webnovel

The Killer App

The Killer App May kinaiinisan ka ba? Binully, pinahiya, sinaktan o pinagsamantalahan? Now is the time para makaganti ka sa kanila. Use the Killer App. Killer App is a newest Application na pwede mong magamit. Makikita nga lang ito sa isang website sa darkweb. Sa app na ito, pwede mong ilagay ang litrato ng taong gusto mong takutin, gantihan o ipapatay, kasama ang personal information nito. At kung gusto mo naman itong mamatay, pwede kang magsuggest paano mo gustong mamatay ang taong iyon. Nakadepende ang presyo ng buhay ng taong iyon sa kung paano siya pahihirapan o papatayin. This is a revenge in Z-Generation way. Download the app now!

wackymervin · Action
Not enough ratings
21 Chs

The Killer App 9: The Killer App

The Killer App 9: The Killer App

Sa isang abandonadong warehouse hindi kalayuan sa kanilang Academy. May isang lalaki ang nakalambitin at kanina pa bugbog sarado nina Bryne at Dalton, habang nanonood lang sina Dorothy, Princess at Terrence.

Siya si Luis.

Luis Angelo Filomena. Ang kapatid ni Vivian Filomena na nagpakamatay pagkatapos siyang gahasain ni Mikee Salazar. Ang lalaking natagpuang wala nang buhay sa ibabaw ng basketball ring na hubo't hubad at nakaimprenta sa katawan niya na siya ang rapist ni Vivian.

"Ano, hindi ka pa ba aamin?" nanghihina na ang katawan ni Luis, dahil halos tatlong oras na siyang binubugbog ng dalawa. Pero wala parin silang makuhang sagot mula rito.

"Alam mo bang kaya kong ipapapatay ang mga magulang mo?" bulong pa ni Dalton ng minutong iyon sa tenga ni Luis. Hindi na rin kasi nito sigurado kung naririnig pa sila ng binata gayong halos hindi na mailarawan ang mukha nito dahil sa sobrang maga na. Naghalo na nga ang laway at dugo sa mukha nito.

Talagang pinahirapan nila ito ng husto.

"Ano!" malakas pang sigaw ni Bryne na nagpatayo ng balahibo ni Dorothy ng minutong iyon. Kaya uminom nalang siya ng Juice na nakalagay sa tumbler niya at kinalkal ang cellphone ni Luis nang mapansin siyang isang App mula sa Cellphone nito.

"Killer App? Anong klaseng App ito?" pagtataka ng dalaga. Napatingin naman kaagad si Princess at ganoon din si Anastacia sa narinig nito mula kay Dorothy.

"Let me see!" kinuha ni Princess ang Cellphone kay Dorothy at trinay nito kung anong klaseng App ito, pero hindi ito mabuksan ni Princess dahil mayroon itong password.

"Password, please!" sigaw pa ng dalaga at napatingin naman sina Dalton at Bryne kay Luis, lumapit si Bryne at sinigawan ang binata at tinanong ito kung anong password sa App niyang iyon. Pero, hindi ito kumibo kaya nakatanggap na naman siya ng isang malakas na suntok mula sa sikmura nito. At napangiwi at muling nagsuka ng dugo na may kasamang laway itong si Luis.

"Girl, try mong Luis123." suggestion ni Dorothy, inirapan lang siya nito sabay sabing, "seryoso ba siya?"

"Try mo nalang girl!" dagdag pa nito, saka humarap si Princess sa cellphone ni Luis at sinubukang ienter ang password na sinabi ni Dorothy.

Password: Luis123

At laking gulat nila na nakapasok nga ito.

"See! Wala ka kasing tiwala sa akin." sabi niya niya rito na parang sobrang proud na proud sa ambag niya sa grupo.

"Whatever!" irap pa ni Princess ng minutong iyon saka na niya tinignan ang nilalaman ng App.

"Tutulungan ka raw ng App na ito na makaganti sa mga taong gusto mong gantihan. Pwede mo silang pahirapan, o kaya ipapatay. Siyempre it comes with a price! Depende sa kung paano mo gustong pahirapan o mawala sa mundo iyong taong iyon." sabi ni Princess. Saka niya tinignan ang previous na transaction nito at doon nga niya nakita na sa halagang 20,000 inutos niyang mamatay si Mikee Salazar.

Napalunok naman ng laway si Dorothy at nakaramdam ng takot ng minutong iyon.

"Seryoso ba iyan?" pagtatakang tanong ni Anastacia.

"Well, base sa gusto niyang mangyari. Tumutugma ang lahat sa pagkamatay ni Mikee." sabi pa ni Princess. At doon na dinukot ni Dalton ang kutsilyo at walang awa niyang tinadtad ng saksak itong si Luis sa iba't ibang parte ng katawan nito. Tumigil lang siya noong pinigilan siya ni Bryne at sinabing patay na ito. Pero, hindi parin maaalis ang gigil ni Dalton ng minutong iyon kaya nagsisigaw siya habang umiiyak.

Inimbitahan ng Mommy ni Heaven si Topaz sa isang Dinner. Dapat kasama si Heaven sa gagawin nilang interrogation kay Luis ng araw na iyon pero laking gulat ng barkada na hindi sumama ito, siyempre nagdahilan si Heaven na mayroon silang Family Dinner. At suspetya ni Dorothy na baka kasama rito si Topaz kasi nakita niya ito noong tanghali na nilapitan at kinausap niya ito ng saglit.

"Thank you po sa pag-imbita sa akin." magalang pang sabi ni Topaz sa Mommy ni Heaven habang hindi naman maalis ang ngiti sa labi ng dalaga habang pinagmamasdan niya ang mukha ng binata. Para kasing araw-araw itong gumagwapo sa kaniyang paningin.

"Ano ka ba, okay lang iyon. Minsan ko nga lang makasama itong anak ko sa Dinner kasi madalas ang mga kasama niya ay iyong mga barkada niya. E, mabuti na nga lang nandito ka at napapayag ko itong si Heaven na sabayan ako sa Dinner." sabay tingin nito sa kaniyang anak na nakatitig kay Topaz ng minutong iyon. Pero napansin ng Mommy niya na parang wala ito sa kaniyang mundo, kaya sinipa niya ito ng mahina at doon napatingin si Heaven sa kaniya.

"Hindi ba anak?" nanlalaking mga matang sabi ng Mommy niya sa kaniya.

"A-ah, opo. Sorry, Mom." kinalma ni Heaven ang sarili para kasing nang-aakit ang mga titig ni Topaz sa kaniya.

"Sige kumain ka lang ah,"

"Sige po, salamat po."

Nang tumunog ang phone ni Heaven at nang tignan niya ito, si Dorothy ang tumatawag sa kaniya. At napansin ito ni Topaz at nang kaniyang Mommy.

"Is it important?" sabi pa ng Mommy niya.

"No. Si Dorothy lang po iyon." saka niya tinaob ang kaniyang Cellphone at nagsimula ng kumain. Kaso pasubo palang siya ay tumunog muli ang kaniyang phone.

Nagkatinginan sila ng Mommy niya.

"It's okay. You take that call, baka importante." sabi pa nito.

"2mins lang po ah. I'm so sorry." sagot ni Heaven saka niya kinuha ang phone niya at sinagot ang tawag ni Dorothy at lumabas ng kwartong iyon.

"Girl, mabuti at sinagot mo na!" sabi ni Dorothy. Pauwi na siya ng oras na iyon at nasa loob na siya ng kotse.

"Dorothy, importante ba iyan? Kasi mapapagalitan ako ni Mommy. May bisita kasi kami ngayon." paliwanag pa niya sa kaniyang kaibigan.

"Is it, Topaz?" hindi kaagad nakakibo si Heaven.

"Fine. Saglit lang ito. Alam na namin kung paano namatay si Mikee."

"Hindi ba namatay siya sa suffocation? Dahil ipinakain sa kaniya iyong bola ng basketball?" sagot ni Heaven.

"Oo."

"Girl, alam na nang buong tao sa Academy iyon. Ano ba!" naiinis na sabi ni Heaven.

"Hindi mo na gegets e."

"Ano bang hindi ko nagegets doon, okay?"

"There's an App na ginamit noong nag-utos o nagpabayad para ipapatay si Mikee." paliwanag pa ni Dorothy na hindi naman pinaniwalaan ni Heaven ng minutong iyon.

"I don't believe you."

"Girl, hawak na namin iyong ebidensiya oh?"

Kinabahan si Heaven sa narinig mula sa kaibigan. Ibig bang sabihin nito ay natagpuan nila ang nag-utos na ipapatay si Mikee? At pumasok sa kaniyang isip na pumatay na naman ang mga kaibigan nila?

"I have to go back, hinahanap na ako ni Mommy." sabi pa ni Heaven, halos hindi siya makahinga ng minutong iyon.

"Okay. See you tomorrow!" saka niya inoff ang phone niya at muling bumalik sa kanilang dinning area.

"Oh, you look tense. What happened?" napansin ng Mommy ni Heaven na tila parang kakaiba ang kinikilos ng kaniyang anak.

"Uhm, wala po." tapos bigla sumakit ang tiyan ni Heaven at akmang nasusuka.

"Excuse me." saka siya muling umalis at nagpunta sa banyo at doon nagsuka. Nag-excuse at sinundan rin naman siya ng nag-aalala niyang Ina ito.

"Baby, are you okay?" tanong ng Mommy niya sa kaniya. Flinush naman kaagad ni Heaven ang kusa niya saka siya napaupo sa tiles at napaluha. Hindi siya makapaniwala na ginawa na naman nila iyon.

Hindi parin niya nakakalimutan ang pagkamatay ni Amara. Ang babaeng tumalon mula sa fourth floor ng kanilang eskwelahan at kitang-kita ng lahat kung paano ito tumalon at nabasag ang ulo at nagkalat ang utak nito sa lupa. Sakto kasing, doon sa harapan niya nahulog si Amara at natalsikan siya ng dugo at utak ng kaklase.

"I'm okay, Ma." sagot pa niya rito.

"Okay, i should go back na okay. Baka naiinip na si Topaz doon, you sure you're okay?" muling tanong ng kaniyang Ina.

"Yes, Mom." dagdag pa niya saka na siya nag-ayos ng kaniyang sarili.