webnovel

Teach Me (Sexy Monster Series #2)

Kung marami ang kinain ng sistema ng K-pop, mayroon din tinatawag na kinain ng sistema ng “porn”. Ito ay si Apple Dimaculangan, bente-anyos na geeky pero nuknukan ng curious sa mga makamundong bagay. Certified Birheng Maria sa modernong taon. Kung nabubuhay siguro si Maria Clara at uso nang internet noong panahon ng mga Kastila, malamang bestfriend sila ni Apple. Sabi kasi nila, `yung mga tao na wala pang experience sila raw ang mas malaki ang kuryosidad. Kung may “Kupido” para sa soulmates, mayroon din tinatawag na “Sex Demon” upang buhayin ang makamundong pagnanasa sa kalooban ng mga tao. Isa na roon si Levi—ang Top one agent sa SEX Inc. Gwapo to the highest level, sobrang sexy to the highest level times one hundred, at mapanukso to the highest level times one thousand! When the virgin meets the Sex Demon, nabuo ang isang misyon: maging ganap na babae si Apple at maibuka ang kanyang bulaklak. Levi will guide Apple on her journey how to embrace her sexuality. Para sa birhen, dating birhen at feeling birhen! Tara na at samahan niyo si Apple sa masaya, malandi at puro kaberdehang kwento na magpapangiti at magpapa-WET sa inyong... ...mga mata sa kakatawa! Uy iba ang inisip mo, aminin! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut Disclaimer: This story contains explicit content not suitable for young readers [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee "Anj Gee Novels" Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like my page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Urban
Not enough ratings
50 Chs

New professor

"TOTOO ba? Nag-resign na daw si Mr. Pacheco?"

"Oo, narinig ko na pinagku-kwentuhan ng mga canteen staff."

"Bakit daw?"

"May lung cancer daw si sir, stage three."

"OMG! Kawawa naman si sir Pacheco, kaya pala ang payat-payat niya this past few months, may sakit na pala."

"Sana gumaling siya."

Maingay ang buong classroom dahil sa pagbubulungan ng mga kaklase ko. Ang professor namin sa 'Architecture Design' ay may malubhang sakit. Biglaan ang pag-resign ni sir Pacheco kaya marami ang nagulat. Mabait pa naman iyon at isa ang klase niya sa paborito kong pasukan. Very alive siyang magturo at hindi ka mabo-bored.

"Haist, I hope sir Pacheco would get well soon, napakabait ng taong yun," napabuntong hininga na sabi ni Erin.

"Correct ka diyan girl, siya nga lang ang professor na hindi ko sinusumpa," segundo naman ni Sam na katulad namin ni Erin ay nakabagsak din ang mukha.

"Hindi tulad ni sir Aguiyo na nagmasteral ata ng Business in Kupal Administration! Pahirap talaga sa buhay ang dami-dami ko nang points na kailangan habulin sa kanya, napakakupal magpa quiz! Parang exam sa haba!" mahabang litanya ni Erin na kulang na lang ay umusok ang ilong.

Natawa ako sa sinabi niya, ang tinutukoy niya ay ang professor namin sa 'History of Architecture' na kilalang terror sa college namin.

"Ikaw naman kasi, naka-ilang absent ka na kay sir Aguiyo, kilala mo naman magpa-quiz yun."

Umikot ang ang mata ni Erin. Nagkatinginan kami ni Sam at pabirong binanga nito ang balikat ni Erin, "Bakit kasi lagi kang nale-late sa subject ni sir Aguiyo? Lagi ka sigurong pinupuyat ni Vlad."

Kitang-kita ko ang mabilis na pamumula ng pisngi ni Erin kaya lalo namin siyang inasar ni Sam, "Uuuy! Mukhang gabi-gabi nag-a-ANOhan kayo ah!"

Pinandilatan ako ng mata ni Erin, "Tse! Ayan ka na naman sa kaka-ANO mo. Tumigil ka diyan!"

Lalong lumakas ang tawanan namin ni Sam. Ilang sandali pa nang tumahimik ang buong classroom nang pumasok ang isang maganda at seksing babae. Napatulala ang lahat sa tila mala-Diyosa nitong itsura higit ang mga kalalakihan.

She's wearing a red body con fitting dress na humahapit sa makurba niyang hour-glass shaped na katawan. Pinatungan nito ito ng white blazer, paired up with red stiletto. Sobrang puti ng balat niya na para bang naliligo ng gatas, her long ang straight pitch black hair is so shiny. Nakasuot siya ng square shaped eyeglasses at red lipstick. Sobrang seductive niya siguradong kahit sinong lalaki ay maaakit sa kanya.

Nagsimulang magbulungan ang bawat isa, "Who is she?" Bulong ni Erin na nakapwesto sa likuran ko, "Ang ganda niya, kamukha niya si Marian Rivera."

"Hmp, mukha naman retoke ang ilong," ismid ni Sam sa kaliwa ko.

Nagsulat ang babae sa white board sa harapan: Ms. Selena Gracia. Humarap siya sa buong klase ang ngumiti ng maliit. Parang nagliwanag ang paligid sa ganda ng smile niya. Tuluyang nahipnotismo ang mga kalalakihan, may iba pang literal ang pagtulo ng laway habang naging hugis puso ang mga mata nila. Kahit yung ibang babae ay ganoon din.

"My name si Selena Garcia, you can call me Ms. Selena. I'll be your new professor in replacement of Mr. Pacheco. Nice to meet all of you and I'm expecting that this class would be one of the best class that I'll handle," napaka-seductive ng boses niya na para bang bawat letrang binibigkas niya ay nakakaakit sa pandinig.

I can't help but to feel jealous of her. Nasa kanya na ata ang lahat ng perpektong pisikal na katangian na hinahangad ng isang babae. Pero napa-isip ako bigla sa pangalan niya. Selena? Bakit parang narinig ko na ang pangalan na yun?

Tapos naalala ko ang sinabi ni Levi sa akin nung isang gabi…

"Selena's breast were so huge and fluffy. Her nipples were pink and hard when I licked it..."

Oh my gosh, don't tell me ang binabangit niyang Selena ay ang bago naming professor?

Tumingin sa gawi ko si Ms. Selena at nagtagpo ang mga mata namin. Bigla siyang ngumiti, and I swear biglang nanlamig ang buong pakiramdam ko.

Hey yah cupcakes! Sorry, delayed ang updates. Beze-beze lang! Hahaha!

Masaya naman ang mga susunod na chapters :) Hehe... Enjooooy!

AnjGeecreators' thoughts