webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 439

Napatahimik bigla si Li San ngunit napangisi na lamang ito at mabilis na nagwikang muli.

"Talaga ba? Hindi ko aakalaing ang lakas ng loob mong sumbatan ako. In terms of power ay alam mong ako lamang ang may kakayahang mamahala ng Green Martial Valley Union. Ako ang gumawa ng lahat at wag kayong maniwala sa babaeng ito dahil ako ang may hawak ng lahat-lahat dito!" Confident na sambit ni Ginoong Li San habang sinasabi ang mga katagang ito Kay Li Wenren at Li Qide.

"Oo, talagang-talaga. Nagawa mo ng linlangin at paikutin ang Li Clan noon, ngayon pa bang pinagsama na ang karatig na mga angkan? Saan ka kumuha ng pondo huh? Sabihin mo nga?" Nakangising tanong ni Li Qide. Hindi niya hahayaang manaig pa ang kasinungalingan laban sa katotohanan. Pagod na siya sa kakaintindi sa huwad na panlabas na ugali ng isang Li San. Hindi kasi lahat ng pinuno ay mabuti dahil karamihan sa mga ito ay mga abusado, magaling magmanipula at bulaan. Talagang hindi dapat sila hinahayaang makapamuno dahil hindi sila karapatdapat dahil sa pang-uugali nila.

"Wala akong sinasabing ganyan Li Qide. Wag kayong maniwala sa mga sinungaling na katulad niyo. Ako ang nag-isip ng lahat upang mapaganda ang lupain ng Green Valley at magtatag ng isang malakas na organisasyong walang iba kundi ang Green Martial Valley Union na tinatamasa niyo ngayon. Wag kayong magpalinlang kay Li Wenren at Li Qide. Siya ba ang paniniwalaan niyo?!" Pang-uupat na sambit ni Li San habang nakatingin sa mga miyembro ng Green Martial Valley Union. Gusto niyang kontrolin ang mga isipan ng mga ito upang lasunin. Sa kaniya lahat ng mga compliments dahil siya ang pinuno ng Green Martial Valley Union.

"Mukhang nakakalimutan mo Ginoong Li San, saksi ako sa galing mong magmanipula. Tama nga ang desisyon kong umalis sa Li Clan upang dumoon na sa Hollow Earth Kingdom. Kailan ka pa nagkaroon ng mga salapi? Naniniwala ako sa sinasabi ni Ginang Wenren at Ginoong Qide. Napakaambisyoso mo eh wala ka namang maibubuga!" Bakas ang galit sa tono ng pananalita ng isang nilalang mula sa himpapawid. Makikita ang halong inis at galit sa pagmumukha ng magandang dalagang bagong dating lamang sa Green Valley.

"Si Li Jianxin ba yan? Paanong hindi ko man lang naramdaman ang presensya nito kanina?!"

"Nandito ang diyosa ng buhay ko!"

"Si Goddess Jianxin ay nakita kong muli ng personal!"

"Pwede na ata akong mamatay dahil sa kagandahang taglay ng aking iniirog!"

"Kailan pa dumating ang aking mahal?!"

"Mahal kita Li Jianxin!"

Iyan lamang ang malakas na sigaw ng mga kalalakihang patay na patay sa presensya at kagandahang taglay ni Li Jianxin.

"Kailan ka pa dumating Jianxin? Bakit wala ka man lang pasabi ha? Edi sana napaghandaan ko ang iyong mainit na pagdating." Malumanay na saad ni Ginoong Li San habang makikitang nakatingin ito ng matiim kay Li Jianxin.

"Drop the act Li San. Kahit kailan talaga ay hindi pa rin nagbabago ang ugali mong sobrang sinungaling at huwad. Kailan ka pa titigil sa pagiging makasarili mo? Tama si Binibining Jianxin, napakaambisyoso mo pero wala ka naman talagang ibubuga!" Seryosong saad ng isa pang nilalang na bagong dating na walang iba kundi si Li Mo.

"Dumating si Ginoong Li Mo!"

"Siya pala yan? Hindi ko aakalaing napakalakas ng presensya niya!"

"Natural, isa siyang magiting na mandirigma ng Hollow Earth Kingdom!"

"Tama, siya nga iyan. Talagang hindi biro ang presensya nito!"

"Maging si Ginoong Li Mo ay kontra sa pag-uugali daw ni Li San. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi!"

"Ako rin ay naguguluhan dahil sa pagkakaalam ko ay nasa good terms ang mga ito!"

"Mukhang nagsasabi ng totoo sina Ginoong Li Mo at Li Jianxin. There's no way na kakampihan nila ang mag-asawang Li Wenren at Li Qide kung nagsisinungaling lamang ito."

"Hindi ko alam, nalilito na rin ako!"

Ito ang sari-saring reaksyon ng mga miyembro ng Green Martial Valley Union dahil sa presensya ng dalawang bagong dating na mga nilalang. Masasabing naguguluhan sila sa takbo ng pangyayari lalo na sa mga naririnig nila.

"Grrr... Labas kayo dito Li Jianxin lalo ka na Li Mo kung ayaw mong magkagulo rito. Kaya nga kayo mismo ang umalis diba dahil sa mga matataas na ambisyon niyo kaya wag niyo kong masabihan ng ganyan!" Galit na saad ni Li San habang nakatingin ng masakit sa dalawang nilalang sa himpapawid.

Sa mga oras na ito ay alam niyang di niya matatalo alinman kina Li Jianxin at Li Mo. Narinig niyang isang Purple Blood Realm Expert na si Li Jianxin habang si Li Mo ay nasa Purple Heart Realm na ang cultivation level nito.

"Dahil ayaw mong malamangan sa lakas Ginoong Li San. Sobrang huwad niyo talaga kaya walang sinuman sa mga malalakas na Li ang nananatili rito dahil sa pag-uugali mong sobrang sama lalo na ang pagmamanipula mo!" Galit na saad ni Li Jianxin. Ngayon lang niya nasabi ang lahat ng mga gusto niyang sabihin. Naaawa siya kay Li Xiaolong maging sa mga magulang nito. Sa puntong ito ay alam niyang kinakailangan ng mga ito ng ibayong tulong.

"Humanda ka sakin Li San, dahil sa pagbabanta mo sa buhay ng anak ko ay lalaban ako ng patayan sa'yo!" Sambit ni ina ni Li Xiaolong na si Li Wenren. Sapat na ang narinig niya upang labanan at paslangin ang pinuno nilang si Li San. Madami palang baho itong tinatago at mga kasinungalingang ginawa.

Isang mahaba at napakatalim na espada ang biglang lumabas sa kamay ni Li Wenren at agad na sinugod si Li San na nakatayo sa isang lugar.

Mabilis ring sinugod ni Li Qide ang pwesto ni Li San kagaya ng asawa nito.

Napangiti na lamang si Li San sa naging padalos-dalos na aksyon ng mag-asawang mga Houtian Realm Experts lamang.

"Mga hamak lamang kayong Houtian Realm Experts Li Wenren at Li Qide. Kaya ipapalasap ko sa inyo ang kaibahan ng Houtian Realm Experts sa pagiging Xiantian Realm Expert!" Matigas na pagkakasabi ni Li San habang nakangising demonyong nakatingin sa papasugod na mag-asawa.

BANG! BANG! BANG!

Isa laban sa dalawa habang maririnig ang tunog ng mga nagbabanggaang metal. Mabilis na iwinasiwas ng mag-asawang Li Wenren at Li Qide ang kanilang hawak na mga mahahabang espada habang mas mabilis namang nasasangga ito ni Li San.

Ilang minuto pa ang nakakalipas ay masasabing hindi mapapantayan ng mag-asawang Li Wenren at Li Qide ang lakas at bilis ng isang Xiantian Realm Expert na katulad ni Li San halatang hindi man lang ito napapagod sa pagsangga at iwas ng mga atake. Tila ba pinaglalaruan lamang sila nito.

"Total ay gusto niyo namang mangyari ito ay hindi ko na patatagalin pa ang labanang ito!" Inis na turan ni Li San at mabilis na iwinasiwas nito ang kaniyang sariling espada dahilan upang tumalsik paatras sina Li Wenren at Li Qide.