webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 77

Matapos ang araw na iyon ay patuloy lamang sa pagcucultivate at pagpapataas ng lebel ng Cultivation ang magpamilya. Masyadong naging abala ang mga ito sa buhay nila na karaniwang ginagawa nila isa pang ang pagcucultivate nil ng sabay-sabay ay nakasanayan na nila.

Kasalukuyang nagcu-cultivate ang batang si Li Xiaolong. Halos pitong oras na siyang nagcu-cultivate at nang maramdaman niysng tila naging stable na ang kaniyang sariling enerhiya sa loob ng katawan maging ang pagkaubos ng kaniyang sariling hulingsuplay na Blood Gem Crystals ay nasaid na rin.

Naka-cross sitting position ang batang si Li Xiaolong at maya-maya pa ay napamulat ito ng kaniyang sariling pares na mata. Makikitang mistulang nagulat pa ito.

"Huh?!" Bigla na lamang nasambit ng batang si Li Xiaolong nang makita niya ang kaniyang nakikita sa kaniyang harapan mismo.

Nakita niya lamang kasing prenteng nakamasid sa kaniya ang tila nakatayong quoll na si Fai sa kaniyang harapan.

"Ahemm... Kanina ka pa ba diyan Fai?! Bakit nanggugulat ka na naman ha?!" Tila may inis na sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang parang naninibago ito sa naging ugali nang nasabing quoll na si Fai.

"Hmmp! Binibigyan ko lang kayo ng personal space bata Xiaolong. Sulitin mo na bago pa mahuli ang lahat." Makahulugang sambit ng quoll na si Fai na tila mayroong gustong ipahiwatig sa sinasabi nito.

"Ano'ng ibig mong sabihin Fai? Mayroon bang problema ha? May di ka ba sinasabi sa akin?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong na tila ba makikita ang pag-aalala at pangamba sa boses nito. Wala siyang ideya kung bakit ganito lamang ang pakikitungo nito sa kanya.

Napansin kasi ng batang si Li Xiaolong na minsanan niya lamang makitang kasa-kasama nila ang nasabing quoll na si Fai na siyang kaibi-kaibigan niya lalo na kapag sabay siyang nagcu-cultivate sa mga magulang niyang sina Li Qide at Li Wenren. Tila nawawala na lamang ito bigla at bigla ring magpapakita na lamang na kung minsan ay aakalain na lamang ng batang si Li Xiaolong na may sa pagka-kabute ang kaniyang kaibigan na quoll na si Fai.

Naiisip niya rin na tila nawi-weirduhan din siya rito lalo na't sa loob ng nagdaang tatlong buwan ay biglang mawawala at biglang susulpot lamang ito out of nowhere.

Naputol ang pag-iisip ng batang si Li Xiaolong nang mabilis na nagwika ang nasabing maliit niyang kaibigan na quoll na si Fai.

"Baka nakakalimutan mo batang Li Xiaolong ang pinangako at ginawa mong plano. Nakakalimutan mo na ba o nagka-amnesia ka na ha?!" Sambit ng maliit na nilalang na quoll na si Fai na tila mababakas ang pagkainis sa tono ng pananalita nito ngunit makikitang nagpipigil lamang ito ng sobrang inis na nararamdaman nito. Napa-cross arms pa ito dahil sa labis na inis sa naging akto ng batang si Li Xiaolong na tila walang kaalam-alam sa sinabi nito.

Napayuko na lamang ang batang si Li Xiaolong dahil sa naalala niya na ang lahat ng napag-usapan nilang plano ng maliit niyang kaibigan na quoll na si Fai noong nakaraang tatlong buwan.

Isang mahabang katahimikan ang namuo sa pagitan ng dalawang nilalang na sina Li Xiaolong at ng maliit na nilalang na quoll na si Fai. Tila ba hindi makasagot ang batang si Li Xiaolong sa sinabi ng kaniyang muting kaibigang quoll na si Fai.

Sa panig ng batang si Li Xiaolong ay nag-iisip ito ng mabuti.

Bumalik sa kaniyang alaala ang kaniyang mga magulang. Mas napalapit siya sa mga ito ng husto maging ang kaniyang sariling kapatid na maliit pa ay iniisip niya rin ito.

Maya-maya pa ay nagsalita ang batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling naiisip at gustong sabihin na tumatakbo sa kaniyang isipan.

"Fai, hindi ba pwedeng baguhin ang plano at desisyon ko?!" Mahinang pagkakasabi ng batang si Li Xiaolong habang nakayuko pa rin sa kaniyang pwesto. Wala ngayon ang kaniyang sariling mga magulang na si Li Qide at ang Kaniyang sariling ina na si Li Wenren dahil may inaasakaso ito sa kabukiran at abala naman ang Kaniyang sariling ina sa kanilang bahay. Magtatanghali na kasi.

Tila hindi naman ito narinig masyado ng maliit na nilalang na quoll na si Fai.

"Ano'ng sabi mo batang Xiaolong?! Hindi ko narinig ang iyong sinabi." Sambit naman ng maliit na nilalang na quoll na si Fai. Tila mahinang bulong lamang sa sarili ang ginawa ng batang si Li Xiaolong kaya ganon na lamang na hindi niya narinig ito.

"Ang sabi ko ay gusto kong baguhin ang plano at desisyon ko." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakatingin na ito sa gawi ng maliit na nilalang na si Fai.

"Ano'ng sabi mo batang Xiaolong? Ano namang ang nakasaad sa plano at desisyon mo ang babaguhin mo? Nahihibang ka na ba? Kung kailan halos natutupad o naisasakatuparan mo na ang mga plano mo ay saka ka pa aatras at babaguhin ito?!" Sambit ng maliit na nilalang na quoll na si Fai habang bakas ang tila na-disappoint ito sa naging gawi at dating ng sinabi ng batang lalaking si Li Xiaolong.

"Unang-una sa lahat ay hindi ako nahihibang Fai. Alam mo ang ugali ko. Tsaka ano naman sa'yo kung babaguhin ko ang lahat ng mga sinabi ko o plano ko ha? Ano ba kita ha?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang hindi nito namamalayan na napataas ang tono ng boses nito. Hindi niya maintindihan ang pag-uugaling pinapakita ngayon ng maliit na nilalang na quoll na si Fai.

"Kaibigan mo  ko batang Xiaolong. Tila sa tatlong buwan lamang na nakalipas ay hindi na kita kilala pa. Nawala lang ako ng mga ilang buwan at konti lamang kita nakilala ay akala ko iba ka, may paninindigan at prinsipyong pinanghahawakan ngunit wala pala!" Sambit ng nagsasalitang maliit na nilalang na quoll na si Fai habang bakas ang sobrang disappointment na sinamahan pa ng dispappointing look na maliit na nilalang na ito.

"Hahaha... Anong alam mo maliit na daga o pusa ka ha?! Tinuring kitang kaibigan sa maliit na panahon lamang ngunit pinapakialaman mo na lamang ang mga plano at desisyon ko. Masama bang dumito na lamang ako sa Li Clan ha at kasama ko ang mga magulang ko?! Mali bang pumili ng ikasasaya ko ?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang labis ang inis nito sa sinabi ng maliit na nilalang na quoll na si Fai n itinuturing niyang tunay na kaibigan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit sinasabi niya ang mga bagay-bagay noon sa maliit na nilalang na quoll na si Fai ang mga plano niya. Litong-lito siya.

"Pero n------!" Sambit ng maliit na nilalang na quoll na si Fai ngunit mabilis siyang naputol ng nagsalitang muli ang batang si Li Xiaolong.

"Tama na Fai okay?! Walang patutunguhan ang usapang ito! Masyado mong pinapahirapan ang loob kong lumayo sa pamilya ko." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang tila nahihirapan itong magdesisyon. Kung magdedesisyon siya ay uunahin at pipiliin niya ang kaniyang sariling pamilya over anything.