webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 27

Nagsimulang maglaban ang dalawang nilalang na ito, ang isang nakasuot ng kulay asul na roba laban sa isang di pa kilalang persona na balot na balot ang katawan nito ng itim na tela maging ng kasuotan nitong kulay itim na roba.

Binato ng mabilis ng nakaitim na roba ang mismong nakaasul na roba ng tatlo hawak nitong kunai.

Hindi naman nagpagapi ang asul na roba at agad itong napaatras sa kaniyang pwesto sa pamamagitan ng pag-alis nito sa kinaroroonan niya kanina.

BANG! BANG! BANG!

Tunog ito ng pagsabog ng sementadong parte ng daanang ito sa maliit na bangketa kung saan malapit lamang sila kanina.

Sumugod naman ng mabilis ang nakaasul na roba na martial artist habang nakalahad sa kamay nito ang kaniyang sariling sandatang espada na nakatutok mismo sa itim na roba.

Napakabilis ng pangyayari.

Tila pigil hiningan naman ang batang si Li Xiaolong nang makita ang pangyayaring ito.

"Mamamatay na kaya ang kulay itim na robang mama na ito?! Hmmm..." Tila naguguluhang sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lamang itong lumundag paitaas.

PAHHHH!!!!!!

Tila napatukod naman ng tuhod ang nakaasul na roba dahil hindi nito natamaan ang kalaban nitong balot na balot ng itim na kasuotan.

Nakita niyang mabilis na umatakeng muli ang nakasuot ng itim na kasuotan ang nakaasul na roba sa pamamagitan ng apat na matutulis na kunai.

WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH!

Napangisi naman ang nakaasul na roba sa ginawang ito ng kaniyang kalaban.

Gamit ang kaniyang kasanayan sa espadang hawak nito ay mabilis nitong winasiwas ang ang kaniyang sariling espadang hawak.

TSING! TSING! TSING! TSING!

Umalingawngaw ang tunog ng pagkabanggaan ng mga metal sa espadang hawak ng nakaasul na roba. Tila ba napakagaling ng kontrol ng espada ng asul na roba sa kaniyang hawak na sandata kung saan ay nangagtalsikan ang nagtutulisang mga kunai sa iba't-ibang direksyon na siya namang naging pagkakataon para lumayo ang hindi pa kilalang persona na nakaitim na robang martial arts expert na ito.

"Hmmm... Parehong nasa disadvantages ang dalawang magkaibang weapon users. Ang gumagamit ng kunai ay hindi nito hinahayaang makalapit sa kaniya ang nakaasul na robang eksperto sa paggamit ng espada habang inilalayo nito ang kaniyang sariling distansya para siya ay makaatake at hindi maabutan ng kalaban nito. Hindi ko alam kung sino ang mananalo sa dalawang ito." Sambit ng batang si Li Xiaolong nang mapansin nitong halos dikit ang laban. Isa pa ay ngayon lamang siya nakakita ng aktuwal na labanan ng dalawang hindi niya pa kilalang mga eksperto at hindi lamang iyon dahil mga martial arts experts ito ng Wind Fury Kingdom.

Ipinagpatuloy lamang ng batang si Li Xiaolong ang panonood sa labanang nagaganap dahil nakaramdam siya ng ibayong kagalakan sa kaniyang puso. Itinatatak niya ang mga detalye ng galaw ng mga ito. Namangha siya sa mga fighting stance ng mga ito lalo na sa husay ng paggamit ng indibiduwal na armas ng mga ito. Hindi maaaring balewalain lamang ang mga ekspertong ito.

Ngunit nagulat na lamang ang batang si Li Xiaolong nang mapanood ang mga sumunod na pangyayari.

Mabilis na napunta sa direksyon ng nakaitim na roba ang lalaking nakaasul na robang martial artist na nakatutok ang napakatalim nitong espada sa direksyon ng kalaban nito.

Bago pa matamaan ang nakaitim na robang martial arts experts na ito ay mabilis nitong iniharang ang dalawang hawak nitong kunai muli sa kaniyang kamay.

Cchhhhsss... Cchhhhsss... Cchhhhsss...!

Tila ba nagkaroon ng tunog ng nagkikiskisang metal na napakasakit sa tengnang pakinggan. Hindi naman gaanong kalayo ang kinaroroonan nila ngunit ang lugar nina Night Spider, Li Jianxin at ng batang si Li Xiaolong ay tago at medyo may kadilimang parte at abandonado. Papunta sa kanila ang direksyon ng hangin kaya naman talagang naririnig nila ang mga tunog ng nagbabanggaang metal na bagay.

Nang hahampas muli ng kaniyang sariling espadang sandata ang nakaasul na roba ay mabilis namang nag-slide ang nakaitim na robang martial arts expert at mabilis na lumundag palayo sa kaniyang kalaban.

Hindi lamang ito dahil ibinato nito ang kaniyang dalawang nagtutulisang kunai na hawak malapit sa kaniyang paanan.

WHOOOSH! WHOOOSH!

POOOOOFFFFFF!!!!!!!!

Napakabilis ng pangyayari kung saan ay imbes na sumabog ang nasabing kunai ay naglikha ito ng napakakapal na usok sa buong paligid ng lugar lalo na sa kinaroroonan nito.

Ilang segundo lamang ang nakakalipas ay nawala rin agad ang nasabing makapal na usok kung saan ay lumitaw lamang na mag-isa ang nakaasul na robang martial arts expert habang tinatabunan nito ang kaniyang sariling ilong.

Mayroon pa itong sinasalita ngunit makikitang parang yumukot ang mukha nito dahil sa pangyayaring ito.

Naiwan namang naguguluhan ang dalagang si Li Jianxin at ang batang si Li Xiaolong habang ang lalaking si Night Spider ay parang wala laamng itong karea-reaksyon sa buong pangyayaring labanan ng dalawang malakas na indibiduwal.

"Paano'ng nangyari iyon. Natakasan siya ng nilalang na iyon?!" Tila gulat na sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin nang matapos niyang masaksihan ang pangyayaring labanang ito. Hindi niya mapigilang maisatinig ang kaniyang iniisip patungkol rito. Makikita ang labis na disappointed sa naging kinalabasan ng mainit na labanan kanina.

"Oo nga po Kuya Night Spider, paanong nangyari iyon. Ang alam ko ay napakatalas ng paningin ng mga martial arts expert pero bakit di man lang niya ito nahabol." Tila nagtataka ring sambit ng batang si Li Xiaolong nang mapansin nito ang pag-iba ng sitwasyon. Hindi naman sa gusto niyang may mapaslang pero parang natigil yung pag-obserba o obserbasyon niya sa mainit at papainit na labanan o sagupaan ng dalawang malalakas na eksperto na iyon.

Tiningnan naman ng lalaking si Night Spider ang dalawang nilalang na kasama niyang naglakbay papunta sa kaharian nila na si Li Jianxin at ang batang si Li Xiaolong. Hindi niya mapigilang mapangiti.

"Hindi mo ba alam Miss Jianxin na ang ekspertong iyon ay isang uri ng assasin. Isa pa ay nasa disadvantage siya sa labanang iyon. Katulad mo ay maika-classify lamang ang mga Assassins na mababa lamang ng kaunti sa mga ekspertong mga close combat user dahil ang lakas ng isang assassins ay sa estratehiyang ginagamit nito ngunit kapag nakontrol nito o natantiya ang labanan ay siguradong mananalo ito ngunit mahusay at eksperto ang nakasagupa niya sa paggamit ng espada. Do you think na mananalo ito sa nakaasul na robang ekspertong iyon. Kaya ang ginawa nito ay tumakas na lamang sa labanan na siyang isang mabuting desisyon." Mahinahong pagkakasabi ni Night Spider habang nakatingin ito sa magandang dalagang si Li Jianxin.

Ngunit agad din nitong tiningnan ang batang si Li Xiaolong nang mapansin nito ang kakaibang tingin ng bata. Animo'y parang nagkaroon ito ng insights sa labanan. Tunay na nagulat at namangha naman ang lalaking si Night Spider. Paano niya nalaman ay dahil ganon na ganon rin siya noon ngunit mas klaro at kita sa mukha ng batang ito ang labis na antisipasyon sa panonood ng labanang iyon ngunit ikinalma niya lamang ang kaniyang sarili at nagwikang muli.

"Sa tanong mo naman batang Li Xiaolong ay kung bakit natakasan siya nito ay isang magandang tanong. Ang ginamit nitong bagay para maglikha ng makapal na usok ay hindi lamang simpleng usok. Nakita mo naman siguro ang ginawang pagtakip ng ilong at bibig ng nakaasul na robang martial arts expert na iyon dahil alam nito ang bagay na iyon. Mayroong nakakahilong epekto iyon sa kung sinuman ang sisinghot ng usok na nasa paligid nito. Kumbaga ay isa iyong emergency weapon ng Assasin na iyon. Mabuti ang ginawang iyon ng nasabing martial artists. Hindi rin naman siya maaatake ng Assasins na iyon dahil kung gagawin niya iyon ay maapektuhan rin ito. Kapag nahablot o napinsala ang manipis na telang nakatakip sa mukha nito at idagdag pang di gumana ang taktikang ginamit niyang ito ay siguradong matatalo ito o mapapaslang ng tuluyan. Isa pa ay mahina ito sa close-combat at ang paglapit sa close-combat expert na siyang nemesis nila ay isang suicidal attempt." Mahinahong sambit muli ni Night Spider ngunit sa batang si Li Xiaolong na ito nakatingin. Hindi niya aakalaing makaka-come up ito ng tanong na iyon. Isa pa ay tama ang sinasabi ng batang si Li Xiaolong sa pagkakasabi nitong matalas ang senses lalo na ng paningin ng mga Martial Artists ngunit hindi nangangahulugan iyon na mataas din ang tolerance ng mga senses nila dahil mayroon din itong limitasyon.