webnovel

The Adopted

Jessica's Point of View

Tatlong buwan na ang nakakaraan mula ng maganap ang insidente…

Nagtapos na rin ako ng highschool. Lamang, wala nga lang honor... Well, what do you expect? Nag-iba rin ang treatment sa akin ng mga magulang ko at kahit nakakailang, masaya ako.

Hinatid ko sa airport sina Andrea, Ardell at Quatre. Babalik na sila sa mga bansa nila upang huwag nang sundan ng media.

AIRPORT. DEPAARTURE AREA.

Jessica: Kamusta na ang father mo?

Andrea: Nauna na siyang bumalik sa Denmark. Doon na siya magpapalakas. Ako naman, babalik na ako sa modeling. Somehow, this is a good publicity. Susulat ako pagdating na pagdating ko sa Denmark.

Jessica: Sige, hihintayin ko 'yan. (titingnan si Quatre) I-I guess, I'll get going. (tatalikod at lalakad)

Quatre: Jessica.

Jessica: (bigla)

Quatre: Wala kang sasabihin sa akin?

Jessica: Ah… Ingat ka.

Quatre: (lalapit at hahablutin ang braso nito)

Jessica: (bigla)

Quatre: I-iniiwasan mo ba ako?

Jessica: Why should I?

Quatre: Hindi mo sinagot ang tanong ko.

Jessica: Hindi.

Quatre: Tingnan mo 'ko.

Jessica: (haharap kay Quatre)

--- Natigilan si Jessica nang bigla siyang halikan nito sa noo at yakapin.

Quatre: Mag-iingat ka.

Jessica: Ikaw din…

--- Saka umalis sina Quatre at Andrea.

Ardell: So what's the deal between you and Quatre?

Jessica: N-nothing (mamumula)

Ardell: With the looks?

Jessica: (iiwas ng tingin) No, I'm not.

Ardell: With the blush?

Jessica: It's nothing!

Ardell: With a kiss?

Jessica: Tengene this, fine! Kinikilig ako!

Ardell: Umamin ka din.

(pause)

Ardell: If anything happens when we left, let us know.

Jessica: I will. Ardell…

Ardell: What?

Jessica: Sa tingin mo ba tapos na ang digmaan?

Ardell: Hindi pa. Ang totoo, hindi ko alam kung paano natin tatapusin ang digmaang hindi naman natin sinumulan sa una pa lang. Pero…

Jessica: Ano 'yon?

Ardell: Ano 'yung pinakita sa iyo ni Kazuma?

Jessica: (patda) A-Ardell… (yuyuko)

Ardell: It's okay. I understand if you are not ready yet. (tatalikod) In God's time… let me know.

--- Saka umalis si Ardell.

BAHAY.

Payapa na ang pamumuhay namin. Parang hindi ako napadpad ng Sangatsu para protektahan ito at makipaglaban sa mga may saping nilalang tulad nina Jordi, Rina at Mari.

(sa labas puno ng media na nanghihingi pa rin ng panig ko)

Okay, joke lang ang sinabi ko dahil may nanggugulo pa ring media sa buhay namin. Nagawa naman nilang paalisin ang mga iyon makalipas ang ilang oras. Nasa kwarto na ako habang tinititigan ang pulseras ko pero rinig ang boses ni itay.

Mr. Orville: Lintik na media 'yan. Bakit hindi ang problema ng bansa ang intindihin nila!

Mrs. Orville: Kahit naman ako nahihiwagaan din naman ako sa pagkawala ni Jessica.

Mr. Orville: Just forget it! Isipin mo na lang na mabuti't ligtas siya!

Mrs. Orville: May kinalaman kaya ang pulseras ni Jessica rito?

Mr. Orville: Anong magagawa ng isang pulseras, pwede ba?!

(sa kwarto.)

Jessica: Wala na ko sa Sangatsu, tapos na ang papel mo rito.

--- Nagpasya akong bumaba para itago ang pulseras sa bodega. Mahirap nang tawagin ako sa misyong ito. Hindi sa ayaw ko pero gusto ko rin namang mamuhay ng normal. Parang yung anime na alam ko na walang ibang ginawa kundi i-promote ang total pacifism pero useless din kasi gyera nga. Bweno, nasa hagdan na ako nang marinig ko ang usapan nina inay at itay.

Mr. Orville: Sabihin na natin ang totoo.

Mrs. Orville: Ano? (gulat)

--- nagtago ako para malaman ko kung ano ang totoong sinasabi nila.

Mrs. Orville: Bakit ngayon pa? Baka umalis ang anak natin pag nalaman niya.

Mr. Orville: Patay na ang ina ni Jessica. Sa tingin mo ba may sense pa na umalis siya rito? May isip na siya at aminin man natin o hindi, kakaiba siya sa mga anak natin. At darating ang panahon na magtatanong siya sa mga kakayahan niya na hindi naman niya nakuha sa atin.

Jessica: (sa isip) Ang nanay ko, patay na, ibig sabihin... (lalabas sa tinataguan) Ampon lang ako?!

Mr&Mrs. Orville: Jessica!

Napanganga sila ng makita ako. Okay, alam kong cliche ang ginawa ko pero hindi ko rin kinakaya ang rebelasyon. Lalo na nang marinig kong patay na ang totoo kong ina.

Mr. Orville: Oo.

Jessica: (luluha)

Mrs. Orville: Haponesa ang tunay mong ina. At lalaki ang aming anak. Hindi namin siya naisilang sa mundo dahil kulang siya sa buwan. Sa pagdadalamhati ng ama mo, inilibing niya ang sanggol sa likod ng ospital. Doon niya nakita ang iyong ina na nag-aagaw buhay dahil sa saksak.

Jessica: (gimbal) S-saksak?

Mr. Orville: Sinabi ko sa kanya na dadalhin ko siya sa ospital para doon manganak pero tumanggi siya. Ipinilit niya na isilang ka sa kabila ng kanyang kalagayan.

Matapos niyang manganak, iniabot niya sa akin ang sulat at nagsasabing ingatan ka. Ibinigay niya ang sulat at nagbilin na ibigay iyon sa yo oras na nasa wastong edad ka na.

Jessica: Na-nasaan ang sulat?

Mrs. Orville: Hindi ko matandaan kung saan ko nailagay ang sulat.

--- Ayan tayo sa epic fail revelation. Natawa akong bigla dahil sa habit ni inay na magtatago ng gamit at pati siya hindi na rin niya maalala. Doon ako natawa.

Jessica: Kung ganoon ang pulseras na ito...

Mrs. Orville: siya ang may-ari niyan.

Jessica: Kung ganoon namatay siya para isilang ako.

Mr. Orville: Humahanga ako sa katatagan ng iyong ina. Dahil nagawa ka niyang isilang kahit na maraming dugo ang nawala sa kanya.

Mrs. Orville: Patawarin mo kami sa ginawa namin.

Jessica: (yuyuko) inay, itay, maraming salamat po...

--- Niyakap ako ng mga magulang ko matapos ang rebelasyon. Dahil sa nalaman ko, hindi ko na itinago ang pulseras pero nang buksan ko ulit iyon, nag-iba ang hugis ng pulseras ko.

Jessica: (bigla) Ang pulseras...

Nieve: (lalabas) Jessica.

Jessica: Nieve, ano'ng nangyayari rito?

Nieve: Huwag kang mag-alala, nagbago lamang ang anyo ng pulseras dahil sa ikaw na ang kinikilalang may-ari nito.

Jessica: Ganoon ba?

(silence)

Jessica: Kamusta po ang Sangatsu?

Nieve: Nababahala pa rin ang reyna dahil sa paggising ni Kazuma.

Jessica: (yuyuko)

Nieve: Huwag mo nang sisihin ang sarili mo sa mga nangyayari.

Jessica: (sigh) May kasalanan pa rin ako sa mga nangyari. Tama si Wu.

(natigilan bigla si Nieve)

Jessica: Bakit Nieve?

Nieve: Sinasalakay ni Kazuma ang Bayan ng Sangatsu.

Jessica: Ano?! (gulat)

[end of POV]

SANGATSU

Nasa trono si Adelaide ngayon nang harapin siya ni Kazuma. Itinigil ni Kazuma ang oras upang makipag-usap ng maayos sa reyna.

Kazuma: Wala akong intensyon na makipaglaban sa inyong mga mahihina.

Reid: Ano'ng kailangan mo kung ganoon?

Kazuma: Si Jessica.

Adelaide: Nasa mundo na ng mga mortal si Jessica. Kung saan doon, hindi namin alam.

Reid: May balak ka bang maghiganti sa kanya sa pagwasak niya sa palasyo ng Algolia.

Kazuma: Wala akong pakialam sa Algolia!

(nabigla ang dalawa sa narinig)

Kazuma: Si Jessica lang ang kailangan ko. Siya lang.

Adelaide: Bakit pa Kazuma? Nakuha mo na ang iyong paglaya!

Kazuma: Mahal ko siya.

Adelaide, Reid: (patda)

--- Pero mas natigilan sila nang dumating si Jessica bilang isang Magic Warrior at dala ang sibat.

Jessica: (bababa saka ihahataw ang sibat)

Kazuma: (iilag)

Jessica: (tatayo at itututok ang sibat kay Kazuma) Ano'ng kailangan mo sa kanila?

Kazuma: Ikaw?

Jessica: (bigla)

Reid: Jessica, bakit ka pa pumunta rito?

Jessica: (di papansinin si Reid) Hindi ako nabibilang rito kaya ako nagbalik sa mundo ng mga mortal. Ngunit hindi mo sila dapat idamay sa ginawa ko.

Kazuma: Hindi ako galit sa pagwasak mo sa palasyo ng Algolia. Kaya kong lumikha ng mas malaki at mas matibay na palasyo para sa ating dalawa.

Jessica: Isa akong mortal. At nararapat ako sa isang mortal.

Kazuma: Iyon ang akala mo.

Jessica: Ano? (kunot-noo)

Kazuma: (tatalikod) Kukunin kita kay Quatre, Jessica. (lalakad) Sa muling pagkikita. (aalis)

--- Saka bumalik sa normal ang lahat.

Aenid: Ano'ng nangyari?

Jessica: Walang anuman ito. (sa reyna) Ayos lang po ba kayo kamahalan?

Adelaide: Oo Jessica. Salamat sa iyo.

Reid: Pero nag-alala ako ng husto sa ginawa mo.

Jessica: Reid naman, ayos lang ako. (ngingiti) Ngunit mahal na reyna… Sigurado ba kayong ayos lang kayo na wala kami rito?

Reid: Oo. Ang suliranin ng Sangatsu ay hindi n'yo na problema dahil tapos na ang misyon n'yo rito.

Jessica: Ganoon ba? Kung ganoon, aalis na ako. (yuyuko at aalis)

MUNDO NG MGA MORTAL. 3 BUWAN PA ANG LUMIPAS.

SA nakalipas na mga araw, nakatanggap ng sulat si Jessica sa Dean ng Inaba Daigaku (University). Nakapasa siya sa in-apply-ang pamantasan. Nang matapos ang graduation niya, agad niyang inayos ang mga papeles niya papuntang Japan. Madali naman ang naging proseso dahil sa tiyahin niya na doon na namamalagi sa nasabing bansa.

JAPAN

Pumunta siya sa address na binigay sa kanya at pagbaba niya sa taxi...

Jessica: (magdo-doorbell)

Julie: (mula sa loob) Chotto Matta! [Wait!] (paglabas ni Julie) Jessica, ikaw na ba 'yan?

Jessica: O-opo.

Julie: (bubuksan agad ang gate) pasok ka.

Jessica: Salamat po.

Sa loob ng bahay naghanda ng tsaa si Julie at binigay iyon kay Jessica.

Julie: Mabuti at nakahanap ka ng scholarship dito sa Japan.

Jessica: I guess it's my luck.

Julie: At mabuti't sinagot nila ang lahat mula sa pag alis mo. Alam mo na ba kung kailan magsisimula ang klase mo rito?

Jessica: September po.

Julie: I see. Jessica, simple lang ang house rules: tulungan mo ko sa gawaing bahay at wala tayong pag uusapang iba.

Jessica: Opo.