webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 448

Whoosh!

Isang dambuhalang maitim na apoy ang bigla na lamang binato sa kaniya ng dambuhalang halimaw na Ocean Black Bat na siyang iniwasan nito.

Ngunit tila naging isang maling desisyon ito upang mawala ang atensyon niya sa kasalukuyan nitong kalaban.

BANG!

Malakas na tumalsik si Cháng Shan nang bigla na lamang siyang sinipa sa bandang likuran ng malakas ng kalaban niyang nakamaskarang itim na nilalang dahilan upang lumayo ang distansya niya.

Agad namang naibalanse ni Cháng Shan ang sarili niya upang lumipad paitaas. Mayroong kakaibang inis na gumuhit sa mukha nito. Halatang dinadaya siya ng kalaban niya.

Bigla na lamang sumulpot ang magandang dalagang si Mèng Shuchun sa tabi ni Cháng Shan.

"Ikaw na ang bahala sa pesteng nilalang na iyan habang ako na ang bahala sa pesteng halimaw na Ocean Black Bat na pagmamay-ari nito. Kailangan mong gapiin ang kalaban mong yan habang ire-restrict ko ang soul contracted beast nito." Seryosong saad ng magandang dalagang si Mèng Shuchun halatang may naiisip itong malalim. Alam niya kasing hindi magiging maganda ang takbo at resulta ng labanan kung mahahati sa dalawa ang atensyon ng binata habang pinaglalaruan lamang siya ng misteryosong nilalang na kalaban nito.

Hindi rin magandang iharap ito sa Ocean Black Bat dahil hindi magiging stable ang lagay ni Cháng Shan. Isa pa ay hindi nito kaya ang nasabing halimaw at tanging siya lamang ang makakapigil sa pinsalang maidudulot ng nasabing dambuhalang magical beast.

Napatango na lamang ng agaran si Cháng Shan lalo na at mukhang mas nakakaalam ang nasabing dalagang si Mèng Shuchun sa pangyayari. Malakas ang pakiramdam niyang pinoprotektahan lamang siya ng dalaga laban sa emosyong dala-dala nito.

Mabilis na sumugod si Cháng Shan sa kinaroroonan ng kalaban niyang nakamaskarang itim habang makikitang hindi niya nagugustuhan ang pagiging tuso nito kani-kanina lamang habang si Mèng Shuchun naman ang humarap sa sumasaling dambuhalang halimaw.

Agad na nag-umpisang muli ang nasabing labanan. Inilabas ni Mèng Shuchun ang sandata nitong isang mahabang metallic whip. Nagsagawa ito ng pambihirang martial arts skill.

Skill: Long Whip!

Mabilis na humaba ang metallic whip habang makikitang medyo lumaki din ang mga talim ng nasabing sandata ni Mèng Shuchun.

Isang malakas na paglatigo ang binigay at pinalasap ni Mèng Shuchun sa ere patungo sa direksyon ng nasabing dambuhalang halimaw na Ocean Black Bat.

Matagumpay namang nahataw ng magandang dalagang si Mèng Shuchun ang parte ng pakpak ng Ocean Black Bat dahilan upang umatungal ito ng malakas dahil sa sakit.

SHRRRRRIIIEECCKKK!

Sunod-sunod na pagbuga naman ng apoy ang nilikha ng nasabing dambuhalang halimaw dahilan upang mapaatras si Mèng Shuchun.

Sa kabilang banda naman ay patuloy sa pakikipaglaban ang nasabing misteryosong nilalang na nakamaskara kay Cháng Shan habang nagkakainitan ang mga ito. Mainit na sagupaan ang nangyayari sa ere dahil sa dalawang labanan. Tila nahati ang mga atensyon ng mga nanonood na mga saksi sa labanang nagaganap sa himpapawid.

...

Sa loob ng consciousness ng batang si Li Xiaolong ay tila nasa pabilog siyang lugar habang napapagitnaan ng dalawang enerhiyang nagmumula sa kaniya at ang nakakapasong init ng lumalagablab na apoy na siyang galing mismo sa totoong apoy ng Evil Fire Crow. Hindi sukat aakalain ng sinuman na ang pagkakapunta ng batang si Li Xiaolong ay siya ring psgtuklas niya sa sikretong meron ang katauhan niya.

Ang batang si Li Xiaolong ay nakaharap sa isang malabong pigurang sobrang kawangis niya. Ngunit kaibahan sa katauhan niya ay maitim na enerhiya ang nakabalot rito.

Kanina ay nagulat siya sa nakita niyang tila isang nilalang sa gitna ng nagbabagang apoy at kulay asul ns enerhiyang taglay ng katawan niya. Nilapitan niya pa ito kanina upang masuri kung sino ito ngunit ganon na lamang ang gulat niya na isang nilalang na kahawig niya mula ulo hanggang talampakan anv nasa gitna ng dalawang magkaibang enerhiya.

Mayroong kung anong klaseng pwersa ang nasa sentro ng consciousness niya kaya nga nakakapagtakang merong bagay ang nag-eexist rito.

Kahit magpahangggang sa oras na ito ay hindi pa rin ito gumagalaw o di kaya ay umaalis sa lugar na ito kaya dito na rin nagcultivate ang batang si Li Xiaolong upang tapusin ang pagbreakthrough niya.

Kung gaanong bigla na lamang umalon ng malakas ang tila maladagat na enerhiya sa magkabilaang parte ng consciousness niya.

Naramdaman niya ang labis na hapdi at sakit sa buong katawan niya. Mabilis na naki-cleanse ang dugo niya dahil sa dalawang enerhiyang umalpas sa lugar na ito habang ang pigurang kulay itim na enerhiyang katapat lamang niya ay tila walang pagbabago. Nasa gitna lamang ito ng platform without any abnormalities happening to it na talaga nga namang medyo pinapangambahan ni Li Xiaolong.

Hindi naman kasi niya alam kung saan ito nagmula at ano'ng ginagawa nito sa loob ng consciousness niya.

Isa pa ay wala naman ito sa detalyadong deskripsyon ng pagiging Purple Blood Realm Expert nor can he find answers out there vulgarly.

BANG! BANG! BANG!

Ramdam ng batang si Li Xiaolong ang malakas na daloy ng mga enerhiyang umalpas sa buong katawan niya na tila binubuhay ang sariling enerhiyang meron siya na talaga nga namang ikinamangha nito lalo na at sobrang bagong pakiramdam ito sa kaniya. Alam niyang nagbunga ang lahat ng ginawa niyang pagod, hirap at sakripisyo makamit lamang ang pagdating ng araw ng kaniyang muling pagbreakthrough.

Bigla na lamang nagising si Li Xiaolong mula sa mahabang pagkawala ng diwa niya sa reyalidad. Kitang-kita niyang nagbago na nga enerhiyang kasamang dumadaloy sa katawan niya. Ang lilang kulay na enerhiyang sumasama sa dugo niya ay siyang nagpapatunay na isa na siyang ganap na Purple Blood Realm Expert.

Mabilis niyang binalik ang sarili niya sa loob ng consciousness niya at nakita niya kung paano'ng bigla na lamang nag-expand ang espesyal na lugar na bahagi ng pag-unlad niya bilang martial arts expert.

Gayunpaman, kasabay ng paglawak ng consciousness niya ay ganon rin ang pagdami ng asul na enerhiyang meron siya habang ang apoy na galing sa Evil Fire Crow ay tila kumalat rin sa buong lugar ngunit mabilis ding napawi ang pangamba niya nang mapansing hindi pa rin nawawala ang barrier na naghihiwalay sa nasabing mapamuksang apoy.

Magiging pagkain lamang kasi ng masamang uri ng apoy ang enerhiya niya kung sakaling magtagpo ito balang araw. Hindi niya alam ang magiging kapalaran niya kapag nangyari muli ang kinatatakutan niya.