webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 30

Walang nagawa ang batang si Li Xiaolong kundi ang magpatangay na lamang sa agos. Naalala nga nitong nasa Hollow Earth Kingdom nasasakop ang kaniyang Ate Jianxin at hindi sa Wind Fury Kingdom.

Sa pagkakatanda ng batang si Li Xiaolong at base sa kaniyang obserbasyon ay magkakilala na ang kaniyang Ate Jianxin at ang kaniyang Kuya Night Spider.

Walang nagawa ang batang si Li Xiaolong kundi ang maging masunurin lamang sa sitwasyong ito. Inaalala niya palang ang kalagayan ng kaniyang sariling pamilya ay napakadukha at salat sa anumang materyal na bagay. Matalinong bata si Li Xiaolong at hindi siya yung tipo ng normal na batang inuuna lamang ang kapakanan ng sarili at maglaro lamang. Itinatak niya sa isip niya hindi siya kailanman susuportahan ng alinmang kaharian liban na lamang kung maipapakita niyang karapat-dapat siya at isa siyang talentadong batang tatahak sa pagiging Martial Artists sa hinaharap. Sa paraang ito ay maipagpapatuloy niya ang kaniyang nasimulang pag-eensayo at pagkakaroon ng suplay sa pagcucultivate. Kung siya lamang at ang pamilya niya ay walang magagawa ang batang si Li Xiaolong kundi ang sumuko sa kaniyang pangarap kaysa mas malugmok pa ang kaniyang mga magulang sa kahirapan.

Naunang lumakad ang lalaking si Night Spider habang nakasunod naman sa kaniya ang batang si Li Xiaolong habang papasok sila sa napakahabang hallway. Tila ba mayroong sari-saring emosyon ang nararamdaman ng batang si Li Xiaolong. Kaba, pangamba, galak at iba pang emosyon ngunit pilit niyang ikinakalma ang kaniyang sarili lalo pa't hindi siya maaaring umatras pa. Ito ang last resort niya.

Halos wala silang makitang palakad-lakad na estudyante rito o maging ng mga guro o tagapagturo. Nakikita ng batang si Li Xiaolong na napaka-weird ng lugar na ito. Akala niya ba ay kapag paaralan ay maraming estudyante o kaya ay may mga estudyanteng pagala-gala ayon sa pagkakakwento sa kaniya o naririnig niya sa mga kaedaran niya pero bakit parang baligtad ata o maling impormasyon naman ata iyon. Isinawalang bahala na lamang ito ng batang si Li Xiaolong at mabilis na sumunod sa likuran ng lalaking si Night Spider.

Napansin niyang napakalawak ng paaralang ito maging ang mismong mga palapag ng mga paaralan ay napakatayog. Sa ganitong estraktura ay napaka-common na lamang ito sapagkat marami namang establishimento sa loob ng teritoryo ng Sky Flame Kingdom ng mga estraktura ngunit medyo may kalakihan lamang ang paaralang ito kaysa sa mga paaralan ng Sky Flame Kingdom sa mga bayan.

"Ang ganda naman ng paaralang ito. Makakapasa kaya ako at maging ganap na estudyante ng paaralang ito?! Nakakamangha naman ito!" Sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang habang inoobserbahan nito ang mga estrakturang kaniyang nakikita.

Maya-maya pa ay biglang lumihis ng daan ang lalaking si Night Spider na siyang sinundan naman agad ng batang si Li Xiaolong. Ipinukos niya ang kaniyang sarili sa patutunguhan niya upang hindi siya maligaw.

Maraming pasikot-sikot silang dinaraanan na daan kung saan ay medyo nakakahilo tingnan at napakakitid na pasilyo ng paaralan.

Hindi nagtagal ay biglang nakita ng batang si Li Xiaolong na biglang may liwanag na nagmumula sa malayo. Kung di siya nagkakamali ay siyang labasan ng pasilyong ito.

Hindi nga nagkakamali ang batang si Li Xiaolong nang makita ang labasan ng pasilyo kung saan ay bumungad sa kanila ang napalawak na open ground stadium.

Parang circular dome shape ang hugis ng nasabing open ground stadium dito kung saan ay napakaraming mga estudyanteng naririto. Kung hindi nagkakamali ang batnag si Li Xiaolong ay halos may mga kaedaran siyang nakikita niya na siyang minimum age requirement at mayroon ding mga matatanda sa kaniya. Nakita niya rin ang mga halos kaedaran nina Ate Li Jianxin niya maging ng kaniyang Kuya Night Spider.

"5th Mystic Grade Martial Talent!"

Narinig niya ang biglang pag-anunsyo ng masasabing Host ng okasyong ito.

Umalingawngaw ang malakas ng tinig ng host sa buong open ground stadium kung saan ay nagresulta ng napakasigabong ng palakpakan at mga hiyawan ng mga estudyante.

Bale ang mga ibang kaedaran niya lamang ang nasa mismong grounds ng stadium kung saan ay naka-locate ito sa gitna mismo habang napapalibutan ng napakaraming mga estudyanteng nakaupo at naghihiyawan na siyang meron ding nagtatayuan dahil sa sigaw ng mga ito.

"Nakakamangha, isa na namang Mystic Grade Martial Talent. Tunay ngang napakaraming mga talentadong mga estudyanteng narecruit ng mga kapwa ko senior disciple." Tila labas sa ilong na sambit ng lalaking si Night Spider. Tunay ngang malakas ang na-recruit ng mga ito na batang gustong maging Martial Artist. Ngunit tiwala siyang mayroong tinatagong lakas ang batang si Li Xiaolong.

Napalingon naman ang batang si Li Xiaolong sa kaniyang likuran. Hindi nito namalayan ang presensya ng lalaking si Night Spider. Tila ba na-engage kasi ang isipan nito sa labis na excitement na pag-anunsyo ng nasabing host. Napansin niya rin ang napakalaking boulder na nasa harapan niya. Medyo hindi rin kaaya-aya ang anyo ng nasabing Boulder dahil mayroong mga lumot-lumot at bakas na napaglipasan na ito ng panahon. Naramdaman ng batang si Li Xiaolong ang nakakamanghang enerhiya sa loob ng nasabing Giant Boulder. Tila ba mayroong ancient aura itong inilalabas.

Ngunit bago pa tuluyang lumalim ang pag-iisip ng batang si Li Xiaolong nang biglang nagsalita ang lalaking si Night Spider.

"O siya nga pala batang Xiaolong, ito nga pala ang numero mo. Pumila ka na lamang at mabuti nga at nakaabot pa tayo. Ayon sa Organizer ng malaking event na ito ay last batch na raw ito. Isa itong Martial Talent Re-Examination Event at isa rin itong pag-welcome ng mga bagong mga batang estudyante ng henerasyong ito. Ang muling pag-eksamin ng Martial Talent ng mga ito ay para masiguradong tunay na talentado ang mga ipinadala ng mga Martial Artists dito at hindi lamang isang pamemeke o scheme ng mga iba't-ibang angkan o ng mismong mga Sect. Tiwala lang batang Li Xiaolong, naniniwala ako sa kakayahan at talentong meron ka!" Seryosong pagkakasabi ng lalaking si Night Spider. Isa rin itong pagbibigay-ideya at pagpapalakas ng loob ng batang si Li Xiaolong.

"Opo Kuya Night Spider. Maraming Salamat po. Sana nga tama ka ng hinala sakin at sana di ko kayo mabigo." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong. Makikita ang kaba at pangamba nito sa pares ng mata nito. Tila ba halo-halong emosyon ang namumuo sa isipan ng batang si Li Xiaolong.

Ngumiti na lamang ang lalaking si Night Spider kung saan ay ginulo-gulo nito ang buhok ng batang si Li Xiaolong.

"Aist, kuya naman eh. Wag mong guluhin ang buhok ko. Mukha ng pugad ng manok ang buhok iong to eh huhu...!" Saway naman ng batang si Li Xiaolong habang nakasimangot.

Mabilis itong lumayo sa kaniyang Kuya Night Spider at mabilis na inayos ang buhok nito. Naglakad na rin ito sa daanan papasok sa mismong open grounds ng Stadium na ito.

Tawang-tawa naman ang lalaking si Night Spider. Tila ba ginawa niya ito para ma-ease ang kaba at pangamba ng batang si Li Xiaolong sa gagawin nitong Re-Examination.