webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 83

...

Bahagyang nagmulat ng kaniyang sariling pares na mga mata ang batang si Li Xiaolong. Kapansin-pansin tila humikab pa ang batang si Li Xiaolong na tandang kakagising niya lamang?

Tila hindi pa natatapos sa paghikab ang batang si Li Xiaolong dahil bahagya pang nakabuka ang bibig nito nang mapansin niyang nakahiga pala siya sa malamig na bagay na tila hindi niya madistinguish ito kung bakal ba ito o semento o kung ano mang gawa sa materyales na ito.

Nanlaki na lamang ang pares ng mga mata ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang sariling tila naaninag niyang tila may kalakasan ang hangin at nang makita niyang tila may mga nakalutang na malalaking bagay na tila tipak ng mga lupa ay hindi niya mapigilang tuluyang magising ang kaniyang diwa.

Dahil sa inisyal na reaksyon ng kaniyang sariling katawan ay napatayo siya bigla.

"Nasaan ako?! Bakit tila nasa isa akong hindi pamilyar na lugar?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong nang mapansin niyang tila wala sa bokabularyo niya kung saang lupalop siya nakarating ngayon. Bakas sa mukhha niya ang labis na emosyon na pinaghalong gulat at pangamba. Labis na gulat dahil sa hindi niya alam kung nasaan siya at labis na pangamba dahil sa kung saang lugar na siya napadpad eh bagong gising lang siya.

Agad na pinakalma ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang sariling isipan maging ang kaniyang kabuuang estado ngunit kahit anong gawin niya ay tila nati-tense pa rin talaga siya.

Agaad na napahawak ang kaliwang kamay ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang baba habang tila malalim ang kaniyang sariling iniisip.

"Ano kaya ang nangyari bago ako napunta sa lugar na ito? Sa pagkakaalaala ko ay nasa Cultivation Area lamang ako sa loob ng aming angkan tapos ay nagcu-cultivate lamang ako ng maayos tsaka binigay sakin ni ama ang pinakainiingatang heirloom ng pamilya niya sa akin. Pagkatapos nun ay ----" sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang tila inaalala niya ang bawat detalyeng nangyari sa araw na ito yung tipong hindi niya batid kung ano talaga ang nangyari.

Nag-isip pa siya ng nag-isip yung tila pilit niyang inaalala ang lahat. Bakas din kasi sa kaniyang sarili na mayroong nangyari aside from what he just recall.

Maya-maya pa ay nagliwanag ang mukha ng batang si Li Xiaolong tandang mayroong kung ano'ng ideyang pumasok sa utak nito.

"Naalala ko na, pinag-aralan at pinakialaman ko pala ang kakaibang scroll na iyon na mula sa aking ama. Nilagyan ko ng sariling dugo ko at ipinatak sa antigong mga letrang tila nakaukit mismo sa nasabing scroll na iyon kaya ngayon ay nandito ako hahahaha..." Sambit ng batang si Li Xiaolong nang malakas habang tila awkward pa itong napatawa na tila paiba-iba ang tono ng pagkakatawa niya.

Tila parang tanga namang napahinto ang batang si Li Xiaolong nang mapansin niyang mayroong kung anong boses siyang narinig na di niya alam kung saan galing.

"Mabuti naman at gising ka na batang nilalang... Akala ko ay hindi ka na magigising!" Sambit ng misteryosong nilalang habang bakas sa tono ng pananalita nito ang pang-aasar. Malumanay ang tono ng boses nito at may pagkamahinhin.

Nang marinig ng batang si Li Xiaolong ang tono ng pananalita o boses ng misteryosong nilalang ay masasabi niyang isa itong boses galing sa babaeng nilalang.

"Babaeng nilalang pala ang naririto pero bakit hindi siya nagpapakita sa akin?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang nang ma-distinguish niya ang kasarian ng nasabing boses na nagsalita kani-kanina lamang sa kaniya.

"Oo babae ako bata. May problema ka ba dun?!" Sambit ng boses ng tila babaeng nilalang. Mayroong pagkaasar sa tono ng boses nito.

"Ehehe... Mind-reader ka po ba?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong nang mapansin niyang tila nababasa ng misteryosong babaeng nilalang na ito ang kaniyang iniisip o sariling kaisipan niya. Makikita sa tono ng pananalita nito ang labis na pagkamangha maging ang pamumuo ng agam-agam.

"Kung mind-reader ang misteryosong babaeng nilalang na ito ay mapanganib siyang nilalang. Kung ganon ay wala akong maitatago sa kaniyang kahit ano. Bakit ba naman ang malas-malas ko hayst." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang tila hindi niya mapigilang makaramdam ng labis na intimidasyon at lack of privacy.

"Hay nakong bata. As if naman na mind reader ako. Do you think may kakayahan akong ganon?!" Sambit ng misteryosong babaeng nilalang habang umalingawngaw pa ito sa buong kapaligiran dito. Tila ba hindi mababakasan ang tono ng pananalita nito ng pagka-arogante bagkus ay bakas sa tono ng pananalita nito ang helplessness. Kung bakit ganon ay walang nakakaalam maging ang batang si Li Xiaolong ay takang-taka.

"Huh?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang nangunot ang noo nito sa labis na pagtataka.

"Ano bang ibig sabihin ng misteryosong babaeng nilalang na ito. Hindi ko siya maintindihan." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang tila pinipigilan niyang magsalita ng kung ano-ano sa misteryosong nilalang na tinig niya lamang ang kaniyang naririnig.

Maya-maya pa ay mabilis na may namuong enerhiya sa ere na siyang itaas na bahagi ng lugar ito. Nakatingalang nakatingin ang batang si Li Xiaolong habang nangyayari ito.

BIZZZZZZZ!!!!!!

Tila nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag ang biglang lumaganap sa buong paligid na siyang napatakip ng pares ng mata ang batang si Li Xiaolong habang nakapikit ito.

Nang tila umalpas na at tuluyang nawala ang nakakasilaw na liwanag ay mabilis na tinanggal ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang sariling kamay na tumakip sa misteryosong nakakasilaw na liwanag na namuo kanina.

Unti-unting nagmulat ng kaniyang sariling pares na mata ang batang si Li Xiaolong.

Tila napalunok naman ng hindi inaasahan ang batang si Li Xiaolong dahil sa kaniyang nakita.

Isang nakalutang na pigura ng isang hindi pa kilalang babaeng nilalang na nasa ere habang matamang nakatingin sa kaniya.

Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung ang kaharap niya ay isang magandang babaeng halos kaedad at kasingganda ng kaniyang sariling Ate Li Jianxin.

Kaibahan nga lang dahil ang babaeng nasa kaniyang harapan na siyang nakatingala siya ay mayroong kakaibang enerhiyang nakapalibot sa kaniya at nakaramdam siya ng kakaibang lakas na nakatago rito. Isa na siyang Xiantian Realm Expert kaya sensitbo siya sa anumang enerhiya. Pansin niyang wala ring nakabaon na Bloody Gem Crystal sa kaliwang kamay niya na nagsusupress o nagsisilbing restrictions sa kaniyang lakas.

Magkaganon man ay sa tingin ng batang si Li Xiaolong ay hindi naman naglalabas ng anumang killing intent ang misteryosong babaeng nilalang na inoobserbahan din siya. Mula sa napakagandang kasuotan nito at tila kung sinong makakakita ay galing ito sa napakarangyang pamilya. Ngunit alam ng batang si Li Xiaolong na ang lugar na ito ay hindi niya sakop maging ang kaniyang sarili ay walang kaalam-kaalam Kung anong mystical occurence ang nangyari at kung paano siya napadpad sa pambihirang lugar na ito na hindi niya pa napupuntahan kahit kailanman.

Dedicated to rokawa21

jilib480creators' thoughts