webnovel

Teach Me (Sexy Monster Series #2)

Kung marami ang kinain ng sistema ng K-pop, mayroon din tinatawag na kinain ng sistema ng “porn”. Ito ay si Apple Dimaculangan, bente-anyos na geeky pero nuknukan ng curious sa mga makamundong bagay. Certified Birheng Maria sa modernong taon. Kung nabubuhay siguro si Maria Clara at uso nang internet noong panahon ng mga Kastila, malamang bestfriend sila ni Apple. Sabi kasi nila, `yung mga tao na wala pang experience sila raw ang mas malaki ang kuryosidad. Kung may “Kupido” para sa soulmates, mayroon din tinatawag na “Sex Demon” upang buhayin ang makamundong pagnanasa sa kalooban ng mga tao. Isa na roon si Levi—ang Top one agent sa SEX Inc. Gwapo to the highest level, sobrang sexy to the highest level times one hundred, at mapanukso to the highest level times one thousand! When the virgin meets the Sex Demon, nabuo ang isang misyon: maging ganap na babae si Apple at maibuka ang kanyang bulaklak. Levi will guide Apple on her journey how to embrace her sexuality. Para sa birhen, dating birhen at feeling birhen! Tara na at samahan niyo si Apple sa masaya, malandi at puro kaberdehang kwento na magpapangiti at magpapa-WET sa inyong... ...mga mata sa kakatawa! Uy iba ang inisip mo, aminin! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut Disclaimer: This story contains explicit content not suitable for young readers [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee "Anj Gee Novels" Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like my page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Urban
Not enough ratings
50 Chs

He asked me out

LATER that day ay nakita ko si Kyle sa cafeteria kasama ang mga kaibigan nito sa usual spot nila. Nang lumingon siya sa gawi agad siyang ngumiti at lumapit sa akin. Natanaw ko pa sila Bryan at Ethan na kumaway sa gawi ko. Gumanti rin ako kaway sa kanila.

"Hey," Kyle shyly smiled at me.

Haist, ito na naman ang mga makukulit na alaga kong paru-paru sa sikmura. Nagsisimula na naman silang maglikot.

"Hey."

Ilang segundo pa kaming nagkatinginan habang nag-ngingitian. Kyle looks so adorable everytime he blush.

"Nakalabas ka na pala ng hospital, good for you."

"Yeah, the doctor allowed me to go home, I'm feeling better, salamat ulit sa pagbisita mo sa akin last time. It really helped with my recovery."

"Naku, wala yun, masaya ako na okay ka na."

Saglit na katahimikan ulit ang namagitan sa amin dalawa. Pareho kaming nagkakahiyaan and I'm trying my best na itago ang kilig na gusto nang sumabog na parang mga fireworks.

"Uhm, by the way, are you free this Saturday?"

"Huh? W-wala naman, bakit?"

Nagkamot si Kyle sa likod ng ulo habang nakapamulsa naman ang isa niyang kamay. Bahagya siyang nakayuko at hindi mapakali.

"Well, there's a good movie coming out in cinema, maybe you would like to watch it… with me?" He asked with a boyish smile. Namumula pa ang pisngi niya at parang isang cute na puppy ang mga mata.

Napalunok ako sa kaba, "M-movie?"

OMG! Is he asking me out on a date?!

"A-ah.. s-sige."

"Talaga? Great! I'll pick you up at 5pm?" lumaki ng husto ang ngiti niya at pakiramdam ko tuluyang sumabog ang mga fireworks sa paligid namin.

Wala akong ibang nasagot kundi pagtungo dahil tila nag-hang pa ang utak ko at hindi gumaga ng maayos. Tila ba pinasok ng virus ang processor ng sistema ko at nagma-malfunction ito.

Ngumiti ulit si Kyle bago siya nag-wave at sinabing, "See you," saka ito naglakad takbo pabalik sa mga kabarkada niya sa lamesa. Natanaw ko pang tinutukso ni Bryan at Ethan si Kyle na sinabayan nang pangunguntyaw ng iba pang lalaki sa table.

Tulala pa rin ako nang umupo ako sa table namin nila Sam at Erin. Winave-wave ni Sam ang kamay niya sa harapan ng mukha ko.

"Huy, Apple? Okay ka lang?"

"Pst, sinu yung cutie na yun? Anu ang pinag-usapan niyo?" usisa naman ni Erin.

"Ah… eh… si Kyle, medtech student. Inaya niya akong manood ng movie this weekend," wala pa rin sa sariling sagot ko.

Eksaheradang napasinghap ang dalawa, "O to the M to the G! Seriously? He asked you out?" impit na tumili si Sam.

Napatungo-tungo lang ako. Tahimik na nagtitili ang dalawa na tila mga bulateng sinabuyan ng asin habang panay ang bungisngisan at sulyap sa table nila Kyle.

"In fairness, Apple, he's cute, mukha siyang Korean oppa!" di maalis ang ngiti sa labi ni Sam.

"He's looking at you," bulong ni Erin.

Doon ako natauhan at lumingon sa gawi ng table nila Kyle. Nakita ko siyang nakatingin at kumaway ulit sa akin.

Tug.tug! Tug.tug! Tug.tug!

Shit na malagkit! Mukhang kailangan ko na atang mag-reboot dahil sinira na ng virus ang buong isipan ko.

***

Meanwhile, sa kabilang dulo ng caferia, tahimik na nakatayo si Levi habang nakasuot ng itim na cap at nakasandal sa pader. Madilim ang tingin niya kay Kyle at naninigas ang mga bagang. Nagkuyom ang dalawang kamao niya upang pigilan ang damdamin.

Alam niyang hindi siya dapat nakakaramdam ng ganito dahil isa lang si Apple sa daan-daang libong tao na kailangan niyang mabigyan ng serbisyo bilang Sex Demon.

He never cared about humans, basta ma-hit niya ang monthly quota na binibigay ng kumpanya nila, ang SEX Incorporation, ay masaya na siya bilang TOP at leading agent. But there's something wrong with him this past few days and it badly affects his job.

Three days ago….

"Levi! Anu ang nangyayari sa'yo? Bakit ang baba ng statistic ng sales mo this week? You used to de-virgnize 666,666 humans in a seven days, bakit ngayon zero ka?" galit na singhal ng kanilang BIG BOSS.

Kampanteng nakaupo sa couch si Levi sa gitna ng personal office ng amo nila.

"Sorry Big Boss, medyo, nagkaroon lang ng konting aberya."

"What?!" nag-echo sa buong opisina ang sigaw nito, "Anung aberya ang pinagsasabi mo? This is not the kind of performance I expected you to provide me! Ayusin mo ang sarili mo Levi, sasayangin mo ba lahat ng paghihirap mo para makuha ang TOP rank dito sa kumpanya dahil sa isang maliit na aberya? That is bullshit!"

Literal na umuusok ang malaking butas ng ilong ng kanilang Boss.

Napakamot lang si Levi habang pinagmamasdan ito na parang kumukulong electric kettle. Pabalik-balik si Big Boss nang lakad habang panay ang dakdak sa kanya na tila pwet ng manok ang bibig.

"ASDFGHJKL!!! LKJHGFFDSA! QWERTYUIOP!!!" iyon lang naririnig niya.

Nakasuot ito ng ternong pulang suit and slack. Puti ang buhok, nakasuot ng black shades, puro gold ang ngipin nito sa ibabaw at may nakaipit na tabako sa bibig.

"Promise Big Boss, bawi ako next week."

"Siguraduhin mo lang Levi, don't dissapoint me again."

Levi, anu yan?!

Hehehe! You will know more details about SEX Inc. on the following chapters :)

AnjGeecreators' thoughts