webnovel

2 - The Trial

"Arayy." impit kong daing habang hawak ang sugatan kong kaliwang braso. Nasugatan na naman ako sa mga sanga at halaman habang tumatabok palayo sa ahas na nakita ko kani-kanina lamang.

Hindi ko aakalaing ang unang pagsubok na ibibigay ni ama sa akin ay ang pagtawid mula sa hangganan ng Esper na kanyang pinang iwanan na lugar, pabalik sa Estrassor sa lugar namin, sa loob lamang ng gubat sa isang linggo.

Malawak ang gubat na humahati sa Estrassor at Esper. Marami ring mga mababangis na hayop ang naninirahan rito. Ang pagdaan lamang dito ay mahirap na lalo na ang manatili hanggang gabi kung kailan may mga sabi-sabing, naninirahan ang pinakamabangis na halimaw ng gubat na gising lamang tuwing gabi. Walang sinuman ang makatatagal ng ilang araw sa lugar na ito. Kung meron man, sila ay naging mga pagkain or naging halimaw na rin.

Hindi simple ang mga halaman sa gubat. Mga buhay at naggagalawan ang mga ito, kahit ang mga ito ay mga patay na kahoy.

ang tanging armas na dala ko lamang ay ang punyal na hiningi ni ama na hindi ko ibinigay.

Matapos ang ilang buwang pag ensayo sa akin ni ama sa paghawak ng kanyang espada ay sumuko sya. Hindi pa ako makaangat sa sandata ng maayos. Palaging nanginginig ang kamay ko, at naibababa ko ang espadang hawak. Tanging ang punyal na purol lamang ang kaya kong gamitin.

Kasing haba lang ito ng aking mga braso. Ang disenyo ay parang apoy na sumasayaw, may nakasulat rin na ibang lenguahe sa gitna at may konting tinik sa hawakan. Kulay pula ito gaya ng kulay ng dugo. Ang sabi ni ama, napulot daw niya ang sandatang ito matapos ang araw nang ako'y ipinanganak. Masyado daw itong mabigat at mainit ngunit mapurol pero nakabibighani ang disenyo kaya dinala ito ni ama at sinubukan na itong ipaayos sa mga blacksmith ng Estrassor pero wala ni isa ang nakaayos nito. Kahit haluan ng ibang metal ay hindi rin umepekto. Ipina-init na rin ito sa apoy ngunit hindi rin tumalab. Nanatili lang ito sa kung anong hugis nito.

Tiningnan ko ang hawak na punyal. Kung wala siguro ito ay baka hindi ko maiisip na makakaya ko ang pananatili sa gubat. Ito ang pag asa kong makalabas ng buhay. Mapurol man ang gilid pero matalas ang dulo.

Minsan nga lang ay napapaso ako kapag nakakaharap ako ng isang halimaw pero pag wala ay bumabalik ito sa normal. Hindi naman ito mabigat gaya ng sabi ni ama, hmm siguro minsan nga lang ay bigla-biglang bumibigat.

Itiningala ko ang aking paningin. Itim ang mga ulap. Mukhang uulan na, kailangan kong makahanap ng masisilungan. Nagpalinga linga ako sa paligid. Hindi ligtas sa ilalim ng mga ugat. Baka buhay ang kahoy na aking mapagtaguan. Hindi rin pwedeng basta bastang dahon ang aking ipang sisilong baka may lason.

Ipinikit ko ang mata at taimtim na nanalangin sa Dyos na sana'y ako ay patawirin sa hangganan ng gubat bago umulan.

Nagsimula na ulit akong tumakbo at paunti-unti ay umiiwas sa mga naggagalawang sanga. Kailangan hindi na madagdagan pa ang aking mga natamong sugat. Kailangan ko ring magmadali bago sumapit ang gabi.

_______________________

thank you for reading😊😊😊😊😊

Obviously I am so happy I beat the record I want. I reach 500+ words whooo!!! for the first time. My dampened spirit is awakened once more.!

I can now feel I improve a little bit. heheheh

Just ignore this authors small mind everyone. Hahahha

(this last part divided by the line above is not counted from the 500 words)