webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 31

Napakahaba ng pilahan ng bawat kalahok na mga kaedaran lamang ng batang si Li Xiaolong at siya rin ang pinakahuli. Nalaman niyang first come first serve pala ito at ang nasa unahan niya ay nahuli rin ngunit mas malala lang ang oras ng pagdating niya.

Hindi naman ikinabahala ng batang si Li Xiaolong iyon ngunit ang mas nakakabahala lang para sa kaniya ay ang magiging resulta ng kaniyang sariling re-examination ng kaniyang Martial Talent.

Napakalayo niya man sa mismong boulder ay alam niya naman kung paano ginagawa ng mga estudyante ang kanilang eksaminasyon at paganahin ang nasabing Boulder na siyang magbibigay ng resulta ng kanilang mga nasabing resulta.

Bawat examiners ay pumupunta sa mismong dambuhalang Boulder na nasa gitna mismo ng Stadium sa Open grounds mismo. Gamit ang kanilang kamay ay ilalapat lamang nila ang kamay ng mga ito o sa pormang kamao. Depende sa gusto ng examiners.

Bago ka makapunta sa mismong Giant Boulder ay kailangan mong umakyat sa hagdanan at lumakad papunta mismo sa nasabing Giant Boulder.

10th Grade Martial Talent!

Superior 9th Grade Martial Talent!

6th Mystic Grade Martial Talent!

Umalingawngaw ang boses ng nasabing lalaking host ng Event na ito lalo na ang sinabi nitong 6th Mystic Grade Martial Talent.

Napakaraming naghiyawan at nagpapalakpakan na mga estudyante dahil sa mga naging resulta ng re-examination ng mga batang estudyanteng gustong maging martial artists.

Marami na ring nagbubulungan ng mga batang nakapila. Sa lakas ng mga boses ng mga ito ay naririnig ito ng batang si Li Xiaolong.

Napukaw naman ang interes ng batang si Li Xiaolong. Hindi niya kasi aakaling ang Martial Talent ay nahahati sa iba't ibang Grade. Ang minimum requirements ng Martial Talent rito ay ang 9th Grade Martial Talent at 10th Grade Martial Talent na nahahanay sa Common Grade. Liban sa dalawang Grading ng martial talent na ito ay hindi maaaring ikumpara ang 1st Grade Martial Talent hanggang 8th Grade Martial Talent.

Sunod naman nito ay ang Mystic Grade na mayroong 1st-10th din na grading ng Martial Talent.

Kasunod naman ng Mystic Grade ay ang mas mataas na Grade na walang iba kundi ang Earthen Grade Martial Talent na mayroong 1st-10th ang grading nito.

Hindi lamang diyan nagtatapos ang nasabing Grading ng Martial Talent na ito dahil mas may mataas pa dito na walang iba kundi ang Heaven Grade na may 1st- 10th grading.

Liban doon ay wala ng nakakaalam pa kung mayroon pa bang mas mataas pa rito o baka wala na.

Ang bawat grade ay mayroong malaking martial talent gap halimbawa lamang nito ay ang Earthen at Heaven Grade ay mayroong huge margin na gap maging ang pagkumpara sa Earthen Grade sa Mystic Grade ay may malaking gap rin ngunit ang Mystic Grade at ang Common Grade na 9th Grade Martial Talent hanggang 10th Grade Martial Talent ay walang gaanong pinagkaiba at di gaanong kalaki ang Talent gap ng mga estudyante nahahanay ang Martial Talent dito.

Noon ang akala ng lahat ay mayroong lamang hanggang Earthen Grade ngunit sinong mag-aakalang mayroong Heaven Grade na siyang pinaniniwalaang founder mismo ng nasabing paaralang ito. Wala namang patunay rito sapagkat sino ba naman ang nakakakita sa founder ng paaralang ito na tinatawag na Shangyang Academy.

Ngunit nagulat na lamang ang lahat ng biglang dumating ang isang batang babaeng napakaganda. Nakasuot ito ng napakaganda at napahabang bestida kung saan ay may nakasunod pa ito na apat na mga babaeng kung hindi nagkakamali ang batang si Li Xiaolong ay mga maids ang mga ito. Napakaganda ng disenyo ng damit nito na inspired ata at totoong mga balahibo ng mga ibon na tinatawag na peacock. Sa kasuotan pa lamang nito ay nagsusumigaw ito sa karangyaan.

Halos natahimik ang lahat ng mga estudyante maging ng mga host na naririto dahil sa paglitaw ng bagong dating na babae. Maging ang batang si Li Xiaolong ay napatahimik lamang dahil na-iintimidate siya sa napakaraming mga tao at lalong-lalo na sa magandang babaeng halos kaedaran niya lamang.

Nagsimula ng umugong ang pag-uusap at usap-usapan sa paligid.

Naririnig ng batang si Li Xiaolong ang mga naging usap-usapan sa kaniyang paligid lalo na sa usapan ng mga batang mga examiners. Grabe kasi ang mga bulung-bulungan ng mga ito na hindi mo masasabing bulong o pabulong lamang dahil ang lalakas ng pagkakasalita ng mga ito.

"Hindi ba siya ang anak ng chief ng Peacock Tribe?!"

"Oo nga, kung di ako nagkakamali ay siya si Huang Mei anak ng Tribe Chief na si Tribe Chief Huang Chen."

"Totoo ba? Akala ko ay sa susunod pang taon ito mag-aaral dito bakit napaaga naman ata?!"

"Tanga ka ba, nahuli ka na siguro ng balita. Saan ba utak mo ng panahon na yun. Ngayong taon na pala ito mag-aaral baka kahapon ka lang nakasagap ng balita."

"Sorry naman pero bakit naman siya dito mag-aaral ehh...!"

"Hirap mo kausap. Uso gamitin common sense. Isang prestirhiyosong paaralan ang Shangyang Academy ngunit pampublikong paaralan lamang ito ngunit napakataas at istrikto ng paaralan na ito when it comes sa talentong meron ang isang estudyante. Gamitin mo utak mo!"

"Edi sorry ulit. Highblood ka?!"

"Balita ko siya ang pinakatalentadong batang martial artists sa Peacock Tribe. Totoo kaya ang balitang iyon."

"Tunay na nakakamangha na naririto ang anak ng Peacock Tribe Chief!"

"Hindi na ko ang magiging number 1 nito huhu!"

"As if na magiging number 1 ka. Ano ka, utak mo may ubo! Marami pang mas talentado sa'yo!"

"Tingnan nalang natin ang magiging resulta ng re-examination ng babaeng yan kung karapat-dapat ba siya!"

"Alam kong ikaw lang ang hindi karapat-dapat dito!" Pang-aalaska naman ng nagsalitang estudyante na hindi makita ng batang si Li Xiaolong kung sino ito.

Hindi alam ng batang si Li Xiaolong kung nagkaka-alaskahan o nagbibiruan lamang ang mga ito o talagang gustong maghanap lamang ng mga away.

Tunay at literal na napakahaba ng pila. Ang mga nagsasalita ay hindi niya makilala o makita man lang. Katamtaman lamang ang height niya na katulad ng kaniyang mga kaedaran.

Ngunit nagulat ang batang si Li Xiaolong nang bigla siyang lampasan ng batang babaeng nagngangalan daw na Huang Mei na anak ng Peacock Tribe Chief Huang Chen.

Hindi lamang siya ang nagulat dahil maging ang ibang mga batang nakapila sa unahan ng batang si Li Xiaolong ay ganon din ang naging reaksyon ng mga ito.