webnovel

That Famous C.E.O is my Ex Boyfriend

He's my boss, im just He's secretary. He's my Ex. I loved him before, but he thinks that i never love him before -Kaira ---- He's my secretary Im his boss. I dont understand why destiny let us meet, 6 years.. 6 years and i still love her. 6 years of waiting for her. But when she's here, things change. Our destiny is complicated -Gino. ---- LOVE, SACRIFICES, PAINS... "THAT FAMOUS C.E.O IS MY EX BOYFRIEND" written by: madammviolet (DANE) madamm_violet26 (DANE)

madamm_violet26 · Teen
Not enough ratings
7 Chs

CHAPTER 2:

Chapter 2: Our Life after 6 years.

6 years after.....

**Key's POV**

"Key! may trabaho nakoooo!" napatakip ako ng tenga sa biglang pagtili ni Gianna , as always bunganga nyang nakalunok ng micro phone

"Good for you" sabi ko at tsaka bumangon sa sofa

"Ikaw nakahanap ka na ng trabaho?" tanong nya

"Ayun wala padin" ani ko at bugtong hininga

"Ayown oh sakto!" napatingin ako sa kanya

"Ano bayon? aga aga ang ingay mo!?" inis kong sabi

"Kase ganto yun! yung pinag apply-an ko na kumpanya natanggap na ko! at isa pa naghahanap ng secretary ang C.E.O nila! alam mo bang sikat ang kumpanyang yun!? Yung..... yung... the... the perfect magazine! ang TPM!" napatingin ako sa kanya

"Ayoko." ayoko ng mga ganyang trabaho! di ko keri!

"Ano ka ba Key! this is it pancit! sigurado kong makakapasok kadon bilang secretary!" nanlali naman mata ko sa sinabi nya , Secretary?? what the fuck!? hindi ko gusto ang ganong trabaho , nagcross arm ako

"Ayoko!" simple kong sagot

"Talaga? kahit 15,000 ang sahod kada isang linggo? tas 5,000 kada isang araw? tas para sa sahod sa isang buwan ay 30,000?" nanlaki nanaman mata ko sa sinabi nya , what the?

15 ,000 per week

5,000 per day

30,000 per month

Kung may apat na linggo sa isang buwan ibig sabihin 4×15,000 = 60,000 , tas may 30 days sa isang buwan edi 30×5,000 = 150,000 tapos 30,000 kada isang buwan? edi 60,000+150,000+30,000 = 240,000?

Ang yaman naman ng kumpanyang yun?

"200.....240,000??" $_$?

"Oh ano Key?" sabay ngiting tagumpay ni Gianna

"Teka nga!? bakit ganoon kalaki!?" kunot noo kong tanong , napairap pa sya

"Duh! TPM nga? The Perfect Magazine! mayaman ang may ari non , di ka ba nanonood ng TV? duh!" sabi nya

"Saan ba yan?" napangiti nanaman sya sa tanong ko

"Presyo lang pala pang kumbinsi sayo" sabi nya sabay tawa

"So? pinupunto mo bang mukang pera ko?" sabi ko sabay bato ng unan sa kanya!

"So? pumapayag kana? matangkad ka , maganda, matalino at masipag! o saan pa! sigurado ko pasok ka!" sabi nya, napailing nalang ako

"Pag iisipan ko ." tipid kong sagot tsaka nagtungo ng banyo

"Yess!" pabulong na sabi nya pero narinig ko naman

~~~~~~~

**Gino's POV**

"Sir, wala pa po kaming mapiling secretary" napailing nalang ako

Anak nggg! kakaumpisa ko lang dito ,problema na agad ang sumalubong sakin!

(tok-tok)

"Come in" nakatungo kong sabi

"Sir, bukas po may meeting po kayo , and after that po, may TV interview po kayo since your the new C.E.O of TPM "

Napanod nalang ako,

"And sir, etes na po yung mga listahan ng aplikante" napatingin ako sa kanya , what the fuck!? nilalandi nya ba ko? at ano yang soot nyan? ganyan naba uniforme dito? mini skirt na hapit tas yung blouse kulang nalang lumabas dib dib?

Iiling iling kong inabot yung folder

"Mis? ganyan ka ba talaga magsoot ng pang opisinang damit? i remind you , this is office hindi to bar" sabi ko at itinuro ang pinto "Next time, dress normal" napakagat labi naman syang tumalikod at lumabas

Di ko talaga maintindihan ang girls ngayon

(Cring-cring-cring)

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at sinagot ang tawag

"Yes Dad?" sagot ko

[Nandito si Cheska , di mo ba sya kakausapin?]

"Dad! pauwiin nyo nalang sya!" inis kong sabi

[Ayaw mo bang makita kapatid mo?] napailing nalang ako

"Dad! after nyang lumayas ng bahay at makipaglive-in sa walanghiyang lalaking yun gusto nyong kausapin ko sya? you know Dad na ilang beses ko syang sinabihan! but she won't listen!" inis na sabi ko at in-end call ko

Nagdial ako sa cellphone ko , gusto kong uminom

[Hello? Bro?]

"Julian, nasaan kayo ni Gilbert?"

[As usual nasa bar naghahanap ng chicks... Hi, girls , how are you?.... See? mamaya kana tumawag im busy] tsaka ako pinatayan ng cellphone

Bwiset na mga player yun!!

Tumayo ako at tsaka nag ayos ng sarili , oky fine.. iinom ako mag isa

~~~~~~~

**Key's POV**

Nakatunganga ako sa kama ko

Try ko kaya?

Ay hindi ayoko!

Pero, sayang?malay mo makapasok talaga ko?

240,000.... oky susubukan ko!

"Ano nakapagdesisyon kana?"

"Ay anak ka ng nanay mo sa kalabaw!" gulat na sabi ko "Ano ka ba naman Gianna!?"

"Lalim ng iniisip mo eh, may sagot ka naba?" sabi nya tsaka ngumiti

"Oo--------"

"Oky sent!" sabi nya tsaka tumayo sa kama ko at lumabas

O_O

Teka!?

'Oky sent' ? what the----

"Gianna! stop!" napatigil sya sa paglalakad at lumingon sakin ng nakangiti

"Anong ginawa mo?" kunot noo kong tanong

"Ha-ha sinend ko lang yung resume mo" sabi nya at ngiting tagumpay , WHAT!!?

Anong?

"Bakit mo ginawa yun!?"

"Sabi mo oo?" kibit balikat nyang sabi tsaka lumabas ng kwarto ko "Umm , sorry , peace!"

Napabuntong hininga nalang ako

Urgh! mali atang iisa kami ng tinitirhan!

Hayssss , di bale na malalaman bukas!

~~~~~~~~~

"AHHHHHH!!! KYAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!" napabangon ako sa sigaw ni Gianna

Mabilis na tinakbo ko ang kwarto nya at binuksan ang pinto ,

"Nasaan ang magnanakaw? nakita mo kung sino? tumawag ka na ng 911? jusko! dapat na ba tayong lumipat!?" sabi ko habang natataranta

"Gaga! Hello! Kaira Kelly Hilton! walang magnanakaw at walang lilipat!" napakunot noo naman ako sa sinabi nya , napatingin ako sa buong kwarto nya , hmmm, malinis naman? so ,

"Ayyy bwiset kang babae ka!!!! MALOLOKA AKO SAYO! ang aga aga tili ka ng tili! abay mabuti pang naging alarm clock kita! papalapa kita sa leon e! bwiset!" inis kong sabi tsaka ginulo ang magulo kong buhok

"Chill oky? chill.. kase naman!!! O to the M to the KEY!!!!!! OH MY GOSHHH , OH MY GOSHHHH!!!" napatakip ako ng tenga ng bigla bigla nanaman syang sumigaw

"Maniwala ka Gianna babatuhin kita ng kaldero pag di ka tumigil!" inis na sabi ko

"Oky eto na, nag text na ang TPMMMMMMMM!!!! OH MY GOSHHH , OH MY GOSHHHH , MAY INTERVIEW KA MAMAYAAAAAA!! KYAAAAA!" mas malakas na yung tili nya dahilan ng lalo akong mainis sa kanya

Kinuha ko yung walis na nakasandal sa may pintuan at hinampas sa pinto dahilan ng pagtigil nya

"Juskoo po Gianna! wala kong naintindihan sa sinabi mo! sinabing aga aga tigilan mo kakatili! masisigawan tayo ng kapitbahay------"

"Hoyyy magsitahimik naman kayooo! ang aga aga ang iingay nyo!"

See? speaking of kapit bahay?

Nabubuwisit ako dito sa babaeng to!

"Ano ba kase yon at ang ingay mo?" iritado kong sabi

"May interview ka mamaya sa TPM! natanggapa nila ang resume mo at maganda daw ang resulta, Gosshh omygoshh!" mahina na nyang sabi

"Ah oky----? WHATTT!!!!?"