webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 78

Nabalot ng ibayong katahimikan ang buong paligid lalo na sa pagitan ng argumento ng dalawang nilalang na walang iba kundi ng batang si Li Xiaolong at ng maliit na nilalang na quoll na si Fai.

Maya-maya pa ay tinanggal na ng maliit na nilalang na quoll na si Fai ang kaniyang pagkakacross-arms at nagwika.

"Kung yan ang gusto mong mangyari ay naiintindihan ko naman iyon batang Li Xiaolong. Desisyon mo yan, katawan mo yan hindi ba kaya hahayaan kita sa gusto mong mangyari pero wag mo kong sisisihin sa desisyon mong iyan lalo na sa hinaharap. Bilang kaibigan mo ay concern ako sayo, sa inyo. Napakswerte mo sa magulang mo dahil binusog ka sa pagmamahal ng isang pamilya ngunit ang mundong ito ay napakadelikado at kahit ganon ay malay mo ay mayroong mangyaring hindi mo kontrolado, ano'ng gagawin mo ha? Di kita sinusumbatan pero dapat mayroon kang isang salita at hindi yung padalos-dalos ka lamang sa desisyon. Yun lang at sana magbago pa ang desisyon mo. Ang pananatili mo rito sa Li Clan ang siyang dahilan ng pagkawasak ng lugar na ito!" Makahulugang sambit ng maliit na nilalang na quoll na si Fai habang kaharap ang batang si Li Xiaolong na nakayuko pa rin. Tila ba hindi mabanakasan ng emosyon ang mukha nito at kalmado lamang nitong sinasabi ang mga bagay na ito.

Tila nainis naman ang batang si Li Xiaolong sa narinig nito kaya mabilis siyang napatingala. Ngayon ay bumakas muli ang inis sa pares ng mata nito.

"Ikaw na nga nagsasabi na hindi mo ko sinusumbatan ngunit sa sinasabi mo ay tila pinagbabantaan mo pa ako Fai. Hindi mo ba maaaring itikom lamang ang bunganga mo at magigjng kaibigan pa rin kita. Magkasama pa rin tayo hindi ba at magiging okay pa rin tayo." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang kaseryosohan sa tono ng pananalita nito. Kahit na ganito ang pag-uugali ngayon ng maliit niyang kaibigang nilalang na quoll na si Fai ay tatanggapin niya pa rin ito basta ba ay hindi siya nito kokontrahin.

"Pagbabanta ba ang dating ng sinabi ko batang Li Xiaolong? Hindi yun isang pagbabanta bagkus ay isa iyong babala sa maaaring bunga ng katigasan ng ulo mo. Hindi ka nararapat manatili sa Li Clan. Naintindihan mo ba ko Batang Li Xiaolong?!" Seryosong sambit ng  maliit na quoll na si Fai na tila hindi nito mapigilang makaramdam muli ng pinipigilang inis nito. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng batang si Li Xiaolong at tuluyan ng nabago ang plano o desisyon nito.

"Sa ating dalawa Fai ay ikaw ang matigas ang ulo sa atin. Pwede bang irespeto mo nalang ang desisyon ko nang hindi na tayo mag-away pa. Kalimutan nalang nating nagkasagutan tayo? Pwede ba?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang nagpipigil lamang ito ng inis dahil sa tila masasabi niyang napakatigas ng ulo ng munting nilalang na kaibigan niya na si Fai.

"Ayoko! Hindi ako makikipagbati sa'yo unless susunod ka sa dating plano mo. Nagbago ka na Xiaolong!" Sambit ng maliit na nilalang na quoll na si Fai habang makikitang hindi nito mapigilang maglabas ng inis.

"Paulit-ulit na lamang tayo dito Fai. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo ha. Ito ang nakikita kong tamang gawin. Ang makontento lamang kasama ang pamilya ko, sa susunod na lamang natin pag-uusapan ang pagbabago sa plano ko." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang tila hindi na magbabago pa ang desisyon at mga sinabi niya. Makikita ang iritasyon sa pares ng mata nito.

"Bahala ka na sa buhay mo batang Li Xiaolong. Kung sakaling magbago ang desisyon mo ay magkita na lamang tayo sa Dou City. Andun na tayo mag-uusap." Seryosong sambit ng Maliit na nilalang na quoll na si Fai habang makikita ang lungkot sa mukha nito.

Nabigla naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa sinabi ng munting kaibigan na quoll na si Fai.

"So Aalis ka Fai? Kailan? Diba sa susunod pang mga buwan ang napagkasunduan natin hindi ba?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang tila naging malumanay ang tono ng pananalita nito. May pagtataka sa tono ng pananalita nito at mahihimigan ng lungkot?!

Tila napangiti naman ng mapakla at parang napipilitan ang maliit na nilalang na quoll na si Fai.

"Malamang sa malamang ay oo dahil wala namang patutunguhan kung mananatili ako rito sa loob ng teritoryo ng Li Clan o makisiksik sa bahay niyo dahil mag-away lamang tayo hahaha... Wag kang mag-alala okay lang ako. Bakit ko pa hihintayin ang limang buwang palugit kung wala rin naman akong aasahang makakasama papunta sa malaking lugar ng Dou City. Masaya ako sa desisyon mo batang Li Xiaolong ngunot alalahanin mong hindi lang ako makapaniwala sa naging pagbabago mo sa piniling dessiyon mo, Goodluck." Sambit ng maliit na nilalang na quoll na si Fai habang makikita ang ibayong lungkot habang nakatingin ito sa batang si Li Xiaolong. Sa huli ay nagbitiw pa ito ng pilit na ngiti upang ipakitang okay siya sa piniling desisyon ng batang si Li Xiaolong.

Tila maiiyak naman ang batang si Li Xiaolong sa naging resulta ng pagtanggi niya sa nauna niyang plano at desisyon niyang pinili.

"Wag kang maawa sa kaniya Xiaolong, nasabi mo na ang desisyon mo kaya expect ka na hindi maaaring baguhin ang desisyon mo. Paano ang magulang mo at kapatid mo? Iiwan mo lamang sila?!" Sambit ng utak niya

"Panindigan mo ang desisyon mo Xiaolong, buhay mo to kaya ikaw lang ang dapat magdesisyon para sa sarili mo!" Sambit naman ng kabilang bahagi ng utak niya.

Tila mababakas na nalilito o litong-lito ang batang si Li Xiaolong.

Kitang-kita ng dalawang pares ng mata ng batang si Li Xiaolong na tumalikod na ang munting nilalang na quoll na si Fai na siyang naging tunay na kaibigan niya na hindi niya aakalaing aalis o lilisan na. Hindi maitatangging sa konting panahon lamang ay naging kaibigan niya ito at kaisa-isang kaibigan niyang grabe rin kung magcultivate o magpractice ng Cultivation skills o  moves.

"Sandali Fai..." Wala sa wisyong naisambit ng batang si Li Xiaolong nang makita nitong unti-unting naglalakad palayo ang munting nilalang na quoll na si Fai na siyang nagsisilbing kaisa-isang kaibigan niya. Pinipigilan niyang maiyak dahil para sa kaniya hindi niya naman deserve ito, wala siyang isang salita.

Napahinto naman si Fai sa paglalakad at napatingin sa gawi ng batang si Li Xiaolong at nagwika.

"Ano yun Batang Xiaolong?!" Sambit ng munting nilalang na quoll na si Fai habang tila makikita ang labis na pagtataka. Mababakas pa rin sa mukha nitong umaasang magbabago pa ang desisyon ng batang si Li Xiaolong.

"For the last, hindi na ba magbabago ang desisyon mo Fai? Hindi ba pwedeng dito ka nalang?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong nang mapapansin ang ibayong lungkot nito sa maaaring aalis o lumisang kaibigan.

Napangiti na lamang ang munting nilalang na si Fai at mabilis na nagwika.

"Sa mundong ito, hindi lahat ng desisyon mong akala mo tama ay hindi ganoon ang natural na lagay. Minsan sa buhay ay hindi tayo maaaring pumili ng dalawa sa dalawang pagpipilian, kapag pumili ka expect ka na merong mawawala at meron ding darating. Hinihiling ko na sana ay maging masaya ka sa desisyong iyong pinili. Isa pa ay mayroon akong ibang hangad sa buhay batang Xiaolong, kapag manatili lamang ako dito at hindi ginagawa ang gusto kong gawin sa buhay ay baka pagsisisihan ko pa iyon habang buhay hehe..." Sambit ng munting nilalang na quoll na si Fai habang mabilis itong tumalikod at sinuyod ang daan palabas ng teritoryo ng Li Clan.

Natuod lamang ang batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling kinatatayuan. Alam niya kasi ang desisyong gudtong tahakin ng kaniyang munting kaibigang quoll na si Fai na ngayon ay tila tanaw niya lamang ang maliit na pigura nitong naglalakad papalayo sa kaniya at abot-tanaw na lamang ng kaniyang mata lamang ay maaaring mawala anumang oras sa kaniyang paningin.