webnovel

5

"Students, kindly proceed to the field. We have some announcements," rinig namin sa speakers na nasa paligid. Maliliit lang ang mga ito at nakalagay sa itaas na bahagi ng mga building.

"Ano pa kaya ang susunod na mas magpapagulo sa isip ko?" bulong ko.

Sumunod naman kami at nagtungo sa field. Pinapila muna kami at may binigay sa aming card. Black ang nakuha ko.

"Miss Devon, 'wag mong ipapakita kahit kanino ang kulay ng card mo. Black card means freedom to choose," ani ng babaeng nagbigay sa'kin. Natuwa naman ako at tumango naman ako bilang pagtugon.

Hindi naman siguro masyadong masama ang mga nagpapagulo ngayon.

"Freedom to choose," bulong ko habang papasok.

'Pagpumili ba ako ng pinakamatalino at pinakagwapong lalake dito ngayon, pwedeng mapasa'kin 'yon kahit may girlfriend na siya?' natawa ako sa naisip ko. Napailing nalang ako at itinago sa bulsa ang black card na bigay sa'kin.

'Di pa naman gaanong mainit dahil maaga pa. Sinubukan kong maghanap ng kakilala ko ngunit wala akong nakitang pamilyar na mukha dahil hindi naman ako gaanong palakaibigan noon. Nababalot din ng ingay ang buong field dahil sa nagkakamustahang mga magkakaibigan.

Nadakip ko ang pag-akyat ng isang pamilyar na pigura sa may tanghalan. Nakaformal attire ito na mukhang kakagaling lang sa pagiging groom sa kasal, isang klase ng principal na gusto palaging presentable at formal lagi kahit estudyante lang naman ang haharapin niya.

Tumigil ang bulong-bulungan nang tumikhim ang aming Dean. Inilibot nito ang paningin at nagpakawala ng matamis na ngiti.

"Hello everyone! Please group yourselves according to your colors," agad niyang instruct sa'min.

Ginawa naman namin ang sabi niya. Nahalata ko na ang mga kulay ng mga card ay ginto, pula, at dalandan. Pinagmasdan ko ang mga nasa pula, halatang anak mayaman dahil mapuputi ito at mukhang elegante habang ang mga nasa ginto naman ay mukhang mga athletic dahil sa ganda ng mga katawan nila. Pinagmasdan ko naman ang mga nasa dalandan, normal lang. 

Walang ano mang kakaiba sa kanila. Parang ako lang, kaya sa dalandan ako nagtungo.

Nang matapos kami ay nakarinig kami ng palakpak galing sa entablado.

"As you can see, we grouped you into three. And I just want to tell you that we now have werewolves, vampires and mortal students. Every person deserves education. So let's get the best out of it," aniya. At bakas sa mukha niya ang saya. "Please proceed to your respective building and get your schedules," dagdag nito at bumaba na.

Nagsi-alisan na rin kami at tumungo sa mga building kung saan ginaguide kami ng naka-assign sa grupo namin.

'Werewolves, vampires and mortal students? Kaya pala may kakaiba. Saan ba ako sumali?'

Pinagmasdan ko ang mga kasama ko. Hindi pa ako nakakakita ng bampira sa personal kaya hindiko alam kung alin ba nasalihan ko. Ang mga may gold card kanina, halatang werewolves sila dahil well-built mga katawan nila.

"Excuse me miss, ano po ba ibigsabihin ng green card?" tanong ko sa guide naming.

"Mortals, hindi mo ba lam?" tanong nito. Nagpakawala naman ako ng hininga, akala ko sa vampire ako nakasali.

Kumunot ang noo ng babae at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Sandali, may kakaiba sa itsura mo. Nasa'n ang card mo? Vampire ka ba? 'Di ka dapat nandito!" tarantang ani ng babae. Namumula na rin ito.

Napansin ko rin na paunti-unting lumalayo na sa'kin ang mga kasama kong estudyante.

"H-Hindi po... green card din po ako. Nawala ko po kanina, siksikan po kasi," pagrarason ko.

Inayos ng babae ang pagkakatayo at nabawasan ng kaunti ang taranta niya.

"Hindi ka mayabang, malamang nga hindi ka bampira. Kumuha ka ng green card do'n sa dinaanan mong maliit na gate kanina. Para mapatunayan na hindi ka bampira," ani nito.

Mag-aantay naman daw sila. Nagrereklamo pa sana ang mga estudyante kaya nahiya ako ngunit mas mabuti na raw na mag-antay sila ng ilang minuto kesa naman makasama ako ng buong taon tapos bampira pala ako.

Masyadong matalas ang mga sinasabi niya, nahahagip ako kahit hindi naman ako bampira pero ako ang tinutukoy, ngunit may punto naman siya sa sinasabi niya.

Tumakbo na ako papunta sa may gate na pinagkuhanan ko ng black card kanina. Nasa field pa rin ang may gold and red card kaya nadaanan ko sila.

"Pwede po papalitan ng color green?" request ko sa nagbigay sa'kin ng black card.

Kumuha ito ng green card at binigay sa'kin.

"Miss Devon, itago mo lang ang una mong card, you might need it to confirm your identity in games," ani nito. I nod in understanding.

Tumalikod na ako rito.

Sa pangalawang pagdaan ko sa field, narinig ko na binibigyan nila ng rules andregulations ang dalawang grupo.

"Don't use your powers, it might cause chaos and mortals willfreak-out," ani nito.

Napatango ako sa sinabi ng instructor.

"And lastly, do not kill anyone in Middle Land, especially inside thisschool," muli akong napatango.

Natauhan ako sa ginagawa ko nang makitang nakatingin na sa'kin ang instructor,pati na rin ang dalawang grupo.

Tumigil pala ako sa paglalakad at parang sira-ulong nakikinig sa mga rules na'di naman para sa'kin.

Napasapo ako sa noo ko at yumuko bilang paghingi ng pasensya at mabilis natumakbo papaalis sa field.

Halos manliit ako nang marinig ang tawa ng mga babae sa red card.

'Nakakahiya!'

Nakarating na ako sa grupo ko at pinakita sa kanila ang green card, pilit na winawaglit ang kahihiyang ginawa. Nagingkomportable na rin sila at nawala na ang tensyon na kanina ko lang naramdaman.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa building namin.

"Please beware of those groups. Stay away from them. They'll bring youharm," sabi ng nagaguide sa'min at tinutukoy ang dalawang grupo na umalisna rin sa field patungo sa kani-kanilang building, nang matapos niyangiintroduce ang mga building na nadaraanan namin.

"Bakit po?" tanong ng isa sa'min.

"You heard it. They're vampires and werewolves. Vampires suck blood, whilewerewolves break bones," pagbabanta niya na nag-ani ng mga pagsinghapgaling sa grupo namin.

Kaya pala parang may kakaiba. Ang lugar kung sa'n ligtas dapat kami ay nagingmistulang gubat sa'min dahil sa pag-iisip ng Dean na lahat ay kailangan ngedukasyon.