webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 440

Kitang-kita naman ni Li Jianxin at Li Mo kung paanong napuruhan ang mag-asawang Li Wenren at Li Qide sa mga atake ng kalaban nilang si Li San. Halatang nasugatan ng malala ang mga ito.

"Sumuko na lamang kayo Li Wenren at Li Qide. Halata namang wala ng makakapagsalba sa anak mo. Tingnan niyong mabuti ang gagawin ko!" Nakangising demonyong saad ni Li Mo. Total ay sirang-sira naman siya at tanging tagumpay na lamang ang nasa isip niya. Dehado siya dahil andito sila Li Mo at Li Jianxin kaya malabo ng mapaslang niya si Li Xiaolong.

Mabilis na nagpaputok ng isang signal flare si Li Mo sa ere. Hindi alam ng lahat kung para saan ito ngunit labis na nanghilakbot si Li Jianxin at Li Mo patungkol rito.

Agad na binalaan ni Li Mo at Li Jianxin ang mag-asawang Li Wenren at Li Qide maging ang mga miyembro ng Green Martial Valley Union.

"Humanda kayo. Mukhang nagtawag si Li San ng tagalabas. Hayop ka talaga Li San, wala kang kasing-sama. Para mapatay lamang ang batang si Li Xiaolong ay nagawa mong makipag-ugnay sa labas para sa maiitim mong balak!" Galit na galit na saad ni Li Mo. Hindi niya matanggap ang pangyayaring ito

"Nawala na lahat ng respeto kong natitira sa iyo Ginoong Li San, pati ang batang si Li Xiaolong ay nagawa mong pagbantaan ang buhay nito!" Hindi na rin nakapagpigil na saad ni Li Jianxin sa labis na galit. Talagang hindi niya aakalaing pagkatapos ng lahat ay mararanasan din ni Li Xiaolong ang mapait na sinapit nila noon ngunit mas malala lang ngayon.

Malalalim na mga sugat ang natamo ni Li Wenren at Li Qide ngunit hindi dahilan ito upang sumuko ang mga ito.

"Magbabayad ka Li San sa ginawa mong pagbanta sa buhay ng anak ko. Hindi ko ito palalampasin!" Galit na saad ni Li Wenren habang tiningnan nito ang sugatan rin nitong asawang si Li Qide.

Parang nagkaintindihan din ang mga ito. Mabilis na naghawak ng kamay si Li Wenren at Li Qide.

Ang dalawang singsing na hawak nila ay mabilis na lumiwanag ng malakas at isang nakakapanghilakbot na enerhiya ang bigla na lamang umalpas sa ere na naramdaman ng hindi lamang ng Sky Flame Kingdom kundi maging ng iba pang mga kaharian at ng Dou City.

Isang kulay berdeng pigura ng dragon na umabot sa kalangitan ang nakita ng lahat. Nahintatakutan ang lahat ng mga saksing miyembro ng Green Martial Valley Union maging sina Li Jianxin at Li Mo ay talagang nagulat sa pangyayaring ito.

Mabilis na nagtungo ang pigura ng dambuhalang berdeng dragon patungo sa kinaroroonan ni Li San.

Nanlalaki naman ang mga mata ni Li San ngunit sa bilis ng pangyayari ay hindi na ito nakaiwas pa dulot ng gualt at pagkabigla sa mga kaganapang hindi niya lubos aakalaing siya pa ang madedehado.

ROAAAARRR!

Kinain si Li San ng nasabing malabong pigura ng dambuhalang halimaw na dragon at sa isang iglap lamang ay malakas na sumabog ang katawan nito.

BANNGGGG!

Walang natirang kahit na bakas man lang ng existence ng pinuno ng Green Martial Valley Union na si Li San. Nanlalaki naman ang mga mata ng mga saksing miyembro ng nasabing organisasyon. Talagang nakakapanghilakbot ang nasaksihan nilang pangyayari. Hindi rin sukat aakalain ng lahat na nagawang matalo ng mag-asawang Li Wenren at Li Qide ang may sala na si Ginoong Li San na isang Xiantian Realm Expert na ngunit sila ay purong Houtian Realm Experts lamang.

Ang sumubok na paslangin si Li Xiaolong ay mabilis na nalaglag ang mga espadang hawak ng mga ito at agad na inaresto ang mga ito sa utos na rin ni Li Mo at Li Jianxin.

Agad na dinala sa pagamutan ang mag-asawang Li Wenren at Li Qide habang ipinagkatiwala ang pagbabantay sa batang si Li Xiaolong kina Li Jianxin, Li Mo maging sa bisita nilang si Mèng Shuchun na hindi pa rin umaalis sa tabi ng batang si Li Xiaolong kasa-kasama ang matipunong binata na si Cháng Shan.

Ang labis na pagtataka nila ay natalo ng mag-asawang ito ang isang Xiantian Realm Expert na para sa kanila ay napakahusay at nakakabigla. Sino ang mag-aakalang ang sugatang mag-asawa ay kayang paslangin ang nasa mabuting kondisyong Xiantian Realm Expert kagaya ni Ginoong Li San na napaslang ng tuluyan.

Habang si Li Zhilan ay wala pa ring kaalam-alam sa pangyayaring naganap sa kanilang lupain na Green Valley. Hindi kasi ito nakapunta sapagkat ito ang nakatokang magbantay sa kapatid nitong maliit pa. Malapit na rin itong mag-isang taon ang kapatid nito sa darating na mga buwan.

Tuloy lamang ito sa pagbabantay sa kapatid nito lalo na at ayaw niyang suwayin ang inay at itay niya dahil ayaw niyang mapagalitan.

...

Ilang minuto na rin matapos ang nasabing nakakapanghilakbot na pangyayari at ang pagkapaslang ng lider ng Green Martial Valley Union ay tahimik lamang na nagmamatiyag ang bawat isang mga miyembro ng Green Martial Valley Union.

Nasabihan na rin sila ni Li Mo at Li Jianxin na may malaking banta pa rin sa buong lupain ng Green Valley lalo na sa isang signal flare na ipinutok ng yumao lamang na pinuno ng Green Martial Valley Union na si Li Mo. Malamang sa malamang ay paparating na ang delubyong kinatatakutan ng lahat dahil mukhang hindi lamang ang batang si Li Xiaolong ang nanganganib kundi maging ang buhay nilang naninirahan sa lupaing ito.

"Ano ang maaaring gawin natin Ginoong Li Mo kung sakaling sobrang daming mga nilalang ang pumunta rito o di kaya ay sobrang lakas ng darating na mga nilalang?!" Nangangambang sambit ni Li Jianxin. Kahit na sabihing Purple Blood Realm Expert siya ay hindi naman niya kakayanin kung maraming darating na Xiantian Realm Expert upang lusubin ang lupain ng Green Valley. Madaming nabawas na bilang ng opisyales ng Green Martial Valley Union dahil sa pagtataksil ng pinuno ng mga ito na si Ginoong Li San.

"Kailangan nating pigilan silang makalapit sa pwesto ni Li Xiaolong at sa mismong lupain ng Green Valley kahit na ano'ng mangyari. Nagpadala na rin ako ng mensahe sa mga hihiramin kong mga kawal sa Hollow Earth Kingdom para sa dagdag bilang natin upang depensahan ang Green Valley." Seryosong sagot naman ni Li Mo sa nangangambang si Li Jianxin. Parang anak niya na rin ito at hindi niya maipagkakailang bilib din ito sa katapangan nito noon hanggang ngayon. Kagaya niya ay biktima rin ito ng pagmanipula ni Li San ngunit dahil sa tulong niya ay nakawala din ito sa mga palad ni Li San. Para sa kaniya ay tama lamang na mapaslang ng tuluyan si Li San dahil sa mga walang kapatawarang kasalanang ginawa nito.