webnovel

The Billionaire's Contracted Wife [Tagalog]

A contract that should have been as simple as the paper it's written, turned upside down when Tanaga met Ashley and wanted her not only as a mother of his Heir but also his woman in bed. == CEO Tanaga Jones, Billionaire, single and not interested in having a woman in his life. [Until he met Ashley Gusman] Tanaga needed an heir for his empire, but he doesn't want a wife. He decided to contract a woman to bear him a child. [Comes Ashley Gusman] === Ashley Gusman a young Filipina whose one goal in life was to give her family a better life. She would do anything to achieve her goal even if she must become a surrogate mother for a Billionaire Heir. === What's written in the contract was straightforward. 1] Procedure to conceive the child: To be determined, 2] If successful and the child is a boy, the mother would receive a generous Ten-million dollars and free to leave, without the child. Contract terminated. Come and Journey with me and read how Billionaire Tanaga would do everything in his power to keep Ashley Gusman from leaving after the contract was fulfilled. ==== Other books by the Author: 1] I Accidentally Married a CEO [Completed] 2] The President's Daughter: Royal Whirlwind Romance 3] The Billionaire's Sons Meets The Tycoon Heiress 4] Torn Between Twin Brotheres Please! Check it out and support by voting and gifts. Thank you! If you want to chat with me. Join me in discord: https://discord.gg/CwtEzBG ************ Disclaimer: This novel’s story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary.

AJZHEN · Urban
Not enough ratings
423 Chs

Chapter 1

Tondo, Maynila, Pilipinas

Abala ang buong pamilya Gusman sa paghahanda. Ang kanilang bunso ay paalis papunta ng Japan kung saan ay magtatrabaho siya bilang isang assistant sa isang malaking kumpanya. Hindi pa rin makapaniwala si Ashley Gusman na mapipili siya sa dinami dami ng mga aplikante na nag apply. 

Kaya naman hindi sya makapapayag na maiwan ng eroplano papunta sa kanyang magandang kinabukasan... 

"Ano ba! dalian nyo naman!" Sigaw ni Ashley sa sobrang inip, "Ayokong iwanan ng eroplano!" Habang makikita mo ang pagkabalisa sa kanyang magagandang mga mata. 

"Nandyan na! Kailangan ko lang mahanap ang aking telepono," sigaw ni Ginang Fely Gusman mula sa silid sa itaas. "Hindi ko maalala kung saan ko ito iniwan," sabi niya habang patuloy na naghahanap.

"Andyan na! eto kase naman si Kuya Arman, ang tagal sa banyo. nagdasal pa yata eh!" Sigaw naman ng Kuya Arthur nya.

Umiling iling lang si Ashley sa pagkadismaya habang ang kanyang mga magulang at kapatid ay nagmamadali pababa ng hagdan. 

Sa wakas, ay matutuloy na rin ang matagal nya ng pinapangarap na makapangibang bansa.

'Eto na ang simula ng aking bagong buhay.' sa isip ni Ashley habang atras-abante syang naglalakad sa sala habang nag aantay sa pamilya nya na mag hahatid sa kanya papuntang airport.

Habang nag aantay si Ashley at hindi mapakali, hindi nya maiwasang maisip ang nakaraang hirap na dinanas nya para lang matupad ang kanyang pangarap. Mula't sapol pa mula noong kanyang kamusmusan, pinangarap na nyang makarating ng ibang bansa at doon magtrabaho. Ito ang bukang bibig ni Ashley halos araw-araw.

Pero kahit bata pa sya, nakikita na ng mga magulang nya na meron syang diterminasyon. At kung anuman ang kanyang pangarap, siguradong ito ay matutupad. Kaya naman siniguarado naman ng kanyang mga magulang na igapang ang kanyang pag-aaral kahit sa pribadong eskwelahan.

Habang nag-aantay si Ashley sa buong pamilya niya na maghanda... Hindi niya maiwasan ang isipin ang nakaraan...

"Nay, Tay, paglaki ko po, ako ay magtatrabaho sa ibang bansa. At lahat ng sasahurin ko, ipapadala ko sa inyo para di na kayo maghirap sa pagtitinda sa palengke at pamamasada ng Jeep. Antayin nyo lang po, pagdating ng araw, papatayuan ko kayo ng napaka laking bahay. Isang Mansion na kasing laki ng Malacanang Palace." Sabay ngiting napakatamis ni Ashley sa kanyang mga magulang at mga kapatid habang sila ay nakaupo sa hapag kainan.

Maluha-luhang niyakap ni aling Fely ang kanyang bunsong anak na anim na taong gulang pa lamang noon. "Ikaw na bata ka, ni hindi ka pa nga tumutungtong sa grade-one eh, kung makapagsalita ka, para ka ng malaking tao. Hahaha!"

"Oo, na! Alam namin na kaya' mo gustong makapag abroad, eh' para bigyan kami ng maginhawang buhay. Pero anak, bago yun kailangang mo munang kumain at mag palaki. Okay! Tingnan mo ang plato mo, puro kanin at walang ulam, pano ka lalaki nyan?" Biro ng kanyang Ama.

Sabay-sabay nag-tawanan ang limang nakatatandang kapatid ni Ashley at isa-isang naglagay ng ulam sa kanyang plato.

Arman: Labing-anim na taong gulang, panganay sa kanilang magkakapatid.

Arthur: Katorse anyos, pangalawa,

Ariel: Dose anyos, pangatlo.

Arnel: Sampung taong gulang, pang apat.

Arnold: Walong taong gulang, pang lima.

Si Ashley ang bunso at nag iisang babae na anak ng mag asawang Jessie at Fely. Kaya't di hamak na prinsesa ang turing sa kanya ng buong pamilya.

Sa simula pa lang nang sya ay ipinanganak halos hinde sya madapuan ng langaw, At kahit anong hingin nya, basta't makakayang ibigay ng kanyang mga magulang, ginagawan ng paraan para lang sya ay maging masaya.

Lahat ng kanyang mga kuya sa publikong paaralan lamang nagsipag-aral, samantalang si Ashley ay sa isang pribadong Pre-school at Kindergarden nag-aaral.

Pero kahit na si Ashley ay tinatratong prinsesa sa kanilang bahay, ni minsan hindi naging masama ang kanyang ugali. Alam nya na mahirap lang sila. Kayat hindi sya naghahangad ng mga bagay na hindi kayang ibigay ng kanyang mga magulang.

Lumaki si Ashley na may magandang ugali at takot sa panginoong diyos, kaya naman ng siya ay nakapagtapos ng pag-aaral na hindi man lang nagkaroon ng kahit isang nobyo. Bagamat nagkaroon sya ng crush or paghanga, hindi pumasok sa kanyang isipan na magkaroon ng relasyon hangat hindi natutupad ang kanyang mga pangarap...

Ang pamilya niya ay nasa kategorya na medyo nakakaluwag sa buhay , bagamat kumakain sila ng tatlong beses sa isang araw at nakakakyanan ng kanilang ama at ina na itaguyod ang kanilang pagaaral. Hindi pa ang mga ito nakapag bakasyon sa ibang bansa kahit minsan. 

Ito ang pangarap ni Ashley na ibigay sa kanyang magulang. Ang maranasan ng kanyang Ama at Ina ang lumabas ng bansa upang mag bakasyon. 

Matutupad lang ito kapag siya ay nakapag abroad at kumita ng dolyar...

+++

Thank's to my sister for editing: Lyn Fox

Maraming salamat!

Ito po ang kauna-unahang Tagalog na isinulat ko at ako ay nagpapasalamat at binigyan ninyo ng inyong panahon at basahin.

Ang tema po ng estorya na ito ay pang pamilya, at walang masyadong pasikot sikot. Hindi ito aabot ng pagka haba haba na katulad ng [Please, be careful with heart.] Paborito ko pong teleserye.

Comment, review, at Vote lang ang hinihingi ko. Sana naman ay pagbigyan ninyo ako.

AJZHENcreators' thoughts