webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 639

WARNING! WARNING! WARNING!

Read at your own risk! Gore Scenes ahead!

.......

Halos triple na ang laki ng Demon Fire Ox kung kaya't natitiyak ni Wong Ming na lumakas pa lalo ang nasabing halimaw na ito.

Sino'ng mag-aakalang makakaharap ito ni Wong Ming.

Nagsimula ng umatake ang Demon Fire Ox sa pamamagitan ng pag-iipon nito ng apoy sa mismong dambuhalang bunganga nito patungo sa kinaroroonan ni Wong Ming.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ibinato ng sunod-sunod ng Demon Fire Ox ang mga apoy mula sa bunganga nito.

Malalaki na ang hugis bilog na mga fireballs na nagagawa ng Demon Fire Ox kung kaya't natitiyak ni Wong Ming na hindi magiging madali ang sagupaan na ito sa pagitan niya at ng Third Grade Magical Beast na ito.

BANG! BANG! BANG!

Sunod-sunod na mga pagsabog ang naganap kung saan ay maayos namang naiwasan ito ni Wong Ming. Alam niya kasing hindi imposibleng maiwasan niya ito.

Malalaki man ang mga bilog na apoy na siyang atake ng mismong Demon Fire Ox ay kampante naman si Wong Ming na hindi ito tatama sa kaniya ng mabilis.

Naramdaman naman ni Wong Ming na tila nagkaroon ng disturbances sa kapaligiran nila dahil sa malalakas na atake ng Demon Fire Ox.

GROO! GROO! GROO!

Unti-unting gumalaw ang mga batong kanina lamang ay hindi gumagalaw sa paligid pero ngayon ay mukhang imposibleng hindi gagalaw.

Nanlaki naman ang mga mata ni Wong Ming. Iba't-ibang mga hugis at laki ng mga batong gumugulong at ang iba ay alam ni Wong Ming na hindi lamang siya mapipinsala kundi makakamatay pa dahil sigurado siyang kung tatama sa kaniya ang naglalakihang klase ng mga bato ay siguradong pisa siya.

Mukhang sanay na sanay na ang Demon Fire Ox sa ganitong klaseng sitwasyon kung kaya't mas kinabahan pa siya.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Umaatake at lumalapit sa kaniya ang dambuhalang Demon Fire Ox habang lumilipat ito ng direksyon.

Sigurado kasi siyang nagbabalak na ang halimaw na ito upang silain siya.

Agad na inilabas ni Wong Ming ang isang mahabang sword needles na siyang pangunahing sandata niya.

Unti-unting nahati ang mahabang sword needles sa sampong bahagi na pumalibot sa mismong balikat at uluhan nito.

Walang nagawa si Wong Ming kung hindi ang lumutang sa ere upang hindi maapektuhan ng gumugulong na mga bato. Kung lalabanan niya ang Demon Fire Ox sa kalupaan na ganito pa kagulo ng kapaligiran ay siguradong matatalo siya.

Gamit ang isipan lamang ni Wong Ming ay kinontrol niya ang sampong mga sword needles.

Unti-unting pumulupot ang mga sword needles sa kamay ni Wong Ming at pinabulusok ito sa kinaroroonan ng Demon Fire Ox.

BANG! BANG! BANG!

Sumabog ng napakalakas ang mga sword needles nang tumama ang mga ito sa kalupaan.

Hindi sumuko si Wong Ming at mayroon pang tatlong sword needles ang natira matapos sumbog ng pitong sword needles sa lupa at pagkatama ng mga batong gumugulong sa lupa.

TAH!!!

Isang sword needle niya ang dumaplis sa katawan ng Demon Fire Ox kung saan ay napangiti siya.

Shrriiiieeekkkkk!

Umatungal ng malakas ang Demon Fire Ox kung saan ay kitang-kita ang sakit sa mga mata nito.

Kitang-kita niya kung paanong nahiwa ang balat ng dambuhalang halimaw at sumirit ang masaganang dugo rito.

Biglang nagpaulan ng napakaraming mga bolang apoy sa kinaroroonan ni Wong Ming ang Demon Fire Ox dahilan upang mabilis na gumawa ng paraan si Wong Ming.

Biglang lumitaw ang sampong maliliit na Sword Needles at pumorma ng pabilog na depensa.

Ngunit dahil sa bilis ng pangyayari at sa lakas ng nagbabagang apoy ng Demon Fire Ox ay nasira ang ginawang depensa ni Wong Ming dahilan upang tumalsik siya.

Alam ni Wong Ming na nasa loob pa rin siya ng lugar na ito at kasalukuyan pa ring ginaganap ang ikatlong trial kung kaya't natitiyak niyang mayroong mga nilalang ang nakamatyag sa mga kilos niya.

Agad na ibinalanse ni Wong Ming ang paglutang niya sa ere at agad na inilihis ang direksyon niya.

Agad na inilabas ni Wong Ming ang isang talisman na siyang ginawa niya mismo. Napangiti siya ng malawak lalo pa't sa pamamagitan nito ay hindi siya mabuko sa gagawin niya mamaya.

Biglang nagkaroon ng napakakapal na mga usok na siyang bumalot sa buong lugar na ito.

Sa pamamagitan nito ay malalaman ni Wong Ming na hindi na siya mapapansin ng sinuman kung ano ang mangyayari sa lugar na ito at mga gagawin niya.

Dahil sa makapal na usok na ito ay mabilis na nagbago ang anyo ni Wong Ming bilang isang Ice Demon.

Ang kaanyuan ay tila kakaiba at nakaramdam ng ibayong saya si Wong Ming dahil ngayon niya lamang nagamit muli ang kaanyuang ito.

Alam niyang hindi pabor sa Demon Fire Ox ang makapal na usok sa lugar na ito. Masasabi niyang sa talas ng senses nito lalo na ng mga mata nito ay ngayon ay tila magiging pabor na kay Wong Ming ang ganitong kapaligiran.

Ang kabuuang anyo ni Wong Ming ay malademonyo na kung kaya't natitiyak ni Wong Ming na makakaya niyang patumbahin ang Demon Fire Ox kahit na mababa lamang ang lebel ng Cultivation niya dahil sa restrictions.

Wala siyang inaksayang panahon at mabilis niyang tinungo ang kinaroroonan ng Demon Fire Ox. Matalas man ang nasabing pandinig nito ngunit walang silbi ito dahil mas nakatuon ang atensyon nito ngayon sa gumugulong na mga bato.

Gamit ang mga matatalas niyang mga kuko ay mabilis niyang pinaghiwa-hiwa ang leeg ng Demon Fire Ox ngunit tila lumalaban pa ito at nagpupumiglas kung kaya't napalayo si Wong Ming.

Ngunit hindi nagpatinag si Wong Ming at dali-dali niyang binalutan ng yelo ang ulo ng Demon Fire Ox dahilan upang mapatigil sa pagkilos ito.

Tinusok ni Wong Ming ng nagtatalasan at naghahabaang mga kuko nito ang balat sa katawan ng nasabing halimaw at sinimulan niyang balatan ito ng buhay.

Ngunit napatalsik si Wong Ming nang maoansing naglabas ng pambihirang apoy ang buong katawan ng halimaw.

Hindi mapigilan ni Wong Ming na manggigil lalo pa't limitado lamang ang panahon niya para dito. Kailangang mapatumba at mapaslang ang halimaw na ito sa madaling panahon habang hindi nasisira ang mga intricate lines ng balat nito.

Skill: Demon Ice Shards!

Mabilis na bumuo si Wong Ming nang tatlong naglalakihan at nagtatalasang mga tipak ng yelo at pinatungo niya ito sa dambuhalang halimaw na Demon Fire Ox. Pinatama niya ito sa iba't-ibang direksyon upang mangyari ang gusto niyang mangyari.

TAH! TAH! TAH!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang pagbaon ng tatlong naglalakihang mga ice shards sa mismong ulo, leeg at sa gitnang tiyan ng halimaw na Demon Fire Ox.

Shrriiiieeekkkkk!

Kitang-kita niya kung paanong umangil ng malakas ang Demon Fire Ox habang kitang-kita ang kalunos-lunos na sinapit nito habang dumudugo ang ulo at leeg nito habang nakalaylay ang laman-loob nito sa bahagi ng tiyan nitong napinsala ng mga ice shards ni Wong Ming.

Mabilis na dumistansya si Wong Ming nang manlaban pa ang Demon Fire Ox na ito ngunit mabilis na narating ni Wong Ming ang kinaroroonan ng nasabing halimaw at binigyan ito ng napalakas na sipa sa leeg dahilan upang maputol ito.

Alam ni Wong Ming na isang pambihirang magical beast ang Demon Fire Ox. Kung hindi siya nagkakamali ay hindi ito mapatay-patay kung hindi niya mapugutan ito ng ulo. Natural fire element beast ito at mabibilang sa Soldier Beast type ito kung kaya't ang simpleng pagpaslang ay hindi gagana rito.

Mabuti na lamang at Soldier Beast lamang ito pero kung isang ganap na King Beast na ito ay siguradong walang panama si Wong Ming dahil maraming mga alagad ito. Maaaari ngang may maraming alagad na ito.

Napangiti na lamang si Wong Ming lalo pa't matagumpay niyang napaslang ang mabagsik na halimaw na ito at mabilis niyang inilagay ito sa loob ng interspatial ring..

Wala siyang iniwang bakas ng Demon Fire Ox at bago pa tuluyang mawala ang makapal na usok ay mayroon siyang inilabas na talisman.

Agad na nasunog ito sa ere at nawala na lamang bigla si Wong Ming sa lugar na ito na walang iniwang bakas ng existence niya maging ng awra niya.