webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 181

Kasalukuyan silang nasa loob ng masukal na parte ng kagubatan. Madamo at tila luntian ang kapaligirang makikita sa daang ito. Masasabing matataas ang mga talahib kung saan ay tila sumasayaw sa hangin.

Mabilis pa rin ang usad ng buong grupo ng batang lalaking si Li Xiaolong ngunit hindi naman iyon dahilan upang magpahuli siya sa mga ito. Napapanatili niya pa ring nasa gitnang parte siya ng mga kasamahan niya. Bawat isa sa mga ito ay alam niyang mayroong mithiing makakamit o matamasa ang mga yamang nakakalat o nakapaloob lamang sa mga mismong Red Cloud Sea.

Pinili niyang pumagitna lamang dahil hindi siya maaaring magpakampante lamang. Ang daanang tiantahak nila ay maituturing pa ring delikado dahil kahit ang mga Purple Blood Realm Expert ay manganganib pa rin sa oras na makasagupa sila ng malalakas na mga halimaw dito.

Hindi naman nagkamali ng inaakala ang batang lalaking si Li Xiaolong dahil maya-maya pa ay biglang...

Whoosh!

Umihip ng malakas ang hangin na tila ba mayroong isinisigaw na ibayong panganib mula sa hindi kalayuan.

Agad na napatigil ang lahat sa kanilang pwesto. Nakaramdam kasi sila ng tila killing intent mula sa kanilang pwesto na tila ba isa itong mainit na spot para sa kung anumang nilalang na nasa hindi kalayuan mula sa kanila.

Agad na napalingon ang lahat nang sumenyas ang isang nakablack robe na lalaki na siyang kaisa-isang Purple Blood Realm Expert na huwag gumawa ng anumang ingay at tumigil. Ang purple blood realm expert na ito at masasabing isang eksperto din ito lalo na at mabilis nitong naramdaman ang misteryosong enerhiya sa malayo papunta sa kanila. Yun nga lang ay nakasuot ito ng kaniyang sariling maskara kung kaya't hindi nila alam ang pagkakakilanlan nito.

Sa laki at lawak ng kagubatang ito ay hindi rin mababalewala ang mga nagtataasang mga puno dito idagdag pa ang mga misteryong nangyayari dito. Tanging ang mga Xiantian Realm Expert at Purple Blood Realm Expert ang tanging makakaramdam ng mga panganib sa paligid at hindi rin makakaligtas sa kanila ang killing intent o killing aura ng sinuman kahit na hindi pamilyar ito o di kaya ay bago lamang sa kanila.

Whoosh! Woosh! Woosh!

Agad na napalingon sila sa isang parte ng kagubatan sa hindi kalayuan na biglang nagkaroon ng malakas na kaluskos. Nakita nila ang tila isang dambuhalang nilalang na unti-unting nagpakita ng anyo nito.

Nakaramdam naman ng matinding kaba ang batang lalaking si Li Xiaolong. Hindi sa natatakot siya kundi alam niyang hindi niya makakayang labanan ito ng mag-isa. He really don't want to use anything besides his own ability at masyadong malayo ang agwat ng lakas niya sa  presensya pa lang ng halimaw na ito.

"Sigurado akong Isang Level 3 Magical Beast ang halimaw na ito. Base pa lamang sa awra nito ay masisiguro kong wala kaming laban sa isang ito." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang mabilis itong napakuyom ng kaniyang sariling kamao. Alam niya ang awrang inilalabas ng haliamw na ito at malayong-malayo ito sa awrang inilalabas niya. This is why na nagpapatunay na mas malakat ito ng hindi hamak kaysa sa kaniya.

Hindi na nga nagtagal ay lumabas nga ang buong anyo ng halimaw na ito na siyang ikinagulat ng marami sa kaniyang kasamahan.

Napakataas ng halimaw na ito na ilang talampakan ang laki nito. Parang dalawang gusali ang taas nito at tila punong kahoy ito na buhay na nilalang. Kilala ang halimaw na Giant Wood Pine Beast sa pag-mimic o pagtago sa luntiang kapaligiran. Aakalain mong ordinaryong sanga o punong kahoy lamang ito pero hindi. Kilala din ang dambuhalang halimaw na ito bilang buhay na puno na mayroong malakas na defense capability at Offensive ability. Once na magising ito at maghanap ng kaakinin nito ay siguradong gagawin nito ang lahat upang mapaslang ang mga nilalang na ito.

Madali nitong mapapansin ang mga nilalang na malapit sa kaniyang teritoryo sa pamamagitan ng mga puno at vibrations sa lupa. Isang daan sila sa isnag grupo at ang ganitong klaseng bilang na sama-samang naglalakbay ay talaga namang mapapansin ng nasabing halimaw na Giant Wood Pine Beast.

Nag-umpisang nag-usap ang mga kasamahan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Tila ba hindi niya alam ang gagawin niya. Nag-iisip pa siya ng mga pamamaraan upang matalo ang Magical Beasts na ito na alam niyang hindi siya magkakaroon ng anumang aksidente.

"Isang Giant Wood Pine Beast! Bakit naririto iyan sa mismong bungad ng dadaanan natin?!" Tila hindi na nakapagpigil na pabulalas na sambit ng isang lalaking  Pulse Condensation Realm Expert habang nanalalaki ang pares ng mata nito. Basi sa ekspresyon na ipinapakita ng mata nito ay talaga namang hindi pwedeng baliwalain ang existence ng haliamw na ito at nakilala nito ang nasabing halimaw ba Giant Wood Pine Beast.

"Malamang ay gutom ang halimaw na yan at gustong manila ng mga pagkain nito. Kung hindi ako nagkakamali ng aking tantiya ay Level 3 Magical Beast ito! Kung hindi tayo gagalaw sa kasalukuyan ay baka maubos tayong mamatay dito bago pa tayo makadaan sa lugar na ito!" Sambit ng isang Xiantian Realm Expert habang tila sonusuring maigi ang nasabing halimaw. Alam niyang wala silang laban na mga Xiantian Realm Expert sa mga Level 3 Magical Beasts. Alam kasi nila na tanging ang mga Purple Blood Realm Expert o pataas pa ang maaaring makatalo sa mga ito.

"Level 3 Magical Beast? Anong laban natin sa pesteng halimaw na ito?" Gulat na gulat na sambit ng isang Houtian Realm Expert sa hindi kalayuan mula sa pwesto ng batang lalaking si Li Xiaolong na nagpapanggap bilang isang matandang hukluban. Masasabing nanlaki pa ang pares ng mga mata nito na tila hindi ito makapaniwala.

"Level 3 Magical Beast itong halimaw na ito? No wonder na hindi kaagad natin naramdaman ang presensya nito ay dahil na rin sa malakas ang isang to!" Sambit ng isang babaeng Houtian Realm Expert. He just want to kill this beasts in his own hands. This will be her own honor to kill this powerful beast.

"Oo nga, walang silbi ang mga armas natin sa halimaw na iyan kung Level 3 Magical Beast ito. Kahit ako na isang Xiantian Realm Expert ay walang laban sa isang yan!" Sambit ng isang babaeng Xiantian Realm Expert habang iniikot ikot pa nito ang kaniyang sariling ulo na halatang hindi nito malalabanan ang halimaw na ito gamit ang sandatang gamit niya.