webnovel

The Heartless Heiress: Unveiling the Mystery

As the Heartless Heiress, I stand apart, shrouded in mystery. Malevolent forces seek to exploit my abilities, but as I uncover the truth, I find a potent prophecy linked to my heartless nature. The prophecy speaks of someone who possesses the power to either destroy or save the world by unlocking a mysterious force. I must navigate the treacherous world of magic and power, facing off against dark forces and making impossible choices. I must confront my fears and insecurities and trust in my own abilities. With the help of allies, I will unravel the mystery and discover the purpose of my powers. Follow me, Ylrza Ravenfolds as I embark on a journey like no other, in a world where anything is possible, and where even the impossible can come to life.

mtano92 · Fantasy
Not enough ratings
12 Chs

Ngiti

Mommy Luri's POV

Nakakatuwa at nakakalungkot din at the same time ang malaman ang iniisip at nararamdam ng anak ko.

Pero di ko dapat ipakitang malungkot ako kundi dapat puro kasiyahan lang ang makikita niya sa akin nang sa ganun ay matutunan niya rin kung paano ang tumawa at maging masaya.

Natutuwa talaga ako sa itsura niya ngayon. Ni wala siyang pakialam kung ano ang ayos niya. Biruin mo baliktad ang palda tapos ang kwelyo pinasok niya sa loob at ang bowtie niya'y basta na lang tinali na parang lubid.

At eto pa, may natira pa palang bula sa kanyang buhok na di pa nasusuklay at baliktad pa ang pagkakasuot ng sapatos niya. Pambihira talaga tong batang to siguradong gagawin siyang katawatawa ng mga kaklase niya.

Hay, di ko talaga maiwasang mag-alala. Tama ba kaya ang desisyon naming ilabas na siya?

Pero hindi rin naman dapat habang buhay namin siyang ikulong dito sa bahay. Dapat niya ring iexplore ang mundo pero siyempre lagi akong nakabantay sa kanya kahit malayo na siya dahil may itinalaga na akong bilang mga mata at tainga roon.

...

Ylrza's POV

Bakit kaya nakatulala pa rin si mommy habang nakatitig sa akin? Kaya wala na akong nagawa kundi ang kausapin ko na muna siya kaysa naman habang buhay kaming magtitigan.

"Ano po bang problema?"tanong ko sa kanya na may halong pagtataka.

"Ah, wala may naisip lang ako. Teka lang may kukunin lang muna ako sa kwarto," sagot niya tapos umakyat na sa taas.

Kaya ako'y umupo na ulit at sinimulan ng kumain. Medyo maraming nakahanda sa mesa puro masasarap ang lahat ng ito kaya magpapakabusog muna ako bago umalis.

Maya maya'y bumaba na rin siya kaso di pa ako tapos kumain. Kainis naman paniguradong may ipapagawa na naman to sa kin.

"Tapos ka na bang kumain? Pasensya na medyo natagalan di na tuloy kita nasabayan. Sige na ubusin mo muna yang nasa pinggan mo at nang maayusan na kita. Excited na talaga ako!" walang preno at hyper niyang sabi habang ngumingiti nang napakalapad.

Ewan ko ba kung ano ang nasa ngiti niyang yan at parang gumagaan ang pakiramdam ko. Tsk. Ano na naman ba tong iniisip ko at parang nahahawa na ako sa kakornihan ng babaeng to. Hay. Mabuti pang di na ako mag-isip nakakastress kaya ayun binilisan ko na ang pagkain at nang matapos na kung ano man ang balak niyang ipapagawa sa akin.