start tonight. Let's meet at the gate later, 7p.m. You're my date," sabay kindat nito. 

Kitang-kita ko ang kislap sa mata nito. Na parang nasisiyahan siya sa gagawin namin kahit na wala pa kaming pinag-usapan kung anong klaseng research ang gagawin namin.