webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 82

...

Agad na hinablot ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang bagong pagmamay-aring kakaibang scroll at agad siyang pumunta dala-dala ito papunta sa kinaroroonang lugar ng Asura Art of Divinity Cultivation Manuals kung saan ay masasabing tila nakita niya ang mga simbolong ito.

Nang makalapit na ang batang si Li Xiaolong sa kinaroroonan ng kaniyang sariling libro na Asura Art of Divinity na isang pambihirang Cultivation Manual o libro ay agad niyang inilatag ang kaniyang sariling bagong pagmamay-aring kakaibang scroll.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang batang si Li Xiaolong kung saan ay mabilis niyang kinontrol ang kaniyang enerhiya at mabilis na binuksan ang mga nasabing pahina ng libro.

Nakita ng batang si Li Xiaolong na siyam na kakaibang simbolo ang tila nakita niya mula sa letra habang mayroong walong simbolong nasa gitna ng nasabing siyang letra na kung saan ay tila nagkaroon ng faint glow ang nasabing walong letra. Masyadong kakaiba ito at masasabing tila ramdam ng batang si Li Xiaolong na tila mayroong pamilyar na enerhiyang nagmumula rito.

Ilang oras ang ginugol ng batang si Li Xiaolong upang pag-aralan ang nasabing kakaibang mga simbolong itong tila labis na kuryusidad ang kaniyang nararamdaman niya rito. Hindi man sabihin ng batang si Li Xiaolong ngunit halata sa kaniyang sarili na gustong-gusto niyang tuklasin ito sa madaling panahon.

...

Habang abala ang batang si Li Xiaolong ay masasabing maggagabi na at nandirito pa siya sa nasabing malawak na kaparangan kung saan ay nagsilbing Cultivation Area niya maging ng kaniyang sariling mga magulang. Hindi niya nararamdaman ang labas na pangyayari dahil sa ang atensyon niya ay nasa kaniyang ginagawa.

Hindi rin siya inaabala ng kaniyang sariling ina dahil sa isa na nga siyang Xiantian Realm Expert at hindi niya na kailangan pang kumain ng pagkain ng mortal. Gamit ang sariling pag-absorb ng Heaven and Qi na nasa paligid maging ng pag-absorb ng enerhiya mula sa Blood Gem Crystals ay isa na itong malaking pagpapala. Liban sa kaalaman ng mga magulang niya ay mga High Grade Blood Gem Crystals o mataas na mga kalidad ng nasabing miniminang Blood Gem Crystals mula sa Blood Gem Crystal Mine ang kaniyang namimina at ginagamit sa kaniyang sariling Cultivation practices.

...

B-L-O-O-D P-A-C-T   X-I-A-N-T-I-A-N

Tila bawat letra ay sinasabi ng batang si Li Xiaolong at inaalala niya ito. Mabuti na lamang at ilang buwan rin siyang pinag-aaralan ito at masasabi niyang halos na-master niya na ang mga paunang pahina ng nasabing libro lalo na ang nakapaloob rito. Hindi maaaring magkamali siya rito at isa pa ay matalas ang kaniyang comprehension bilang Xiantian Realm Expert  na nasa Early Stage pa lamang.

"Blood Pact Xiantian? Ano'ng ibig sabihin nito?" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang tila nag-iisip ito ng maaaring tinutukoy ng nasabing salitang ito na tila nakaukit mismo sa nasabing papel, kakaiba ngunit ano naman ang maaaring ibig sabihin nito. Ito ang malaking katanungan na gustong malaman ng batang si Li Xiaolong patungkol sa bagay na ito.

Pinag-isipang mabuti ng batang si Li Xiaolong ang nasabing salita intriguing kasi ito at tila ang word na Blood Pact ay tila nangangahulugan na isang Bond habang ang Xiantian ay (inborn or innate) pinanganak o likas na yung tipong hindi mo aakalaing ginawa lamang na artipisyal.

"Kung hindi ako nagkakamali ay isa lamang ang ibig sabihin nito, blood bond mula sa isang Xiantian Realm Expert." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang pinagtagpi-tagpi ang mga salitang ibig sabihin nito. Wala kasi siyang iba pang maisip na maganda kundi ganito lamang.

Gamit ang sariling kuko ng batang si Li Xiaolong ay mabilis niyang sinugatan nag dulo ng hintuturong daliri niya kung saan ay mabilis na lumabas rito ang sariwang dugo niya. Agad niya itong ipinatak papunta sa nasabing mga letra lalo na sa bandang gitnang mga letra kung saan nakasulat ang X-I-A-N-T-I-A-N na mga nakasulat pa sa Ancient Letters.

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima

Anim

Pito

Walo ....

Hanggang sa lumipas ang sampong segundo na ang nakalipas ngunit tila walang naramdamang kakaiba ang batang si Li Xiaolong habang tila tiningnan niyang maigi ang nasabing kakaibang scroll na may pambihirang concealing type na Martial Arts Technique.

"Hay nako, naloko ata ako ng scroll na ito. Hayst!" Dismayadong sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang tila nagkamali siya ng inaakala. Yung inaakala niya kasing kakaibang scroll ay it turns out na hanggang dito lang pala ang silbi nito. Kahit magkagayon man ay nagpapasalamat pa rin ang batang si Li Xiaolong.

Dahil sa pagkawala ng gana ng batang si Li Xiaolong ay yung tipong nabitawan niya na ito at tumalikod na ito ay unti-unti na palang nagkakaroon ng pag-ilaw ng nasabing labimpitong letra sa nasabing scroll at makikita ang tila paggalaw ng mga letra at unti-unting namuo ang isang tila blackhole  rito.

Lalakad na sana ang batang si Li Xiaolong nang mapansin niyang tila pakiramdam niya ay gumagalaw ang lahat ng bagay na nakikita niya.

"Lumillindol ba? Ano'ng nangyayari sa akin bakit pakiramdam ko ay umiikot ang lugar dito? Ano'ng nangyayari.... Hindiiiiii!!!!!!!!!!!!" Nahintatakutang sambit ng batang si Li Xiaolong ng malakas kung saan ay napansin niyang tila mayroong nakakakilabot na pangyayari sa lugar na ito na hindi niya alam ito.

"Sana ay di ko na lamang ginalaw ang scroll at pag-eksperimentuhan  huhu..." Tanging nasambit ng batang si Li Xiaolong matapos niyang maramdamang tila may malakas na pwersang humila sa kaniyang bago magdilim ang kaniyang paningin.

Lingid sa kaalaman ng batang si Li Xiaolong ay hindi ang kaniyang paligid ang umiikot maging ang sinasabi nitong tila paggalaw ng bagay ay walang basehan o katotohanan sapagkat hindi niya naramdaman na minanipula ng kakaibang suction force ng mga tila letrang nakalagay sa nasabing scroll ang may kagagawan nito. Hindi nito napansin na tila hinila siya ng kakaiba ngunit napakalakas na pwersang dulot ng kakaibang bagay mula rito at mabilis siyang hinila papasok sa isang lugar na hindi pa tukoy kung ano o saan ito patutungo.

Makakaligtas kaya ang batang si Li Xiaolong? O mayroong panganib ang naghihintay sa kaniya.

...

Tila sa labas ng nasabing katawan ng batang si Li Xiaolong ay kapansin-pansin na tila wala itong buhay ang batang si Li Xiaolong. Mahina ang maririnig mong tibok ng puso nito at kapansin-pansin na tila nag-die down ang nasabing Bloody Gem Crystal na nakabaon sa kamay ng batang si Li Xiaolong. Ang enerhiyang tila napakaraming pumapasok sa katawan ng batang si Li Xiaolong ay naging tila gahibla na lamang ang pumapasok sa bawat parte ng acupoints niya sa katawan lalo na sa mismong lagusan ng enerhiya papunta sa dantian nito.

Dedicated to DaoistF6fOjD

-thanks po!

jilib480creators' thoughts