webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 434

Pauwi na ang batang si Li Xiaolong matapos niyang marinig ang nasabing balita. Hindi pa raw pormal o opisyal ang nasabing mensahe galing sa Dou City. Isa pa lamang itong assumptions lalo na ang pagkakadawit ng pangalan ng Crowned Prince ng Sky Flame Kingdom.

Ibinalita rin ang pagbabalik ng isang prinsipe ng Sky Flame Kingdom na si Prince Nianzu galing sa mahabang paglalakbay nito kasama ang mga bata-batalyong kawal ng Sky Flame Kingdom. Talga ngang nakarating na rin dito ang masamang balita sa kalagayan ng nasabing kaharian nitong apektado sa uspaing rebelyon na sinabi ng Dou City.

Tahimik pa rin ang kaharian ng Sky Flame Kingdom at walang masyadong aktibidad ang mga ito. Walang naganap na seremonya o ano pa mang welcome party sa mulibg pagbabalik ni Prince Nianzu alinsabay sa nangyayari ngayon sa iba't-ibang parte ng Sky Flame Kingdom.

Dinakip at marahas na hinuli ang mga pasaway na mga grupo ng mga nilalang na nanghahasik ng lagim at kaguluhan sa mga teritoryong sakop ng Sky Flame Kingdom.

Nagpadala na rin ng tulong pinansyal ang Sky Flame Kingdom sa mga apektadong mga pamilya at angkan. Nakita niya rin pabalik ang mga nakadikit na mga signages (traditional paper) sa bawat kalye tandang binababalaan ang sinumang gumawa ng gulo alinsabay sa malalang sitwasyon ng Sky Flame Kingdom.

Napahanga naman ang batang si Li Xiaolong sa naging kilos sa likod ng may gawa nito. Hindi niya maisip na si Prince Nianzu ang may gawa nito dahil wala itong panahon upang gawin ang mga bagay na ito lalo na at balita niya'y kakarating lamang nito sa kaharian nila.

Wala siyang ideya kung sino talaga ito lalo na at alam niyang ekis na sa listahan niya ang Crowned Prince at si Prince Nianzu dahil alam niyang hindi gagawa ng mabuti ang mga ito. Sa kagaspangan ng ugali ng mga ito at mga walang modo o di kaya ay walang malasakit sa kanilang kapwa maging sa kanilang mga nasasakupan ay baka himala na lang siguro na gagawa sila ng pamamaraan upang mabawasan ang apektadong mamamayan nila.

Isinawalang bahala niya na lamang ito at mabilis na naglakad papaalis sa lugar na ito. Papatakip-silim na kasi at baka hanapin na siya sa Loob ng Green Valley. Sa daldal ba naman ng kapatid niya ay baka hanggang saan aabutin ang sermon sa kaniya ng mga magulang niya. Ipinangako pa naman nito na uuwi siya bago pa gumabi.

...

Sa loob ng gusali ng Feathers Guild ay mayroong mga nag-uusap na mga nilalang alinsabay sa kinakaharap na problema ng Sky Flame Kingdom.

"Ano po ang gagawin natin Guild Master? Umaabot na po sa critical stage ang lagay ng Sky Flame Kingdom."

"Malala ang lagay ng Sky Flame Kingdom lalo na at mukhang iniipit sila ng tatlong karatig-kaharian nito. Walang gustong pumagitna sa sitwasyon kung kaya't wala pa ring magandang balita."

"Marami na rin ang nangamatay dulot ng biglang paglaganap ng mga krimen. Ang hindi ko lang maintindihan ay di man lang kumikilos ang mga awtoridad ng Sky Flame Kingdom."

"Maski kami ay walang magagawa Guild Master dahil kapag gumawa kami ng hakbang ay pag-initan tayo ng tatlong kaharian lalo na ng Dou City."

"Tama siya ng sinabi Guild Master, naaawa nga ako sa mga mamamayan ng Sky Flame Kingdom lalo na at nasaksihan namin mismo ang pagpaslang ng mga sibilyan ng mga armadong mga kalalakihan na sa tingin namin ay nabuo dahil sa mga recruitments."

Ito lamang ang ilan sa mga sinabi ng mga miyembro ng Feathers Guild na inatasang humanap ng paraan upang maresolba ang problema sa mga Guild branches. Isa sa mainit na pinag-uusapan ay ang pagtalakay sa pagkabura ng Sky Flame Kingdom bilang isang kaharian. Marami ang labis na nagulat. For the past year ay mukhang sunod-sunod na ang problemang kinakaharap ng Sky Flame Kingdom pero itong sa kasalukuyan ang pinakamalala.

Batid nila kasing mas lalala pa ito. Lalo na at mukhang may nakalap naman silang mainit na impormasyon patungkol sa Sky Flame Kingdom.

"Huwag kayong mangamba, hangga't hindi apektado ang Feathers Guild ay hindi dapat tayo mabahala. Isa pa ay nakakalimutan niyo atang andun si Senior Guō Chao niyo. Hindi niya hahayaang malugmok sa kaguluhan ang lugar ng gusto nating maging parte ng Feathers Guild." Nakangiting saad ng Feathers' Guild Master

Napatahimik naman ang lahat sa kanilang sariling mga upuan habang ang iba'y napakamot pa sa kanilang ulo.

Gumaan bigla ang atmospera habang mabilis na ring natapos ang nasabing pagpupulong ng mga ito.

HOOTS!

Rinig ng Guild Master ang huni ng isang kuwago malapit sa bintana niya. Hinahayaan nilang bukas ang kanilang mga bintana upsng malayang makadapo ang mga uri ng mga mensaherong ibon upang maghatid ng mahahalagang impormasyon o mensahe.

Agad namang nilapitan ng Guild Master ang nasabing kwago. Mula sa paa nito ay nakita niya ang nakarolyong maliit na papel. Agad niyang kinuha at binuksan ito.

Mabilis ding lumipad ang kwago matapos nitong matagumpay na naipadala ang sulat galing sa amo nitong si Ginoong Guō Chao.

May halong pagtataka naman ang Guild Master lalo na at nitong nakaraang linggo lamang ay nagpadala ng mensahe sa kaniya si Ginoong Guō Chao ngunit ngayon ay may ipinadala ito ulit.

"Parang hindi naman kasi ugali ni Ginoong Guō Chao na magpadala ng mensahe mukhang importante talaga ito." Pangungumbinsi ng Feathers' Guild Master sa kaniyang sariling isipan lalo na at mukhang gumagala si Ginoong Guō sa loob ng Sky Flame Kingdom.

Pagbukas niya ng maliit na papel na nakarolyo ay tumambad sa kaniya ang nasabing mensaheng nagpagimbal sa kaniya.

"Nakapasok na ang mga miyembro ng Blood Skull Alliance sa apat na kaharian maging sa Dou City. Malaking problema rin ang paglitaw ng dalawang estranghero. Mayroong itong simbolo na maaaring galing ang mga ito sa Vermilion City. Mukhang darating pa ang ibang mga tagalabas upang manggulo sa loob ng maliit na lupaing kinaroroonan ko ngayon."

Ito ang lahat ng nakapaloob sa maliit na papel na galing mismo kay Ginoong Guō Chao na nabasa ng Guild Master.

Labis siyang nagtataka rito. Bakit ngayon pa nangyari ang lahat ng ito. Dahil mukhang hindi lamang ang Sky Flame Kingdom ang nasa matinding panganib kundi lahat ng lupain ng apat na kaharian maging ang Dou City. Wala siyang kaalam-alam na ganon na kabilis ang paglala ng sitwasyon.

Blood Skull Alliance really show it's fangs lalo na at mukhang lumakas at mas lalong lumalakas pa ito sa kasalukuyan. Mabagsik ang mga alyansang lumalakad sa demonic path cultivation maging sila ay ingat na ingat na makasagupa ang mga demonic path cultivators.

Kilalang-kilala niya kasi ang alyansang ito sa labas ng Dou City dahil minsan niya na ring nakausap ang lider ng nasabing organisasyon.