webnovel

1- Unwavering Choice

Ang Torra ay nahahati sa apat na kaharian. Ang kaharian ng Estrassor-ang lugar ng mga may dugong dyosa. Esper- ang kaharian ng mga may dugong mandirigma. At ang ikatlong kaharian, ang Eventhis-lugar ng mga may dugong halimaw.

Bawat kaharian ay may sari-saring paraan sa pagtago nga kani-kanilang mga nasasakupan. Ang mga taga Estrassor ay nasa alapaap, ang mga Esper sa ibabaw ng kalupaan, ang mga taga Eventhis sa ilalim ng lupa.

Kasalukuyang ang namumuno sa tatlong kaharian ay ang Eventhis. Ang pinakasakim at may itim na budhing Hari, si Haring Fermious Eventhis.

___________________________________________

"Cadara" matigas na turan ng Kapitan nang makitang nakahawak si Cadara ng punyal.

"Isa kang babae, at nararapat lamang na sa kusina ka at tinutulungan ang iyong ina sa paggawa ng almusal" habang nakayuko at inilalahad ang mga kamay sa harap ng bata na ibigay ang hawak na punyal.

Lalong niyakap ito ni Cadara at gumawa ito ng sugat sa kanyang mga maliliit na kamay ngunit walang sakit at mumunting luha ang makikita sa kanyang mukha tanging paninindigan lamang na ikinagulat ng Kapitan.

"Cadara anak may sugat ka sa iyong kamay" akmang kukuhanin ng Kapitan ang punyal ng itago ito ng bata sa kanyang likod.

"Ama, malaki na ako, turuan mo ako ng paggamit ng espada, gusto kong protektahan kayo nila ina at ang matalik kong kaibigan si Leandra"

Mahihimigan ng determinasyon ang mga salita nito na nagbigay ng buntong hininga sa Kapitan.

Apat na taon na nitong inuulit na gusto nyang matuto ng sandata na syang kinagulat ng Kapitan at pinagalitan ito.

Limang taon pa lamang si Cadara at naiisip na nito na gustuhing matuto sa paghawak ng espada na syang pinakaalam gawin ng Kapitan.

Napabuntong hininga ang Kapitan, hindi pa nga nito nakakalimutan ang sinabi nya.

Na sa kanyang pagtuntong ng siyam na taon na kung gusto parin nito ang matuto ay dapat tanungin siya nito. Ngunit di ito nasunod dahil inaraw-araw ng bata ang pangungulit.

At sa pagkakataong ito ay humawak na talaga ang bata ng punyal na walang tulong mula sa ina at kapitan ang hiningi.

"Ama turuan mo ako." Pagsusumamo ni Cadara sa ama habang patuloy ang pagdanak nang dugo mula sa kamay nya hanggang sa likuran ng damit nito.

__

thank you for reading🥰