webnovel

THE BROKEN PIECES

Kailan mo nga ba masasabi na "Tama na"? Pag ubos na ubos kana ba? At age of 13 Creyya Ashtin already suffered enough to even think of suicide. But, she can't let those people who did it to her feel glad if she die. Gusto niyang lumaban, pero sariling katinuan niya na ang sumuko. Ubos na ubos na siya. Para san pa ba kung lalaban siya. After how many years, when she got into an accident. He met Dr. Rim Xyndro Soluarde. Will he be able to put the missing pieces of broken heart and soul of Creyya?

ullyashie · Urban
Not enough ratings
2 Chs

Ꮯ Ꮋ Ꭺ Ꮲ Ꭲ Ꭼ Ꭱ 1

Bumibili ako ng sardinas sa tindahan ni Aling Bing, may mga natambay din dito at nagiinuman. Sila yung mga walang trabaho na ang lalakas uminom pero puro naman utang sa tindahan.

Naiilang na ako habang nakatayo dahil hinihintay ko ang sukli ng biglang may humawak sa legs ko. Napaigtad ako at lumayo agad.

"Aba dalaga na anak ni Zerdo ah" Natatawang turan ni Mang Uting. Diko nga alam bat Uting pangalan nito eh mukhang di mahal ng magulang Charr.

Hindi ko sila pinansin dahil mga lasing na talaga ito. Apat silang nagiinuman at panay tawanan. Wala naman na nakakatawa.

"Nahihiya kapa Eyang di halata na taga dito ka ah. Makinis pa ang legs HAHAHA" Sabi naman ni Mang Kamir.

Sa edad ko na trese hindi mahahalata na menor de edad palang ako. Maganda ang hubog ng katawan ko at iisipin talaga na dise otso na. Matangkad din ako kesa sa mga kasamahan kong 13 yrs old lang din.

Kinabahan ako ng biglang tumayo si Mang Kamir akmang hahawakan niya ako sa siko ng biglang sinita sila ni Aling Bing. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun.

"Tigilan niyo nga ang bata, kaya walang nabili sa tindahan ko pag nandito kayo eh." Sabi niya at inabot na sakin ang sukli.

Mabilis naman akong naglakad paalis. Hanggang ngayon ay kumakabog pa rin ang dibdib ko. Kaya ayaw kong lumalabas pag gabi na. Hindi mapagkakatiwalaan mga lalaki dito samin. Kahit may mga asawa at anak na ay kaya pa rin gumawa ng masama sa iba.

Binuksan ko ang pinto at mabilis na pumasok sa bahay. Nadatnan ko ang kuya ko na naglalaro ng barilan sa cp niya.

Hindi ko nakita ang pinsan ko, siguro nasa barkada na naman niya. Apat kami na nakatira dito at magisa lang akong babae kaya lahat ng gawain ako gumagawa.

Hindi man lang maasahan sa gawaing bahay ang dalawang iyan. Si papa kasi ay nagtatrabaho bilang construction worker. Kaya pagod na pag umuuwi ng hapon.

Pagkatapos kong ilagay sa mangko yung sardinas ay nag ayos na din ako ng mga pinggan at kanin.

"Pa tara kain na po, nakahanda na dito sa lamesa" tawag ko kay papa na nasa loob ng kwarto niya.

Kahit papano naman ay may tatlong kwarto itong tinitirhan namin. Magkasama sa isang kwarto si Kuya at Insan Alex. Magkasing edad lang kami ng pinsan ko , matanda lang siya ng isang taon sa akin.

Matagal ng patay ang mga magulang niya at si papa lang ang nagiisang kapatid nito kaya kinupkop na niya.

Yun nga lang wala naman na maitulong dito sa bahay, puro barkada inaatupag. Hindi man lang tumulong kahit sa pagiigib lang sana ng tubig.

Lumabas na si papa sa kwarto niya at tumungo dito sa kusina. Naupo na siya kaya naupo na din ako. Hindi na nga nag abala si papa na tawagin yung dalawa dahil sigurado ako na sisigawan pa nito ni Kuya si papa.

Ayaw na ayaw kasi niyan na iniistorbo lalo na pag naglalaro.

"Nakapag enrol kana ba Eya?" Napatigil ako sa pagsubo ng kanin at tiningnan si papa.

Nakatingin din ito sa akin kaya tumango naman ako.

Grade 7 na ako ngayong pasukan. Sa Lunes ay unang araw na ng klase. Ni wala pa nga akong mga gamit.

"Bukas ay mamili ka na ng kailangan mo bibigyan kita mamaya ng pera paguwi ko. Sakto naman na sahod namin mamaya."

"Okay po pa."

Nagulat ako ng biglang padabog na umupo si Kuya sa katabing upuan ko.

"Asar bat ba mga bobo lagi kakampi ko. Sarap nilang bugbugin" sabi nito

Nakatingin pa rin ako sa kanya galit naman na tumingin din ito sa akin.

"Ano ba naman to, sardinas na lang lagi ang ulam. Pwde ba Eya sa susunod naman yung maayos na ulam pwde!" sigaw nito at galit na umalis.

Palagi naman na ako ang mali. Ano ba magagawa ko. Kulang naman talaga ang pera na binibigay ni Papa. Sakto lang pangbayad ng tubig at kuryente.

Hindi ko na ito pinansin at narinig ko na lang ang malakaw na pagsara ng pinto.

Tahimik lang din si papa na patuloy sa pagkain. Hindi man lang pagsabihan yung anak niya kaya iba yung ugali. Pag kaya ko na talagang buhayin ang sarili ko. Kusa akong aalis sa bahay na ito.

Naunang matapos kumain si papa at umalis din agad ito ng bahay para pumasok na sa trabaho.

Pagkatapos kong ligpitin ang pinagkainan ay naisipan ko na munang matulog. Nagawa ko naman na ang mga gawain ko. Mamayang alas singko na lang ako magsaing.

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may kumikiskis sa pwetan ko. Nagising bigla ang diwa ko ng mapagtanto kung ano ang bagay na yon.

Nanubig agad ang mata ko. At diko na napigilan na di humagulhol. Natigil naman yung taong nasa likod ko sa ginagaw niya.

Narinig ko na lang ang pagbukas sara ng pinto ng kwarto ko. Ano bang klaseng katangahan to. Bat ko ba nakalimutan na hindi ang ilock ang pinto.

Bumangon agad ako at nilock ang pinto kahit nanghihina sa nangyari ay nagawa ko pa rin.

Bumagsak ang katawan ko sa sahig. Hindi pa rin ako makapaniwala na gagawin niya yun sakin. Tang*na kamag anak ko siya eh. Dapat siya yung tao na poprotekta sakin sa mga masasamang tao.

Hindi yung siya mismo ang gagawa.

Nahihirapan na akong huminga sa walang tigil na pag iyak ko.

Kung pwde lang ako mag sumbong, pero ayaw ko ulit gumawa ng bagay na ako at pamilya ko lang din ang mapapahiya.