webnovel

How about the Others?

CHINA. TEMPLO

KASALUKUYANG nagdarasal si Ardell nang mag-iba ang direksyon ng apoy kahit na walang hangin.

Ardell: (sa isip) May nakaambang panganib.

(heartbeat)

--- Agad na sumugod ang mga halimaw sa kanya.

Ardell: (iilag) Hiyaaaaaaaaaaah! (titira ng apoy)

(magiging abo ang mga halimaw)

Ardell: (makikita ang ibang anyo ng pulseras) Pyros.

Pyros: (lilitaw)

Ardell: Ano'ng nangyayari rito?

Pyros: Naghihiganti na ang mga Algolino.

Ardell: Pero paano sila nakapasok sa mundo namin?

Pyros: Humina ang harang sa pagitan ng mundo n'yo at ng Sangatsu mula nang magising si Kazuma.

Ardell: (bigla)

Pyros: Kailangan mong ihanda ang sarili mo. Hindi natin nasisiguro na maaring lumitaw pa ang iba pang Algolino o mismong si Kazuma.

Ardell: Naiintindihan ko.

DENMARK. TV STATION.

HABANG naghihintay si Andrea sa dressing room

Personal Assistant (PA): Ms. Andrea.

Andrea: (lilingon) Yes?

PA: Its your turn.

Andrea: (tatayo) Thank you very much. (lalakad) I was not able to notice the time.

PA: (aatakihin si Andrea)

Andrea: (iilag) Nyah! W-what the hell are you doing? (matitigilan)

---- Nababalot ng itim na aura ang PA ng set kaya siya inaatake nito. Hindi naman siya makagawa ng kilos dahil hindi niya suot ang pulseras niya.

Andrea: (sa isip) Ano'ng gagawin ko? Hindi ko pa naman suot ang weirdong pulseras na iyon… (iilag) Naman! s'an ba nakalagay iyon?! (makikita sa tokador ang pulseras) Ayun! (lalapit agad sa tokador)

PA: (aatake)

Andrea: (magiging tubig)

(pause)

Andrea: Agua, healing rain!

--- Nawalan ng mala ang PA matapos maulanan, saka pumasok ang iba pang staff ng programa.

Staff 1: Ms. Andrea, are you alright? (lalapit agad)

Andrea: Yes, I'm fine. She passed out while informing me that it was my turn. Please bring her to the clinic.

Staff 2: Yes ma'am.

--- Agad na inilabas ng mga staff ang PA sa dressing room. Pinulot naman ni Andrea ang talulot ng rosas na nasa sahig.

Andrea: (sa isip) Black Rose? May balak kaya silang idamay ang mundo namin sa pagkakataong ito?

(CP rings)

Andrea: (sasagutin ang tawag) hallo. [hello]

Andrew: Andrea, your papers are approved. You may go now in Japan.

Andrea: As in now?

Andrew: yes, is there any changes with your plans now?

Andrea: (sigh) No. Thanks papa.

JAPAN. TRIUMVIR MANSION

SA kwarto ni Quatre, inabutan siya ni Irene na nagbabasa ng pahayagan. Bagay na hindi ginagawa ng binata bago pa siya nawala sa Pilipinas.

Irene: (lalapit sa kapatid) Hindi ka yata lumalabas ngayon.

Quatre: Huwag kang mag-alala. Lalabas din ako mamaya. (ilalapag ang pahayagan sa mesa)

Irene: Saan ka pupunta?

Quatre: Sa Tsukino lab. May ipapakita daw siya sa akin na interesante.

Irene: I see. (ibibigay ang sulat) Here.

Quatre: Ano ito? (kukunin ang sulat)

--- Natigilan si Quatre nang makita ang laman ng sulat.

Irene: You did not tell me that you took your entrance exam in Inaba University.

Quatre: Sis, its okay. Besides, I am confident that I can pass the exam. I am not a low brainer you know.

Irene: I know... (yayakapin ang kapatid) And I am so proud of you.

Quatre: Thanks sis.

TSUKINO LABORATORY

Agad namang nagtungo si Quatre sa Tsukino lab para ibalita kay Shinohara ang pagpasa niya sa Inaba Dai.

Shinohara: I'm glad that you've passed the exam. but why don't try taking the examination in Meiji or Tokyo University?

Quatre: I want to meet my old folks there.

Shinohara: You mean those with you during you MIA days?

Quatre: Hai! [yes]

Shinohara: I see.

(lalakad ang dalawa sa laboratoryo)

Quatre: Ano ba yung sinasabi mong interesante na gusto mong makita ko?

Shinohara: Ayun. (ituturo ang black rose sa lagayan)

Quatre: (tititigan iyon ng mabuti)

Shinohara: We saw that flower at the end of the river. It is beautiful despite of his black color.

Quatre: (maaalala) Black Rose! Shinohara, stay away from that flo---

(pagsabog)

--- Gumuho ang kinatatayuan nina Quatre at Shinohara, dahilan upang magkalayo silang dalawa.

Nababalot ng apoy ang paligid. Nagulat si Quatre na walang galos ang katawan niya dahil sa harang na likha ng pulseras niya. Hindi na niya tinanggal ito mula

nang bumalik sila sa mundo nila.

Quatre: (sa isip) bakit nagbago ang anyo nito?

(pagsabog ulit)

Quatre: Shinohara! (lalakad at hahanapin si Shinohara) Shinohara!! (makikita na walang malay si Shinohara) Shinohara!

YUY HOSPITAL

Sinugod agad ni Quatre sa ospital ang kaibigan at ang mga magulang ni Shinohara. Dead on arrival na ang mga magulang nito pero si Shinohara ay nag-

aagaw buhay pa.

(labas ng ER)

Algolino: (aatake)

Quatre: (masama ang titig sa mga parating na Algolino) Dammit! (papana agad)

E.R.

Nasa ilalim na ng kontrol ni Kazuma ang mga doktor at nurse doon.

Kazuma: Tsss... kailangan kong gamitin ang katawan ng tagalupang ito upang makalapit kay Jessica ng hindi nalalaman ng Mandirigmang Kidlat. (lalapit kay Shinohara)

Shinohara: S-sandali lang…

--- Pagkatapos makipaglaban ni Quatre, saka lumabas ang doktor na gumamot kay Shinohara.

Quatre: Kamusta po si Shinohara?

Doctor: he's safe. We will be transferring him to ICU for recovery.

Quatre: Arigato gozaimasu. (sigh)

ICU

(Kung saan dinala si Shinohara.)

(heartbeat)

Shinohara: (didilat)

Ang bahaging ito ay ang sulat ni Jessica sa tatlo niyang mga kaibigan na nangibang bayan upang takasan ang media at mamuhay muli ng normal.

Dear Quatre,

Sana abutan ka ng sulat ko sa mabuting kalagayan. Kamusta? Natanggap ako sa Inaba Dai as scholar so diyan ako sa Japan mag-aaral. Exciting hindi ba? Kaya lang kasi wala naman akong pera para matustusan ko ang biyahe papunta diyan. Sabi ni Tita Julie gagawa daw siya ng paraan.

***

Dear Andrea,

Kamusta? Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakasulat. Abala ako

ngayon upang ayusin ang mga papeles ko papuntang Japan. Doon na daw kasi ako mag-aaral sa scholar. Ang ganda hindi ba? Sabi ni Mike (yung kaibigan ko) Hindi ko daw dapat sayangin ang pagkakataon na ito. Pupunta ako sa Japan para mag-aral at makakapasyal pa. Na-excite tuloy ako. Bumalik ako ng Sangatsu dahil sinalakay na naman ito ni Kazuma. Medyo cold nga si Reid nung bumalik ako. O baka naman nag-alala lang siya ng husto dahil hinarap ko si Kazuma.

***

Dear Ardell,

Sana abutan ka ng sulat ko sa ligtas na kalagayan. Sinalakay muli ni Kazuma ang Sangatsu ayon kay Nieve kaya napapunta agad ako doon.

Maayos naman ang lagay ng Sangatsu… (sa ngayon?) Pero hindi ko maintindihan si Kazuma… Buhay na nga siya, at kung tutuusin, wala na

akong papel sa kanya pero bakit hinahanap pa rin niya ako? Interesado

talaga siyang gawin akong reyna? Talaga ba? Gusto ba niyang magunaw

agad ang Algolia?

***

Ito naman ang sulat ni Andrea kay Jessica:

Dear Jessica,

Maayos lang naman ang lagay naming ni Daddy sa Denmark. Malakas na

siya at nakakalakad na rin nang hindi siya nahahapo agad. Bumalik na

ako sa pagmo-modelo at pag-aartista. Dadalhan kita ng mga pictures

para mainggit ka. (joke lang) Binabati kita sa pagpasa mo sa Inaba

Dai. Sabi nila mahirap daw makapasok doon.

Siya nga pala, sinabi mong nagtungo ka sa Sangatsu at sinabi mong cold

sa 'yo si Reid? Bakit naman? Siguro nga nag-aalala siya ng husto dahil

nakaranas ka kay Kazuma ng psychological torture.

Sa tuwing naaalala ko iyon, nalulungkot ako. Sana may nagawa ako para

natulungan kita.

***

At ang email ni Andrea kina Quatre at Ardell:

Quatre,

Nakarating na ba ang balita sa 'yo na sinalakay daw ang Sangatsu at napasugod doon si Jessica?

***

Ardell,

Sinugod na naman daw ni Kazuma ang Sangatsu at si Jessica ang pumunta.

***

Ang sagot ni Ardell sa email ni Andrea:

Andrea,

Oo, nasabi nga ni Jessica sa akin ang nangyari. Mabuti nga, wala

namang masamang nangyari sa kanya. Pupunta ako sa Japan para doon din

mag-aral. At baka sakali, may malaman ako dahil nagsiyasat ako sa mga

nagdaang kaganapan at ayon sa mga nakuha kong impormasyon, may mga

nawawala nga kapag sumasapit ang blue moon. Hindi mo ba napansin na

napunta tayo sa Sangatsu noong blue moon? Kailangang malaman ko ang

totoo at kung paano natin matatapos ang digmaang ito. Nang sa gayon,

hindi na masundan pa ang mga mandirigma.

***

Ang sagot ni Ardell sa liham ni Jessica:

Dear Jessica,

Kamusta ka nang harapin mo si Kazuma? Hindi ka ba niya sinaktan? Medyo

nag-aalala ako kapag kaharap mo si Kazuma. Iyon ay dahil may matindi

siyang pagtingin sa 'yo at gagawin niya ang lahat para makuha ka lang.

Pupunta ako sa Japan para mag-aral at magsiyasat. Kung may

pagkakataon, magkita tayo. O kaya naman, gumawa ka na ng email mo!!!

***

Ang email ni Ardell kay Quatre:

Quatre,

Alam ko minsan may pagka- J*** **s ka pero kailangan mong magdoble

ingat dahil sumalakay si Kazuma sa Sangatsu at hindi natin alam kung

kailan siya sasalakay dito.

***

At ang sulat ni Quatre kay Jessica:

Jessica,

Salamat sa pagsulat. Galing ako sa ospital dahil yung kaibigan ko

naaksidente. Nagsusuri sila ng mga bagay-bagay dito para sa ikauunlad

ng medisina ngunit hindi ka maniniwala sa nakita ko. May nakitang

black rose dito sa Japan. Hindi ko pa napupuntahan ang pinagmulan ng

nasabing bulaklak pero iyon ang naging ugat ng pagsabog ng

laboratoryo.

Siya nga pala, gusto kong ligawan si Andrea, pwede mo ba akong turuan?

***

Ang email ni Quatre kina Andrea at Ardell:

Andrea,

Napansin mo bang nagbago ang hugis ng ating mga pulseras?

Nabalitaan ko din ang sinabi ni Jessica at isa pa, sinalakay din ako

ng mga Algolino dito. Posible kayang humihina na ang lagusan?

At isa pa, dahil nandito na tayo sa ating mundo, pwede na ba kitang

ligawan?

***

Ardell,

What's with the j*** **s again? Galit ka pa rin ba dahil sa ginawa ko

kay Jessica? Nag-sorry na ako at sana mapatawad mo na ako.

Nasabi na sa akin ni Jessica ang mga nangyari at bukod doon ay

sinalakay ako ng mga Algolino sa ospital.

Kung ganoon, hindi pa talaga tapos ang laban…