webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 26

"Kung pala ay sinasabi mong may mga malalakas at talentadong mga Martial Art Experts ang nasa apat pang kaharian ngunit pasikreto lamang silang umaaksyon tama ba ko?!" Tanong ng magandang dalagang si Li Jianxin habang makikita ang labis nitong pagkalito sa pangyayaring ito. Hindi niya aakalaing mayroong mga nilalang na nakakasalamuha niya sa ibang kaharian nang hindi niya man lang namamalayan.

"Hahaha... Maaaring ganoon nga pero ang karamihan sa kanila ay nasa mismong kaharian ngunit ang ibang mga eksperto ng kaharian ay nakakakalat lamang at nagmamatyag sa iba't ibang parte ng nasabing teritoryo ng Kaharian. Hindi man maituturing na katulad ang mga ito sa Wind Fury Kingdom sa dami ng mga Martial Artists o mga eksperto ay hindi naman maaaring baliwalain ang nasa iba pang kaharian na mga eksperto. Higit na mas malakas ang mga ito sa ordinaryong mga nilalang rito. Kung bakit sila nagrerecruit din ay dahil din sa pangangailangan ng kaharian ng dagdag na mga Martial Arts Experts halimbawa na lamang rito ay ang hukbong sandatahan, Personal na Guwardiya ng mga Royal Families at iba pang maharlika o sa kung anumang klaseng pangangailangan ng nasabing kaharian." Mahabang salaysay ng lalaking si Night Spider.

"Ah ganon pala, hindi ko aakalaing napakarami ko palang hindi alam huhu... Sa kasalukuyan kong antas at talento ay mananatili lamang akong hamak na ordinaryong Assassins sa Dou City." Sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin. Alam naman niyang lakas ang nangungunang aspeto o binabasehan ng mga nilalang rito sa Martial World na ito at pangalawa lamang ang pisikal na anyo o itsura ng mga Martial Artists.

"Wag mo na lamang isipin yun, magpalakas ka hanggang sa lumakas ka pang lalo. Wala namang imposible sa taong nagpupursigi eh. Darating din ang swerte sa'yo. Mayroon nga akong kilalang mga nilalang na sinwerte rin lalo na sa pagsuong ng mga delikadong lugar at nakakuha ng mga Heaven-defying na mga bagay na nagpapataas ng ranggo nila o kaya ay nagkaroon ng malaking breakthroughs sa kanilang Cultivation Level hehehe..." Sambit ng lalaking si Night Spider habang nakangiti ito sa magandang dalagang si Li Jianxin.

Napaisip naman ang magandang dalagang si Li Jianxin sa sinabing ito ng lalaking si Night Spider.

"Oo nga, may punto ka sa iyong sinasabi Night Spider. Marami naman kaming nasubukang mga Ruins at mga lugar na maaaring may itinatagong mga kayamanan o pambihirang mga bagay ngunit siguro ay di pa talaga dumarating ang aking swerte hehe..." Sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin habang nakangiti pa ito sa huli. Tunay ngang napakahirap hanapin ng swerte lalo na at hindi niya pa natuklasan ang kaniyang sariling potential o kakayahan. Ipinapangako niya sa kaniyang sarili na magpapalakas at magiging malakas siyang eksperto sa hinaharap.

Magsasalita pa sana si Night Spider nang biglang...

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

Anim na sunod-sunod na pagsabog ang nangyari sa di kalayuang lugar na kinaroroonan nila. Hindi naman makikitaan ng pangamba ang pares na mata ng lalaking si Night Spider maging ang magandang dalagang si Li Jianxin.

Samantalang ganoon rin ang batang si Li Xiaolong. Nang nagkaroon ng pagsabog ay pumunta na ito sa gilid ng sementadong gusali at nakita nito ang pangyayari dahil nasa mataas silang lugar kung kaya't kitang-kita niya ng maaayos ang mga nangyari o pangyayari.

Namangha ang batang si Li Xiaolong sa nasabing labanan imbes na matakot ito sa pangyayaring ito. Pinanood ng batang si Li Xiaolong kung paano napatigil ang isang nakasuot ng itim na robang hinahabol ng isang nilalang na naka-kulay asul na roba.

Tila ba nakorner ang nakaitim na roba at base sa kinikilos ng mga ito ay parang nag-uusap o nagkakaroon ng mainit na argumento ang mga ito.

Dito ay napansin ng batang si Li Xiaolong na ang mga nilalang na ito ay may mga hawak na mga kaniya-kaniyang mga sandata. Ang nakaitim na roba ay mayroong hawak na kunai.

"Hmmmm... Isa palang Assassin ang mamang ito. Ngunit sa anyo, kilos o pananamit nito ay masasabi kong isa itong eksperto sa assasination." Sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang habang inobserbahan ng mabuti ang nasabing nakasuot na robang itim na nilalang maging ang pamamaraan nito masasabing namangha ang batang si Li Xiaolong dito.

Nang dumako ang mata ni Van Grego sa nakaasul na robang lalaki ay nanlaki ang kaniyang sariling mata dahil sa labis na pagkamangha.

"Napakaswerte ko naman, hindi ko aakalaing mayroon akong nakitang ekspertong gumagamit ng espada sa pagpunta ko palang rito sa labanang ito. Base sa postura maging sa kilos nito ay na-master na nito ang kaniyang sariling paggamit sa espada nito." Namamanghang sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang nang makita nitong hindi simpleng nilalang ang Sword Expert na ito. Nakita niya kung paano ito nagrelease ng Sword Intent o kung anumang klaseng skill iyon basta ang alam niya ay napaka-accurate ng ginawa nitong pag-corner sa hinahabol nitong nilalang.

Sa kabuuan ay naiisip ng batang si Li Xiaolong na ang dalawang eksperto na mga ito ay nagsusubukan ng lakas. Hindi maitatanggi ng binata na hindi rin simpleng martial artist lamang ang nakasuot na itim na roba. Sa kilos o sa uri ng paghawak nito sa mga kunai ay talaga namang nakakamangha rin.

"Hindi ko aakalaing makakapanood agad ako ng labanan ng dalawang malalakas na eksperto sa pagpunta ko palang sa lugar na ito. Kung di man ako matanggap ng kahit na anong organisasyon ng Wind Fury Kingdom ay sulit naman ang pinunta namin rito hehehe..." Sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang habang animo'y kumikislap ang pares ng mata nito sa labis na excitement na mapanood ang labanang ito.

Sa kabilang banda naman ay nakatingin rin naman ang magandang dalagang si Li Jianxin at ang lalaking si Night Spider. Tila ba inaabangan din nila ang labanang ito.

"Napakalakas ng dalawang nilalang na ito. Ramdam ko ang kakaibang enerhiyang nagmumula sa katawan ng mga ito. Nasa Late Pulse Condensation Stage na ang dalawang ekspertong nilalang na ito. Kung ako ang naging kalaban ng maski isa sa kanila ay baka mamatay na lamang ako sa kamay  ng mga ito huhu..." Sambit ng magandang dalagang si Li Jianxin habang makikita ang pangamba sa mukha nito. Nakita niya kung paano ka-condense ang essence energy nito sa katawan ng dalawang nilalang lalo na sa atakeng pinakawalan ng nakaasul na roba tila ba napaka-accurate ng ginawa nitong pag-atake para ma-corner ang nakaitim na robang nilalang na hindi pa alam kung ano ang pagkakakilanlan.

Habang si Night Spider naman ay taimtim lamang na nanonood mula sa pwesto nito. Tila ba malalim ang iniisip nito hàbang nakatingin sa direksyon ng labanan ng dalawang ekspertong nilalang.