webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 640

Hindi nga nagkakamali si Wong Ming ng kaniyang hinala sapagkat tanaw na tanaw niya mula sa malayo ang mga naglalakihang mga ibong nakakalat sa hindi kalayuan mula sa mga matatayog na mga puno at ang ilan sa mga ito ay naaa ibabaw ng mga naglalakihang mga batuhan at doon namumugad. Ito na ang hinahanap niya, ang lugar ng mga Red Sky Birds.

Ngayon ay tila aktuwal niyang nakita ang kakaibang uri ng magical beast na ito at masasabi niyang magaganda at matitingkad na kulay pula ang mga balahibo nito mula sa ulo nito hanggang sa mga binti ng Red Sky Birds.

Hindi agresibong nilalang ang mga ito at masasabing mount type talaga ang mga ito. Yun nga lang ay kailangan mong paamuhin ang inpng ito na siyang nais mong sakyan upang maglakbay sa malalayo lalo na sa matatayog na mga lugar.

Pasalamat lamang si Wong Ming dahil hindi na siya nakasagupa pa ng mga malalakas o di kaya ay mababangis na uri ng mga magical beast katulad ng Demon Fire Ox at iilang mahihinang mga magical beasts lamang ang nakasalubing niya kung kaya't natitiyak niyang magtatagumpay siya sa ikatlong trial na ito.

Malapit na malapit na siya sa kinaroroonan ng Red Sky Birds nang mapansing tila bumabagal ang paggalaw niya hanggang sa naistatwa na siya sa kinaroroonan niya.

Namilog ang mga mata ni Wong Ming at tila hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng kaganapan.

Agad na tiningnan ni Wong Ming ang tinatapakan niyang nag-uumpisa ng magkaroon ng kakaibang mga linya at nagliliwanag ang mga ito.

Dito lamang napagtanto ni Wong Ming na isa itong pambihirang pormasyon. Pormasyong nilagay at ginawang bitag sa mismong kinaroroonan niya upang pigilan siya.

Dahil sa pangyayaring ito ay inilibot ni Wong Ming ang kaniyang sariling paningin at doon sa hindi kalayuan mula sa itaas na parte ng kabundukang ito ay nag-aabang na pala ang sampong nilalang na siyang may gawa ng nasabing pambihirang pormasyon.

"Hindi ko aakalaing isa lamang ang naunang pumunta rito hahaha... Madali lang natin siyang nabitag."

"Sa galing ba naman ng boss natin ay siguradong kahit sino ay mabibitag sa inihanda nating malaking surpresa sa mga ito!"

"Napakahina siguro nito kung kaya't natitiyak kong madali lang nating mananakawan ang isang ito!"

"Lampa nga iyan. Sa patpating pangangatawan pa lamang natin ay siguradong isang atake pa lamang siguro natin ay mamamatay na ito hahaha!"

"Magmadali kayo, kikilan niyo na ang isang iyan nang marami tayong makolektang kayamanan mula sa mga mararangyang nilalang na sumali rito!" Ani ng himihinalang lider ni Wong Ming.

Alam niyang ang unang nagsalita ay mga alagad lamang nitong tila mga bugok ang mga utak.

"Talagang ako pa ang ninakawan ng mga ito?" Haha!" Sarkastikong turan ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan lamang.

Base sa obserbasyon niya ay mga Late Xiantian Realm hanggang Early Purple Heart Realm Experts ang mga ito kung kaya't ang lakas ng loob ng mga ito na kikilan siya. Napakaaroganteng umasta ng pinuno ng mga ito maging ng mga alagad nitong may mga saltik sa utak upang gawin ang naturang krimen na ito.

Halatang napatigil ang mga ito nang mapansing nagsalita si Wong Ming na nasa loob ng naturang pormasyon.

"Hep hep, wala akong kayamanang maaaring kunin mula sa akin. Nakikilan na ako ng mga pesting mangingikil kanina bago pa ko pumunta rito kaya wala kayong makukuha mula sa akin!" Seryosong saad ni Wong Ming habang makikitang tila wala nga itong salapi.

Nangunot naman ang noo ng lider ng grupong ito nang mapansing tila hindi ito kumbinsido sa sinabi ni Wong Ming.

Isa silang beteranong mangingikil at dahil malaking grupo sila ay sigurado siyang mayroong kakaiba sa binatang ito. Hindi lamang kasi sila mangingikil kundi mga mamamatay-tao din ang mga ito. Marami ng ekspertong napaslang nila hindi lamang noon maging sa nagdaang mga trials na ito ng Flaming Sun Guild ay marami-rami na din ngunit alam nilang hindi naman napaslang ang mga ito.

Magkagayon pa man ay nakikilan nilang ang mga ito ng malaki-laking mga salapi't kayamanan mula sa mga dala o suot nilang interspatial rings.

Sisiguraduhin din nilang mapakinabangan nila ang bawat kalahok na siyang pangunahing target nila bago ang mga itong matransport palabas ng isinasagawaan ng mga trials.

"Wala akong pakialam sa pinagsasabi mo binata. Kung wala kaming mahihita sa iyo ay pahihirapan ka namin hehehe!"

Nakaramdam naman ng kakaiba si Wong Ming sa uri ng mga tinginan ng mga ito at kung paanong mabibilis na sumusugod ang limang nilalang na ito patungo sa kaniya. Alam niyang ang limang hindi sumusugod ay nagmi-maintain ng pambihirang pormasyon kung saan ay na-trap siya.

lumitaw sa ere ang sampong Sword Needles ni Wong Ming. Gagamitin niya ang pagkakataong ito upang makatakas sa nasabing pormasyon.

Biglang nagdikit-dikit ang mga sword needles ng pabilog sa uluhan ni Wong Ming dahilan upang mabilis na tumalon paatras ng paatras si Wong Ming.

Maya-maya pa ay nakaramdam ng panganib si Wong Ming dahil ilang metro na lamang ang layo sa kaniya ng mga mangingikil na ito.

Tatlong mga miyembro ng grupong ito ang kitang-kita niyang magkaparehong nagsagawa ng pambihirang martial arts skill.

Triple Dance Kicks!

Hindi naman nagpatinag si Wong Ming sa pambihirang skills ng tatlong joint skill na ito ng mangingikil.

Core Skill: Freezing Ice Sword!

Kitang-kita naman ni Wong Ming kung paanong naging sampong Ice Sword ang sampong Sword Needles ni Wong Ming.

Tumama ang tatlong Ice Sword sa kinaroroonan ng tatlong paatakeng mga mangingikil at dito ay mapapansing bigla na lamang nabalot ng nagkakapalang mga yelo ang mga ito at bumagsak sa lupa.

Ilang segundo lamang ang nakalilipas ay bigla na lamang nawala ang mga ito. Nangangahulugan lamang na natransport ang mga ito sa labas ng Trial.

Kitang-kita ang takot sa mga mata ng anim na miyembro maging ng pinuno ng mangingikil na grupo kung saan ay paatras ang mga ito.

"Wa-wag mo kaming paslangin bin-binata. Si-sinusubukan lang namin ang galing mo sa pakikipaglaban, kung gu-gusto mo ay sayo na lamang ang mga nakuha naming mga salapi't kayamanan!" Wika ng lider ng mangingikil. Kitang-kita na nauutal pa ito habang sinasabi ang mga pangungusap na ito. Halatang gusto pa nitong makipagnegosasyon kay Wong Ming.

"Tama, hindi namin sinasadya na subukan ang lakas mo kamahalan!" Sambit ng alagad nito na sa hindi kalayuan.

"Maaari bang palampasin mo ito?!" Pagmamakaawang saad naman ng isa pang alagad nito.

Hindi naman nagpapakita ng awa si Wong Ming sa pito pang mga nilalang dahil kitang-kita ang mga takot sa mga mata nila.

Wag! Wag! Wag!

Hindi kakikitaan ng awa si Wong Ming sa mga ito dahil iyon naman ang layunin niya nang isagawa niya ang Core Skill na natutunan niya. Kinakailangan niyang tapusin ang ikatlong trial na ito na walang aberya.

Arrrghhh! Arrrghhh! Accckkkk!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong tamaan ng Ice Sword ang katawan ng pitong mga mangingikil na ito kasama na ang lider nitong kakikitaan ng pamimilog ng mga mata dahil na rin sa nalalapit nitong kamatayan kung saan ay nabalot ng nagkakapalang yelo ang mga ito at napaslang.

Napangiti na lamang si Wong Ming dahil sa pagkakataong ito ay alam niyang wala ng sagabal sa plano niya na makapasa sa trial. Ang kaniyang ginawa ay isa ding kilos upang bawasan ang maaaring maging kalaban niya sa huling trial. Isa pa ay ayaw niya sa mga mangingikil at ayaw niyang kunin ang mga bagay na galing rin sa nakaw at hindi pinaghirapan ng mga ungas na iyon.

Mabilis na tinungo ni Wong Ming ang kinaroroonan ng mga Red Sky Birds at agad na pumili ng isa sa mga ito upang sakyan.

Mabilis na lumipad si Wong Ming patungo sa himpapawid sakay-sakay ng Red Sky Bird. Namangha naman si Wong Ming sa mga nagkakapalang mga ulap at tanawing napakahalina hanggang sa mayroong malaking portal ang pinasukan niya at nawala sa lugar na ito.