webnovel

THE BROKEN PIECES

Kailan mo nga ba masasabi na "Tama na"? Pag ubos na ubos kana ba? At age of 13 Creyya Ashtin already suffered enough to even think of suicide. But, she can't let those people who did it to her feel glad if she die. Gusto niyang lumaban, pero sariling katinuan niya na ang sumuko. Ubos na ubos na siya. Para san pa ba kung lalaban siya. After how many years, when she got into an accident. He met Dr. Rim Xyndro Soluarde. Will he be able to put the missing pieces of broken heart and soul of Creyya?

ullyashie · Urban
Not enough ratings
2 Chs

Ꮲ Ꭱ Ꮎ Ꮮ Ꮎ Ꮹ Ꮜ Ꭼ

"Baby, sabi ko naman sayo diba pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako. Kahit nasa trabaho ako, isang tawag mo lang pupuntahan agad kita. You're my top priority. Hindi ko kaya na wala ka sa buhay ko. So please, dont ever do that again. Please stop making me so worried about you. I love you Eya. Sleep thight baby"

Dinilat ko ang mga mata ko ng masiguro kong mahimbing na siyang natutulog sa tabi ko.

Pinipigilan kong wag makagawa ng ingay. Ayaw kong magising siya. Tinanggal ko ang suero na nakakabit sa may kamay ko.

Napansin kong nasa bahay niya ako. Alam niyang ayaw na ayaw kong pumasok sa Hospital. Napangiti ako dahil dun.

Napaluha ako habang nakatitig sa maamong mukha niya. Hindi ko lubos akalain na kahit saglit lang naranasan kong maging parte ng buhay niya. Ang mahalin at maalagaan ng isang Dr. Rim Xydro Soluarde.

Pero hanggang dito na lang, hindi ko na kayang maging pabigat pa sa kanya. Alam ko na ako ang dahilan kung bakit galit na galit sa kanya ang Mama niya. Hindi ko kayang makita na mahirapan siya ng dahil lang sa isang katulad ko.

Wala akong kwentang tao sabi nga nila. Malas ako at sinasama ko siya sa kamalasan na dala ko. Siguro nga pag nawala ako matatahimik na sila.

Sa kung sino man ang mamahalin ulit ni Rim sana mahalin din siya nito ng higit pa sa pagmamahal at aalagaan ito katulad ng pag alaga ko. Alam ko naman na hindi ako karapat dapat para kay Rim.

Napahawak ako sa mukha ko ng tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko. Pinipigilan kong wag magpahikbi. Dahan dahan kong hinalikan ang labi niya. For the last time gusto kong maramdaman ang labi niya.

Im sorry baby, mahina ako hindi ka man lang kayang ipaglaban. Im sorry, sorry.

I love you Rim. Goodbye.

Pano ba kasi mag upload ng book cover HAHAHA kaasar ah

ullyashiecreators' thoughts