webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 435

Malalim na ang gabi habang nagbibigay ng ibayong liwanag ang kabilugan ng buwan. Napakatahimik ng buong lupain ng Green Valley habang abala ang lahat sa puspusang pag-eensayo. Hindi mapagkakailang ang Green Martial Valley Union ay patuloy sa puspusang pagcucultivate lalo na at mukhang lumalaganap na ang kasamaan at kaguluhan na batid nilang nalalapit na din na mabahiran ng dugo ang kanilang maliit na lupaing kinaroroonan.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Rinig na rinig ng batang si Li Xiaolong ang huni ng mga palasong papatama sa kanilang pwesto lalo na at nasa cultivation ground siya ngayon.

Kasama niya ang munting alaga niyang isang water esk. Patuloy itong lumalaki habang lumilipas ang panahon. Kasa-kasama na niya itong mag-ensayo ngayon. Biglaan kasi ang paglaki nito at nasasakyan niya na ang nilalang na ito.

Kakaiba nga siguro ang lugar na iyon dahil nagawa nitong panirahan ng dambuhalang halimaw na siyang nagbigay sa kaniya ng matinding pinsala noon. Talagang nakakapanghilakbot ang pangyayaring iyon lalo na ang isa pang dambuhalang halimaw na bumubuga ng napakainit na apoy sa ere.

Malakas na nagbuga ng water balls ang water esk na meron ang batang si Li Xiaolong. Ang pangalan ng alaga niya ay Ju-Long na nangangahulugang Dragon Power. Total ay di niya batid ang pinagmulan nito.

BANG! BANG! BANG!

Malakas na nagkapira-piraso ang mga palaso bago pa ito bumagsak sa lupa tandang nangasira ang mga ito.

Awwoohhhh!

Umalulong ng malakas si Ju-Long kasama ang biglang pagbago ng anyo nito. Mas naging matingkad ang kulay asul nitong balat Habang nagtaliman ang mga kuko nito sa apat na paa nito habang naging mabangis ang anyo nito na animo'y handa ng lapain ang sinumang nanggugulo sa lupain ng Green Valley.

Isa din ito sa dahilan kung bakit ayaw na ayaw ng batang si Li Xiaolong na dalhin si Ju-Long dahil sa mabagsik nitong anyo at presensya.

Nanlaki naman ang mga mata ng mga miyembro ng Green Martial Valley Union sa kanilang nakitang pagbabago sa alaga ng magkapatid na Li Xiaolong at Li Zhilan. Alam na nilang alaga ng anak ng mag-asawang Li Wenren at Li Qide ito kaya hindi nila magawang kumontra. Never naman silang sinubukang lapain nito kaya walang problema.

Sa totoo lang ay maraming may alagang magical beasts sa mga miyembro ng Green Martial Valley Union kaya hindi na ito nakakapagtaka.

Mabilis na humagibis patungo sa madilim na parte ang alagang magical beast ni Li Xiaolong. Napangisi na lamang ang batang si Li Xiaolong dahil mukhang mahihirapan ang mga nambubulabog sa pagtakas mula sa kamay ng alagang halimaw niyang si Ju-Long.

BANG! BANG! BANG!

Rinig nila ang mga pagsabog sa madilim na parteng lugar sa labas ng tarangkahan ng Green Valley. Umalulong ng malakas si Ju-Long tandang hindi nito nagustuhan ang ginagawang panlalaban ng mga kalabang nakakubli sa dilim.

Mabilis na sumipol ang batang si Li Xiaolong habang ang ibang mga miyembro ng Green Martial Valley Union ay labis na nagtataka. Lumabas na rin ang mga opisyales tandang naistorbo ang napakahimbing nilang pagtulog dulot ng mga kalabang nakakubli sa dilim upang pumaslang ng mga miyembro ng Green Martial Valley Union.

SHHH! SHHH! SHHHH!

Mula sa duluhang parte kung saan ang direksyon ng medyo may kalakihang bahay ng batang si Li Xiaolong ay rinig na rinig ang huni ng isang dambuhalang halimaw. Mabilis na nagpakita sa mga miyembro ng Green Martial Valley Union ang presensya ng isang pang dambuhalang halimaw na Three Stripe Blood Snake.

Mabilis itong gumapang at mabilis na dinaanan ang nahintatakutang mga miyembro ng Green Martial Valley Union hanggang sa tumungo na ito sa dilim habang sumakay na ang batang si Li Xiaolong sa likod ng dambuhalang halimaw.

Mula sa dilim ay hindi nakikita ni Li Xiaolong ang mga kalaban niya ngunit ramdam niya ang mga presensya ng mga ito.

Mabilis na naglabas ng dambuhalang apoy ang batang si Li Xiaolong sa dalawang kamay niya at ibinato niya ito sa ere.

Tumambad sa kaniyang paningin ang napakaraming mga nilalang. Mayroong dalawang sandatang hawak ang mga ito sa dalawang magkakaibang hanay. Mayroong mahabang espadang hawak-hawak ang iab at ang iba'y ang hawak ay mga pana habang nakatutok ito sa kaniyang pwesto.

Kita niya kung paanong umatras papunta sa kaniya ang alaga niyang water esk na si Ju-Long. As usual, hindi ito napinsala dahil maliksi ito at kasama niya ito sa pag-eensayo kaya nakakasiguro siyang mapoprotektahan nito ang sarili mula sa mga kalaban.

Nakita niyang may bahid ng dugo ang dulong parte ng mga kuko nito at ang matutulis na mga ngipin nitong kinikitil ang nahahablot nito.

Mabilis na sinugod siya ng mga maraming mga kalaban ngunit napangiti na lamang siya. Batid niyang ang gabing ito ay masisira ng tuluyan dahil sa mga masasamang nilalang na gusto silang pinsalain.

<Asura Art: Triple Body>

Sa isang iglap ay nahati sa tatlong katauhan ang batang si Li Xiaolong. Halatang nagulat ang mga kalaban nito sa nangyayaring kakaiba sa isang batang tila nagkaroon ng tatlong pagkakakinlanlan.

Ang isang kamukha ni Li Xiaolong na nilalang ay may hawak na metal chains habang ang isa naman ay mayroong hawak na gauntlet at ang panghuli ay may suot na pambihirang gloves.

Nakangisi ang tatlong katauhan ni Li Xiaolong na mas Kilala bilang Little Devil. Alam niyang may pagkakaabalahan na naman siya ngayong gabi. it's killing time.

"Ahhhh huwag!"

"Pakiusap, lubayan mo ko!"

"Huwag mo kong paslangin!"

"Hindi na k--------!"

Ilan lamang ito sa pakiusap ng mga martial arts experts na siyang kalaban ng batang si Li Xiaolong. Walang awa niyang pinagpapaslang ang mga nilalang na sa tingin niya ay walang dulot ng kabutihan sa kanilang mga puso't-isipan. Pumunta sila dito ng walang pasabi upang pumaslang kaya buhay din ang kukunin niya sa mga ito.

Hindi porket mahina silang mamamayan ng Green Valley na siyang sakop ng Sky Flame Kingdom ay hindi naman siya papayag na mapaslang sila ng mga ito.

Hindi man laganap ang kaguluhan kung umaga o mayroong liwanag ngunit sa gabi ay dito sila umaatake. Kung mapaslang niya man ang mga ito ay walang may pakialam. Pabor para sa kaniya ito.

...

Pigil-hininga naman ang lahat ng mga saksing miyembro ng Green Martial Valley Union sa kanilang nasaksihang mga palahaw. Maya-maya pa ay bigla na lamang tumahimik ang kapaligiran matapos ng walang tigil kanina na mga nagkikiskisang mga metal.

Mula sa dilim ay lumabas ang dambuhalang anyo ng halimaw na si Ju-Long kasama ang dambuhalang ahas na Three Stripe Blood Snake sakay ang isang batang walang iba kundi si Li Xiaolong o kilala bilang palayaw nitong Little Devil ng Green Valley.

Napangiti na lamang ang lahat ngunit mabilis na gumuhit sa mukha ng lahat ang pagkabigla ng biglang nahulog si Little Devil sa lupa.

Mula sa katawan ng batang si Li Xiaolong ay biglang umalpas ang napakabigat na awra dahilan upang halos mapaluhod ang lahat ng mga nilalang na nasa paligid.

BANG!

Tumalsik ang ilan sa mga miyembro ng Green Martial Valley Union malapit sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong.

Umalpas ang nakakapasong init dahilan upang mapaatras ang lahat ng mga saksing miyembro ng Green Martial Valley Union.

Nanghilakbot ang lahat ng makitang unti-unting nabalutan ng apoy ang buong katawan ng batang si Li Xiaolong.

AHHHHHH!!!!!!

Malakas na sigaw ng batang si Li Xiaolong batid niya ang labis na sakit na kaniyang nararamdaman sa mga oras na ito. Tila ba pinapaso ang bawat oarte ng katawan niya ng apoy ng Evil Fire Crow.