webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Others
Not enough ratings
45 Chs

41: Concern

HER POV.

Kasalukuyan akong papunta sa library ng bigla akong kausapin nila Karl at Patrick. Bat parang wala si Jackson?

"Can we talk? " tanong ni Patrick. Bat naman kaya ako kakausapin nito?

"Sure. Ano ba 'yun? " tanong ko.

"Kung pwede sana sa may fields tayo. " sabi nya.

"O sige. " sabi ko. Hindi na sumama si Karl kaya kaming dalawa na lang ni Patrick.

"About what ba 'yung sasabihin mo? " tanong ko kay Patrick habang nag-lalakad kami.

"About kay Jackson. " sabi nya. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"What happened to him? Is he okay? Matagal ko na rin kasi syang hindi nakakausap eh. " sabi ko sa kanya.

Napatingin sya sakin.

"I'll be honest to you, Jackson is not okay. He's broken. Nag-inom sya kagabi dahil sa babaeng gusto nya. " sagot nya.

"What?! Seriously?! Dahil lang sa babaeng gusto nya, sisirain nya ang buhay nya? " tanong ko. Naiinis na ako ah!

"Look, labis na nasasaktan ang kaibigan ko. Baka pwede mo naman syang punatahan oh. " eh? Bakit ako?

"Why me? I mean, we're not close. " tanong ko.

"Pero, ikaw lang ang kilala naming nakakausap nya bukod samin ni Karl. " sabi nya. Psh.

"Where is he? " tanong ko.

"Nasa garden. Sana ma-comfort mo sya. " sabi nya saka tinapik ang balikat ko at umalis.

Agad naman akong pumunta sa garden. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa syang puntahan. Hindi ko alam kung bakit ako ang kailangan mag-comfort sa kanya, eh hindi nga kami close. Hindi ko alam pero ang alam ko lang, nag-aalala ako sa kanya. Nag-aalala ako sa idiot na 'yun. Bwiset kasi eh, uminom-inom pa. Tsaka, bakit ako ang magko-comfort sa lalaking 'yun? Ako ba 'yung babaeng gusto nya? Hindi naman diba. Tsk.