webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 447

Bigla na lamang rin lumipad paitaas ang dambuhalang halimaw na Ocean Black Bat habang kasalukuyang nakasakay ang nasabing nakamaskarang itim na nilalang.

"Hahahaha... Hindi ko aakalaing napakalakas mo din pala hehe gusto ko yan!" Nakangisjng sambit ng nasabing kalaban ni Cháng Shan. Nasira ang parteng ibaba ng suot ng maskara ng hindi pa kilalang nilalang habang pinahid nito ng kanang kamay nito ang dugong umaagos sa bibig nito.

Hindi naman nagpatinag si Cháng Shan sa sinabing ito ng misteryosong nilalang na siyang kalaban niya. Hindi niya talaga aakalaing pagkatapos ng mapaminsalang atake nito ay nagawa pa nitong hamakin ang kakayanan nito.

"Hindi ko aakalaing naikubli mo ang totoong lebel ng cultivation mo. Isa ka rin palang Purple Heart Realm Expert!" Tila may inis na sambit ni Cháng Shan habang makikitang pinukulan niya ng masamang tingin ang misteryosong nilalang na nakakubli sa itim na maskarang suot-suot nito.

Maaaring gumagamit ito ng Concealment item upang ikubli ang totoong lebel ng cultivation nito kaya pala hindi nito mapinsala ng tuluyan ang misteryosong nilalang idagdag pang mainit ang ulo niya sa alaga nitong halimaw na Ocean Black Bat na pinakamasamang lahi ng magical beast para sa kaniya. Kung hindi dahil sa nilalang na ito ay buhay pa sana ang mga mahal niya sa buhay at ang maliit na nayong tinitirhan nila. Masaya pa sana sila ngayon ngunit dahil sa mga bilang ng Ocean Black Bat na sumugod sa kanilang nayon at nag-amok ay maraming napaslang na inosenteng nilalang katulad ng mga magulang niya.

"Nagulat ka ba? Hindi ako tanga upang maglakbay sa lugar na ito na isa lamang akong hamak na Purple Blood Realm Expert. Nasisiguro ko sa'yong hindi magiging tahimik ang Green Valley at kahit ano'ng klaseng lugar na may ugnayan sa Dou City hahahaha!" Parang baliw na saad ng nasabing nakamaskarang itim na misteryosong nilalang habang humalakhak pa ito ng malakas. Parang ipinapakita nito na hindi matatagpuan ng alinmang parte ng lugar na ito ang katahimikan o kapayapaang nais ng mga ito.

Talaga nga namang sa pangalawang pagkakataon ay tila nakaramdam ng pangamba ang matipunong binatang si Cháng Shan dahil na rin sa alam nitong hindi maaaring mangyari na makialam sila sa sigalot ng mga kaharian rito o ng Dou City. Isa lamang silang dayo at mabigat na kaparusahan kung mangingialam sila sa sistemang umiiral rito.

Ngunit isa silang ang nasisiguro niya. Hindi niya hahayaang magtagumpay ang taga-labas na nilalang na ito na matulad muli ang nangyari sa nayon na siyang kinamulatan niya. Alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng pag-asa lalo na ng mga magulang o mga mahal nila sa buhay.

"Hindi matatahimik ang Green Valley dahil sa mga katulad niyo na mapang-api sa inyong kapwa. Pero nasisiguro ko ding liliit ang lugar na gagalawan mo hanggang sa mawalan ka ng lugar na pagkukublihan. Mukhang sa mga oras na ito ay maghahanap ka na ng lugar sa maliit na mga lupaing ito upang itago ang sarili mo sa awtoridad!" Seryosong saad ng nasabing matipunong binatang si Cháng Shan habang may mga paalala siyang gustong itatak sa pesteng nilalang na siyang kalaban niya. Hindi naman siya isang rebelde at mas lalong may karapatan silang makialam dahil isa pa rin silang mga special guests ng Green Martial Valley Union kaya hindi siya magpapadaig sa masamang nilalang na kaharap niya sa mga oras na ito.

"Ikubli ang sarili ko? Mukhang tama ka naman ngunit bago iyon, sisiguraduhin kong worth it ang pagtatago sa maliit na lupaing ito hehehe!" Nakangising demonyong wika ng nakamaskarang itim na nilalang habang sakay-sakay ito ng Ocean Black Bat habang magkatapat pa rin ang lebel ng paglipad ng mga ito sa isa't-isa. Nagmistulang langgam lamang ang laki nito habang nakatingin sa dambuhalang halimaw na sakay-sakay ang misteryosong nilalang.

Ocean Black Bat: Electric Black Fire!

Isang may kalakihang bolang apoy ang nilikha ng halimaw na Ocean Black Bat habang may nakapalibot na parang kuryente sa bolang apoy na ginagawa nito. Talaga nga namang medyo nakakatakot itong pagmasdan habang makikitang napatahimik na lamang ang mga manonood na siyang saksi sa labanang ito.

Whoosh!

Pinakawalan ng mabilis ng dambuhalang halimaw na Ocean Black Bat ang nasabing atake nito sa direksyon mismo ni Cháng Shan na siyang inaasahan naman ng matipunong binata.

Tatlong magkakasunod na naglalakihang bolang apoy na siyang atakeng ginawa ng dambuhalang magical beast

Skill: Sword Crest!

Sa isang iglap ay nabalutan ng makapal na enerhiya ang hawak-hawak na espada ni Cháng Shan at mabilis na napangisi ito.

Nasa kalagitnaan pa lamang ay mabilis na iwinasiwas ni Cháng Shan ang nasabing espada nito ba siyang gumuhit ng pakurbang linya sa hangin patungo sa nasabing atake ng dambuhalang alaga ng kalaban niya.

Crrr! Crr! Crr!

Tila sa pagsalubong ng dalawang naglalakasang atake ay tunay na nakakapanghilakbot ang enerhiyang nagmumula sa himpapawid ngunit kitang-kita ng lahat kung paano gumuhit ang mga bitak-bitak sa electric black fire na siyang atake ng Ocean Black Bat.

Bang!

Malakas na pagsabog ang naganap sa ere habang makikitang mukhang patas ang labanan at naging sagupaan. Walang gustong magpatalo sa alinman sa dalawang panig. Estranghero laban sa kapwa nito estrangherong nilalang habang magkaiba ang layuning kanilang ipinaglalaban.

Ngunit nagulat na lamang si Cháng Shan nang mabilis na lumipad palapit sa kaniya ang misteryosong nilalang habang nakangising demonyo pa rito.

Hindi naman nag-aksaya ng oras si Cháng Shan at mabilis rin itong sumugod sa kalaban nito.

Kapwa gumagamit ng mahahabang espada ang dalawa bilang sandata nila sa pakikipaglaban. Pareho kasing sword user ang mga ito habang makikitang galit ang dalawang nilalang na nagkatinginan pa ng masakit.

Slash! Slash! Slash!

Tila maririnig ang tunog ng nagbabanggang metal sa ere habang mabilis na gumagalaw ang dalawang nilalang sa ere habang nagpapalitan ng mga atake. Walang gustong magpatalo sa dalawang panig habang hindi naman masundan ng karamihan ang mga galaw ng mga ito at tanging mga mumunting kislap na galing sa nagkikiskisang metal lamang ang batayan ng lahat upang tingnan ang nangyayari.

Medyo malayo din sa kalupaan ang nasabing matinding sagupaan ngunit ramdam pa rin ng lahat ang pagkatakot lalo na at dalawang naglalakasang mga nilalang ang naglalaban.

Sa isang sulok ay naroroon lamang ang magandang dalagang sii Mèng Shuchun habang nakatingin sa naglalabang dalawang nilalang.

Kitang-kita niya kung paanong dikit na dikit ang laban. Talagang hindi niya inaasahang may makakasabay sa husay ni Cháng Shan sa paggamit ng espada dahil isang Sword User Genius ito sa paaralan nila sa loob ng Vermilion City. Hindi niya lubos aakalaing nagagawang sanggain ng misteryosong nilalang na nakasuot ng itim na maskara ang mga atake ni Cháng Shan.

Isa lamang ang alam niya, masyadong mataas ang karanasan sa pakikipaglaban ang kalaban ni Cháng Shan sa mga oras na ito kaya dikit na dikit ang laban.

Alam niyang ginagawa ni Cháng Shan ang lahat upang i-divert ang atensyon ng sarili nitong kalaban sa kaniya upang maraming oras ang maitakda para sa batang si Li Xiaolong dahil nasa vulnerable state ito ngayon. Kayang-kayang paslangin ng sinuman ang batang si Li Xiaolong na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising ang diwa nito at makapagbreakthrough na ng tuluyan.