webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 93

"Yun ang di ako sigurado. Alam ko namang hindi tanga ang kung sinuamang nilalang na nagpadala ng mga nilalang na iyon mula sa ibang kaharian at napakalakas ng mga ito. Sinigurado nitong walang bakas ng ebidensyang maiiwan kung sakalaing mabigo ang mga nilalang na pinadala nila upang dispatsahin ang mga Clan Chief na nakatira sa teritoryo ng Green Valley." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila hindi nito mapigilang magtaka.

"So you mean to say na malalakas na mga nilalang?  Gaano naman kalakas?!" Tila nanlaki naman ang mga mata ng magandang babaeng habang nakatingin ito sa direksyon ng batang lalaking si Li Xiaolong.

"Early Xiantian Realm Expert ang biglang sumulpot na pambihirang nilalang ngunit hindi ko alam sa ibang mga karatig-angkan namin." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakaharap pa rin ito sa magandang babaeng ilang dipa lamang ang layo mula sa kaniyang pwesto.

Ang seryosong mukha ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong ay bigla na lamang humagalpak ng tawa.

"Hahahahaha... Early Xiantian Realm Expert? Nagpapatawa ka ba batang Xiaolong, napakahina naman pala ng ipinadala nilang eksperto na Early Xiantian Realm lamang ang Cultivation Level nito.

Bigla namang napahaba ang nguso ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila may kung anong gustong sabihin ito.

"Hay naku, sinabi ko naman sa'yo Binibini na ang aming lugar at kaharian ay masasabing mabababa lamang ang attainments sa Cultivation Level lalo na sa mga lebel at kakayahan ng mga eksperto rito ay nasa Xiantian Realm Expert at Blood Warrior Realm hmmp! Ang mga Clan Chief sa Green Valley ay mga Houtian Realm Expert hanggang Early Xiantian Realm Expert lamang kaya you have no reason na maliitin ang mga kakaibang nilalang knowing na isa pa rin silang malaking banta sa aming lugar lalo na sa karatig-angkan namin." Tila naiinis ña sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa magandang babaeng nasa harapan niya. Masasabing medyo nasaktan siya sa sinabi nito. Pagtawanan ba naman na Early Xiantian Realm Expert lang daw yung dumating? Ano'ng akala niya iaang biro lamang ang kakayahahn ng isang Xiantian Realm Expert? Kahit sabihing Early Xiantian Realm Expert ang mga ito ngunit ang mga Clan Chief at mga Elders ng mga karatig-angkan angkan nila ay nasa Houtian Realm lamang pababa ang Cultivation Level ng mga ito. Samakatuwid, ang paglitaw ng isang Xiantian Realm Expert sa katulad nilang mga lugar o teritoryo ay isang malaking banta sa pagkawasak ng kanilang lugar. Kumbaga, isang land lord sila at maituturing na banta sa seguridad ng mga naninirahan sa lugar na sinasakupan ng Clan Chief.

Tila napatigil naman sa kakatawa ang magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong nang magsalita ang nasabing bata. Napalitan ang ekspresyon ng mukha ng magandang babae sa pagiging seryoso at biglang gumuhit ang guilt sa pares ng mga mata nito.

"Pasensya ka na batang Xiaolong. Nakalimutan ko naman kasing mababa lamang pala ang Cultivation Level ng angkan niyo at ng mga Kaharian niyong ito. Sigurado ka bang hanggang Blood Warrior Realm lamang ang nasa lugar niyo? Isipin mo, kahit napakadaming Blood Warrior Realm Expert pero they cannot dispatch o magpadala ng napakaraming Early Xiantian Realm Expert sa Green Valley na hindi nalalaman man lang? Ipagpalagay na napakaraming Blood Warrior Realm? Sinabi mong hindi naman gaanong kalakas ang Sky Flame Kingdom pero imposible talaga. Aside from Green Valley ay marami namang lugar na pwedeng galawin ng mga kakaibang nilalang rito diba?!" Sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakahawal muli sa baba nito. Okay isipin mo to, napakaraming Blood Warrior Realm Expert tapos madaming Early Xiantian Realm Expert ang ipinadala nila rito pero mapapansin kaagad ito ng mga niallang na naririto hindi ba?! Unless ay saulado nial ang lugar ng teritoryong gusto nilang lusubin.

"You mean to say ay hindi ang Sky Flame Kingdom ang may pakana nito, ganon ba?! Pero paanong nangyari iyon?!" Seryosong Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila hindi nito maipagkakailang naguguluhan siya sa mga pangyayaring ito na pilit na pinagtatagpi-tagpi. Kahit ano'ng pag-iisip ang gawin niya ay tila wala siyang makonekta sa bawat pangyayaring ito.

"Hay naku batang Xiaolong, hindi ko naman sinasabi na ang Sky Flame Kingdom o hindi ang kalaban niyo sa likod ng nasabing insidenteng ito pero may kutob akong hindi maganda ang intensyon nito bagkus ay gusto niyang sirain ang natural na sistema ng mga angkan na naririto. Biruin mo, hindi lang kayong mga nasa angkan ng mga Li ang apektado rito bagkus ay mga karatig-angkan niyo. So I can say na hindi lang kayo ang pangunahing target ng mga nilalang sa likod na ito kundi lahat ng nasa teritoryo ng Green Valley." Seryosong sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakaharap ito sa kaniya. Masasabing hindi maaaring baliwalain ang kaniyang sinasabi dahil ito ang pinakaclose na possibility na maaaring mangyari.

Tila napasinghap ng malakas ang batang lalaking si Li Xiaolong habang naglalakihan ang itim na pares ng mga mata nito.

Maya-maya ay inisip niya nga ang sinabing ito ng magandang babaeng nasa harapan niya mismo na matamang nakatingin sa kaniya.

"May punto ka nga sa iyong sinasabi binibini. Talagang ang nilalang na nasa likod ng pangyayarinh ito ay hindi magdudulot o maghahatid ng mabuti sa buong lugar o teritoryo ng Green Valley lalo na at masasabi kong hindi lamang simpleng insidente ito lalo pa't mas nagiging mahina ang buong pwersa ng Green Valley dahil sa karamihan sa mga Clan Chief ng mga karatig-angkan namin ay napaslang ng mga ito." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakatingin sa direksyon ng magandang babaeng matamang nakatingin pa rin sa kaniyang gawi. Makikita ang kaniyang matang puno ng habag at kalungkutan. Masasabing labis ang kaniyang kalungkutan sa bawat salitang binibitawan nito sa huling mga pangungusap nito.

Sabihin na nating normal lang ang mapaslang sa mundong ito ngunit iyon ay sa mga normal na Cultivator lamang o walang mahalagang tungkulin sa lipunan. Paano na lamang kung mamamatay ang isang Clan Chief ng isang angkan? O mga mahahalagang mga tao? Sila ay masasabing importanteng mga tao sa lipunan at masasabing malaki ang magiging epekto nito sa mga mamamayan nakasakop sa proteksyon nito. Paano na ang mga nasasakupan nito kung wala na ang Clan Chief? Nangangahulugan lamang na wala na silang protektor, walang lider at walang pundasyon na magtutulak sa kanila na bumangon para sa kanilang sariling buhay.  Masakit mang isipin ngunit sira na ang kanilang kinabukasan lalo na ang kaniyang pamilya kung sakaling may lumusob o sumakop sa kanilang saeiling mga angkan ay magiging mahirap ito sa kanila. Wala silang maaaring maging laban kung sakalaing alipinin sila o gawing trabahador ng ibang mga angkan o nilalang na sumakop sa kanila.