webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 94

Maya-maya pa ay napatigil sa kakaisip ang batang lalaking si Li Xiaolong nang magsalitang muli ang magandang babaeng nasa harapan niya mismo ilang dipa lamang ang layo nito.

"Alam ko na iyon bata. Para sabihin ko sayong maski ang Tang Empire ay may malaking sigalot na kinakaharap araw-araw. Isa lamang ang Tang Empire sa napakaraming Imperyo noon. Masasabi kong ang lugar niyong ito ay napasasakop sa isang Emperyo ngunit masasabing isang insignificant place lamang ito kaya siguro ganon na lamang na walang kaalam-alam ang maliliit na angkan o ang mismong mga malalaking angkan na sakop ng kahariang ito dahil na rin sa pinabayaan talaga ang lugar na ito. Ngunit sa kasalukuyan mong lakas ay isa ka lamang insekto rito na hindi mapapansin ng kaharian kung hindi ka gagawa ng anumang bagay na ikalalantad ng pinakatatago mong sikreto na isa kang Xiantian Realm Expert sa edad mong anim. Ngunit tingin ko ay nasa seryoso kayong problema sapagkat humina na talaga ang kabuuang lakas ng Green Valley na sinasabing kinaroroonan ng angkan niyong mga Li at ng iba pang mga angkan ngunitang kalaban niyo ay hindi pa nailalantad ang sarili nito. Sa oras na gagawa sila ng hakbang ay siguradong mas malala pa. Hindi tanga ang mga ito na hayaan na mabigo ang plano nila. Gagawa at gagawa sila ng paraan upang puksain ang Clan Chief o baka kayo na mismong mamamayan ang puntiryahin ng mga ito. Sa oras na mangyari ang bagay na iyon ay kahit magtawag ka pa ng tulong mula sa labas ay hindi na kayo makakaligtas sa delubyong sasapitin niyo." Seryosong sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong na makikitaan ng puno ng lungkot at habag sa tono ng pananalita nito.

"Huh?! Hindi maaari iyon. Isang malaking insidente ito, paanong aatakeng muli ang mga iyon kung kalat na ang balitang ito?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila hindi ito naniniwala sa sinasabi ng magandang babaeng nasa harapan niya. Imposibleng mangyari iyon dahil hindi lamang sa Green Valley ito nakarating kundi sa iba pang angkan.

Pagak namang napatawa ang magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong.

Hahahaha... Do you think papansinin kayo ng Sky Flame Kingdom? Alalahanin mong sinabi mo na may sigalot sa pagitan ng angkan niyo ng mga Li at ng mismong kaharian ng Sky Flame Kingdom. Do you think na tutulungan nila kayo o ng karatig-angkan niyo? Oh come on, gumising ka bata at idilat mo ang mata mo. Ito na ang pagkakataong hinihintay ng mga awtoridad ng sinasabi mong namumuno sa Sky Flame Kingdom na tuluyang puksain ang Li Clan. Kung tutuusin ay kayang-kaya nila kayong puksain kung gugustuhin nila ngunit may dahilan na sila ngayon upang burahin na kayo sa mapa ng mismong kaharian maging ang karatig-angkan niyo ay tiyak na madadamay. " Seryosong sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang mapakla pa itong napangisi na halatang pasarkastiko itong pagngisi. Malamang para sa kaniya ito, sa pagiging tanga niya sa pag-iisip na tutulungan sila ng kaharian ng Sky Flame Kingdom na siyang gusto rin silang puksain at burahin ng mga ito sa kanilang kinaroroonan.

Napabuga naman ng mainit na hangin sa bibig nito ang batang lalaking si Li Xiaolong. Tila namula siya sa hiya dahil may punto nga naman ito. Diba, sana ay pinuntahan o nagpadala man lang ng kahit anumang tulong ang mga awtoridad na namumuno sa Sky Flame Kingdom sa sinasakupan nilang apektado dito sa kanilang lugar na tinatawag na Green Valley pero sa loob ng Tatlong buwan ay maski isa man lang sa mga ito o mga galamay ng mga ito ay hindi naghatid ng anumang tulong. Sining niloko niya? Sarili niya. Parang animo'y sinampal sa kaniya ng magandang babaeng ito ang katotohanan na wala na talagang tulong na aasahan sa mismong kahariang ito.

Biglang gumuhit ang ibayong pangamba sa mukha ng batang lalaking si Li Xiaolong nang umalingawngaw sa isipan nito ang huling sinabi ng magandang babaeng nasa harapan niya mismong matamang nakatingin pa rin sa kaniya.

"Totoo ba ang sinabi mong tuluyang mapupuksa ang angkang aking kinabibilangan sa hinaharap? Kung gayon ay kahit na manlaban o maghanap kami ng tulong ay mamamatay pa rin kami?! G-ganon b-ba?!" Tanong ng batang lalaking si Li Xiaolong na hindi nito mapigilang mapiyok sa dulo kahit na pinilit niyang magsalita ng maayos. Tila makikita ang pagguhit ng sakit sa kaniyang sariling pagmumukha habang nakatingin sa magandang babaeng nasa harapan niya.

"Malamang sa malamang ay oo. Ano pa nga ba ang aasahan mo hindi ba? Tila nakaguhit na sa kapalaran ang nalalapit na kamatayan sa Green Valley. Tingin mo ba ay makakaligtas kayo? Kung ako sa'yo ay magbalot-balot ka na at lisanin ang lugar na ito dahil wala ka ng maaasahan sa walang hiyang kaharian na kinabibilangan niyo." Mapait na sambit ng magandang babae habang nakatingin sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong. Makikitang puno ng pangamba at pagkatakot ang nakapaskil sa mukha ng batang ito.

Bahagyang napaiwas ng tingin ang magandang babae sa batang lalaking si Li Xiaolong dahil tila ba masasabi niyang habang tinitingnan niya ito ay nakakaramdam siya ng guilt.

Isang natural na bagay lamang ito. Ang pagkawasak o pagkabura ng mga maliliit na angkan? Normal lamang para sa kaniya ang mga pangyayaring ito, kasama ito sa natural na sistema ng mundong ito. Mataas na background? Wala iyan sa absolute suppression na mangyayari sa kalagayan ng Li Clan sa kasalukuyan at ng buong Green Valley dahil hindi pa tukoy ang totoong salarin ng mga masasamang pangyayari sa siansabi ng bata na angkang kinabibilangan nito. Anong laban nito sa kaharian na tinatawag na Sky Flame Kingdom? Wala, kahit na Xiantian Realm Expert ang batang si Li Xiaolong ay tingin niya ay walang kwenta ito sa mata ng mga halang na kaluluwa at masasamang nilalang na gustong puksain ang buong Li Clan kasama na rito ang mga batang henerasyon. This time, sigurado na siyang ang mga nilalang na kumakaaway saangkang kinabibilangan ng batang lalaking si Li Xiaolong ay hindi pangkaraniwan bagkus ay malalakas, sobrang lakas na maaaring magdulot ng total annihilation ng buong Green Valley.