webnovel

That Famous C.E.O is my Ex Boyfriend

He's my boss, im just He's secretary. He's my Ex. I loved him before, but he thinks that i never love him before -Kaira ---- He's my secretary Im his boss. I dont understand why destiny let us meet, 6 years.. 6 years and i still love her. 6 years of waiting for her. But when she's here, things change. Our destiny is complicated -Gino. ---- LOVE, SACRIFICES, PAINS... "THAT FAMOUS C.E.O IS MY EX BOYFRIEND" written by: madammviolet (DANE) madamm_violet26 (DANE)

madamm_violet26 · Teen
Not enough ratings
7 Chs

CHAPTER 1:

Chapter 1: The Time we fell inlove and broke up.

(Author: This chapter is all about their past, kaya mabilisang kwento lang po to.....)

~

**Key's POV**

"Kelly!! sagutin mo na dali!!" pagkunsinti ng baliw kong bestfriend sakin

"Miss Kaira Kelly Hilton..... Can you be my Girlfriend?" tanong ng lalaking nasa harap ko , halahh! ayan na! ano isasagot ko?

"Key!! sagutin mo na si Gino!" pang kukumbinsi ng mga kaklase ko

"Ayieeee, ang sweet ni Gino!"

"From friends to lover!" napangiti naman ako sa sinabi ng iba

Crush ko si Gino nung elementary , well di sa nagmamayabang ako ah pero parang ganon na nga , parehas lang pala kami

Hanggang naging mag kaibigan kami , nag start syang manligaw nung 16 ako at sya 17 ang sabi ko sa sarili ko sasagutin ko si Gino pag 18 nako eh 18 nako eh kakatapos lang

"Bruha ka! nag iintay si Gino ng sagot oh!" sabi ni Gianna

"Oo na!! oo na!! pumapayag nako maging girlfriend Mr. Gino Cian Pierre!" sagot ko , nagtilian naman ang mga kaklase ko sa sagot ko , ay buysettt mas kinikilig pa sila sakin

Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko sa kanya

"Proud ako sayo Key!" -Gianna

"Ayieee..... may new couple na tayo!" -classmates

Halo halo ngayon nararamdaman ko , Tuwa , lungkot , kaba , takot at marami pa....

Mayaman sila , mahirap lang kami , pano nga ba naging posible ang relasyon namin? walang against sa relasyon namin tanggap kami ng pamilya namin both side

Pero parang may takot at kaba parin? mag end din kaya kami ng gaya sa fairy tale?

-----------

1 year later....

"Ms.Hilton? kasama ka ulit sa nominees ng Valedictorian ngayon" nagpalakpakan ang mga kaklase ko

Good News!! matutuwa sila Nanay at Tatay nito!

Ang ganda yata ng buong taon ko ngayon !!

Matapos si Maam mag bigay ng mga pangalan ng mga nominees para sa mga honored student nag ring nadin ang bell

Nakangiti akong lumabas ng room

"Ms.Kaira Kelly Hilton! this is your poging boyfriend Gino , may good news ako sayo Babe ko! nakapasok kami sa international competition!" si Gino , nasanay narin ako sa kanya dahil sila ang may ari ng school nato nagagawa nya lahat ng gusto nya , at yung mga salitang yun? galing yun sa Radio Broadcast ng school haruu juskuuu... rinig nanaman sa buong campus ang kalandian ng lalaking to!

"Susunduin na kita dyan sa room mo! I Love You Babe ko....." huli nyang sabi

"Ahhhhhhhhhhh" -girls at campus

Hay jusmiyo ang ingay nila...

"Yieeeee! ang swerte mo Kelly!"

"Pupunta ulit dito si Fafa Gino..." tili ng mga babae sa likod ko , nilingon ko naman sila, ayus magsabi ng Fafa ah , nagpeace sign sila sakin

"Kyahhh..... I love you ate Key at Kuya Gino! bagay talaga kayo!"

"Gi-Lly shipper ako!"

"Sweet.... stay strong!"

Napangiti nalang ako sa mga sinasabi nila , di ako Nerd at di ako talunan o inaapi api sa school nato

Mahirap kami pero hindi ako papayag na tapakan nila kami

Hindi ako gaya ng mga Nerd na nababasa o  napapanood nyo , sadyang Honored student lang ako

"Uyy Key! napaka sweet ni Gino no? balita ko Anniversary nyo bukas? ayieee" nagulat naman ako sa biglang pagsasalita ni Gianna sa likod , bestfriend kong baliw!

"Ayy nako tigilan mo ko Gianna!" sabi ko habang nagpipiit ng ngiti

Ang totoo nyan masaya na malungkot ako sa relasyon namin, ang gulo diba? kase honored student ako sya naman team captain ng basketball , sandali at minsan lang kami magkasama , kaya ganoon nalang ang saya ko pag dumadating sya , walang duda! mahal ko sya...

---------

Months past....

"Happy 1 year and 4 months Gino..."

"Happy 1 year and 4 months din Babe! .. sorry di kita mailalabas ngayun ha? may training kami, lam mo na Team Captain"

"Oky lang yun... love you"

"Love You moreee..."

Napawi ang matamis kong ngiti , nasasanay nako sa ganito , minsan naiisip ko nadin na igive up to,

Ay nakoo! mali yang iniisip mo Key! tatagan mo lang

Pero parang hindi nako masayaa eh,

"Key, im sorry talaga Babe..." napatango nalang ako, pinanood ko lang sya lumabas ng rooftop , pasimpli kong sinilip yung binalot kong regalo kanina , mamaya ko nalang ibibigay!

-----------

Magdamag akong nag iintay ng text at tawag nya pero wala pading dumadating , may tiwala naman ako sa kanya eh alam kong di sya gagawa ng bagay na ikasisira nya, pero may desisyon nako

"Babe ko?" napatayo agad ako sa sofa ng condo ko , dumating sya? napatingin ako sa orasan

"1:30 am na, anong ginagawa mo dito?" matamlay kong tanong

"Babe nagtatampo ka ba?" napatungo nalang ako , umaga na nag iintay ako ng tawag at text nya pero di man lang sya nag text or tumawag , at isa pa napag isipan ko na kanina to

Kinuha ko yung binalot kong Gift kanina , at inabot sa kanya

"Sorry, ako siguro dahilan kung bakit di ka pa natutulog" sabi nya tsaka inabot ung regalo "Di ko na kailangan nito.... pero dahil mahal kita tatanggapin ko to" naiyak nako, sasabihin ko ba? "Babe ko? bakit ka umiiyak?" sabi nya tsaka akmang lalapit sakin pero lumayo ako ng onti

"G-gino... " sabi ko at tuluyan ng umiyak

"Babe naman! kinakabahan ako!" sabi nya tsaka nagtangkang lumapit sakin pero lumayo ulit ako

"Gino..... hindi nako masaya" seryoso at umiiyak kong sabi "Gino.. pagod nako! ayoko na ng ganito! napag isipan ko , mabuti pa siguro maghiwalay na tayo! di mo ko deserve Gino ... madami pang babae dyan! Gino im sorry, sorry kase napakawalang kwenta kong Girlfriend! pero Gino... di na tayo masaya diba? wala ng patutunguhan tong relasyon natin!" ani ko na syang mas nagpaiyak sakin

"Babe naman! ano bang sinasabi mo? masaya ko sa relasyon natin , mahal kita alam mo yan! wag mo namang sabihin yan oh! paano nako? Kelly! wag mong gawin to mahal na mahal kita!" aniya

"Gino! ako nasasaktan sa ginagawa natin! di na nagwowork yung relasyon natin! mabuti pang mag break na tayo! " sabi ko tsaka sya hinila palabas ng condo ko

"Key! don't do this please!" sabi nya at niyakap ako

"I love you!" -Gino

"Gino tama na! nasasaktan lang lalo ako sa ginagawa mo!"-Me

" I love you!" -Gino

"Kung mahal mo ko gagawin moto! hahayaan mo na ko! sorry Gino! pero sana mahanap mo yung babaeng makakapagpasaya sayo!" sabi ko at tuluyan ng bumitiw sa yakap nya

"I love you!" seryoso na nyang sabi

"I-i can't" sabi ko tsaka isinara yung pinto....

"I love you!"

"I love you!"

"I love you!"

He gave me three chance to say 'I love you too' pero di ko masabi kahit gusto kong sabihin   natatakot ako na pag sinabi ko yun mas lalo akong masaktan,

Bata pa tayo Gino! madami pang darating na tao sa buhay natin

Yung mas Deserve mo kesa sakin!