webnovel

The Killer App

The Killer App May kinaiinisan ka ba? Binully, pinahiya, sinaktan o pinagsamantalahan? Now is the time para makaganti ka sa kanila. Use the Killer App. Killer App is a newest Application na pwede mong magamit. Makikita nga lang ito sa isang website sa darkweb. Sa app na ito, pwede mong ilagay ang litrato ng taong gusto mong takutin, gantihan o ipapatay, kasama ang personal information nito. At kung gusto mo naman itong mamatay, pwede kang magsuggest paano mo gustong mamatay ang taong iyon. Nakadepende ang presyo ng buhay ng taong iyon sa kung paano siya pahihirapan o papatayin. This is a revenge in Z-Generation way. Download the app now!

wackymervin · Action
Not enough ratings
21 Chs

The Killer App 10: Testing

The Killer App 10: Testing

"Bakit hindi mo itry?" kanina pa sila nakatitig sa App na nakuha nila mula kay Luis. Hinanap nila ang App na iyon sa Google Play pero wala silang makita, sabi ni Dorothy baka raw galing ang App na ito sa Dark Web. Isang Website na kung saan makakahanap pa ng ibat-ibang paraan o site na magagamit mo katulad nga ng ganitong klaseng Application. 

"Hindi tayo sure kung talagang na gana." singit naman ni Anastacia. 

"Bitch! Kaya nga itatry hindi ba? Ang ganda mo sana kaso walang laman iyang utak mo." saka naman natawa sina Dalton at Terrence. 

"E, subukan ko kaya ito sa iyo?" mataray na sabi ni Anastacia kay Dorothy, bigla siyang kinabahan at natahimik. 

"Tama na iyan, okay?"  pumagitna na si Princess sa dalawa tapos biglang dumaan si Topaz na kasamang naglalakad si Heaven ng minutong iyon. 

"Mukhang nagkakamabutihan na talaga sila ni Pretty Boy, ah?" biglang sabi ni Bryne ng minutong iyon na kinainis naman ni Terrence. 

"Okay, i have an idea. Bakit hindi nalang natin itry kay Topaz." sabi ni Anastacia saka napatingin sa kaniya lahat ng mga kaibigan niya. 

"Guys, are you with me?" dagdag pa nito. 

"Ako, okay ako. Para malaman natin kung nagwowork ba talaga itong App na ito." sabi ni Dalton hanggang sa makalapit si Heaven. 

"Anong pinag-uusapan niyo?" bigla silang umarte ng maayos. Ang mga babae ay nagbabrowse sa cellphone samantala, kunwari nagbabasa naman si Dalton at Bryne. 

Nawiwirduhan si Heaven sa kinikilos ng mga kaibigan niya hanggang sa kinausap niya si Terrence. 

"Can i have a minute with you, Terrence?" sabi ni Heaven saka siya tumingin sa mga kaibigan niya na iba ang tingin sa kaniya. 

"Sure," mabilis na sagot nito saka siya tumayo at kinuha ang bag nito saka sinundan si Heaven. 

"Mabuti naman at kinausap mo na ulit ako." sabi ni Terrence habang naglalakad silang dalawa sa student park. 

"Terrence, ginawa niyo ba ulit?" kunot noong tanong ni Heaven sa kaibigan. 

"Ginawa ang ano?" pagtataka nito. 

"Did you kill someone?" kaagad na tinakpan ni Terrence ang bibig ni Heaven at hinila ito palayo doon sa maraming tao. Sa isang bench malapit sa lake dinala ni Terrence ang dalaga. 

"Bitawan mo ako!" nagpupumiglas na sabi ni Heaven kay Terrence hanggang sa binitawan na siya nito at nakatanggap siya ng malakas na sipa sa tuhod mula sa dalaga. 

"Ano iyon?" inis na tanong ni Heaven. 

"Ang ingay mo!" galit na sagot ni Terrence. 

"So, totoo? May pinatay na naman kayo?" 

"Heaven, please. Tone down your voice, baka may makarinig sa iyo." 

"Natatakot ka?" sabi pa niya saka siya lumapit ng husto kay Terrence at tinutulak ito sa dibdib. 

"Sumagot ka! Natatakot ka ba?" pag-uulit pa ni Heaven sa tanong niya sa binata. 

"Oo!" giit pa nito. 

"Pero, hindi para sa sarili ko. Para sa iyo, natatakot ako na baka ikaw naman ang saktan nila." nanlaki at tila nanghina ang mga tuhod ni Heaven ng minutong iyon. Napaatras pa siya at para bang naout of balance, mabuti nalang mabilis ang reflexes ni Terrence at nasalo niya kaagad si Heaven at pinaupo ito sa bench. 

"Sino?" tanong ni Heaven. 

Pero, hindi kumibo si Terrence. 

"Tell me, sino sila!" naluluhang tanong ng dalaga.

"Hindi ko kilala. Basta alam ko, isa sa kanila ang nais na patahimikin ka." nanginginig na ang katawan ni Heaven ng minutong iyon kaya niyakap siya ng mahigpit ni Terrence at pinakalma. 

"B-bakit?" 

"Kasi hindi ka na nila napagkakatiwalaan." sagot ni Terrence sa kaniya. 

"Hindi ba nangako naman ako na walang makakaalam." 

"Hindi ko alam, napapansin kasi nila na parang mahina ka na." 

"Terrence, hindi ako Killer. Sinama mo ako doon dahil sabi mo may sasabihin kang importante sa akin, pero ano iyong nadatnan ko? You all wearing a costumes of a Killer Clown. Tinakot niyo ng husto si Vivian. Binaliw niyo iyong tao, kayo ang pumatay kay Vivian at hindi ako kasama doon. " paglilinaw pa niya. 

"Kasama ka na rin doon, damay ka na. Kasi nandoon ka rin." sagot naman ni Terrence sa kaniya. 

"Dahil kasalanan mo iyon!" saka pinaghahampas ni Heaven si Terrence, nang biglang dumating si Topaz at sinipa si Terrence at nasira ang inupuan nilang kahoy dahil sa ginawang pagsipa ng malakas ni Topaz sa binata. 

Susugurin pa sana ni Topaz si Terrence pero napigilan siya ni Heaven. 

"Tama na, please. Topaz tama na!" sabi pa ni Heaven at nang humarap si Topaz sa kaniya napansin niyang umiiyak ang dalaga, kaya tumigil na rin siya. Saka na sila umalis sa lugar na iyon. 

Sa isang restaurant malapit sa Academy, dinala ni Topaz si Heaven. Umorder sila ng pagkain at pati ng inumin. Habang inaantay ang inorder nila ay napansin ni Topaz na tahimik parin si Heaven ng minutong iyon. 

"Look, I'm sorry. Alam kong mali iyong ginawa ko pero kasi…" sabi ni Topaz pero naputol ang gusto pa niyang sabihin dahil nagsalita na kaagad si Heaven. 

"It's okay. Iniisip mo na may ginagawang masama sa akin si Terrence. Wala. Nag-uusap lang kami. Oo, hinahampas ko siya kasi naiinis ako sa kaniya pero wala siyang ginagawang masama sa akin." sabi ni Heaven habang nakatingin sa malayo. 

Gusto mang paniwalaan ni Topaz ang mga sinasabi ni Heaven ay nahihirapan ito. 

"I know, mahirap na paniwalaan pero if you have a chance to get to know him hindi naman ganoon kasama ang ugali ni Terrence. Maybe because of influences of the people around him kaya lumalabas iyong ugali na nakikita mo pero iyong Terrence na kilala ko, hindi siya ganoon." paliwanag pa ni Heaven kay Topaz. 

"I believe in you." sabi ni Topaz saka niya hinawakan ang kamay ng dalaga. Napatingin naman si Heaven sa kaniyang kamay na kung saan nakahawak ang kamay ni Topaz, at Dahan-dahan niyang inangat ang ulo patungo sa mukha ng binata. At muling nagwala na naman ang mga alaga nito sa loob ng kaniyang katawan. At tila nakukuryente ito habang nakadikit ang kamay binata sa kaniya kamay. 

Hanggang sa biglang bumitaw si Heaven at pasimpleng ngumiti ng minutong iyon. 

"Thanks." sabi pa nito.