webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 180

Napatawa naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa naging kilos ng mga nilalang na naririto. Kung tutuusin ay masasabi nilang ang ganitong klaseng mga pamamaraan ay pangkaraniwan na lamang. As expected sa mga tusong mga nilalang na karamihan ay mga manlalakbay din o beterano na sa gawaing ito.   Isa din kasi ang role ng mga matatanda o may edad na sasama sa kanila ang maging pain ng mga malalaks na mga manlalakbay.

Pero papayag ba ang batang lalaking si Li Xiaolong na maging pain sa paglalakbay na ito? Siyempre hindi. Tuturuan niya ng leksyon ang mga ito sa sarili niyang pamamaraan. He will make sure na ligtas siyang makapaglakbay papunta sa Red Cloud Sea.

Hindi na rin nagtagal ay nakompleto na ang isang daang katao sa isang grupong ito na kinabibilangan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Masasabi niyang nasa average lang ang lakas ng grupong ito. Masasabi niyang okay na ito. Meron din naman kasing nasa lima o dalawampo lamang ang bilang ng mga nagsi-grupuhan lalo na at mga malalakas din ito.

Nasa kasalukuyan silang daang tinatahak. Napakarami nila at masasabi ng batang lalaking si Li Xiaolong na ang mga ito ay hindi tahimik at nagawang mag-usap-usap ang mga ito habang naglalakad ng mabilis.

Masasabing kahit isang grupo sila ay kailangan din nilang gumawa ng pamamaraan upang mapabilis ang usad nila sa daan lalo na't delikado din ang daang patungo sa mismong Red Cloud Sea.

"Alam niyo ba na maraming mga martial artists na o mga grupo ng mga kilalang indibidwal ang pumunta sa Red Cloud Sea? Nakakaexcite ang ganitong klaseng paglalakbay!" Sambit ng isang madaldal na martial artist. Isa itong Houtian Realm Expert na masasabing masayahin ito sa buhay nito.

Mabilis na naka-attract ng mga kagrupo nitong martial artists dahil sa pahayag nito.

"Ano'ng ikagagalak namin o natin kung andiyan ang mga pabidang martial artists na yan?!" At mabilis na tumalon-talon sa mga malalaking batuhan upang makausad sa kanilang rutang patutunguhan.

"Makakain ba natin ang presensya nila sa Red Cloud Sea? Siguradong tira-tira na lamang ang matitira sa atin kung magkagayon." Sambit ng isang Houtian Realm Expert habang nagpapalipat-lipat ito ng punong tinatalon-talonan.

"Masamang balita iyan kung magkakataon. Narinig kong nakita nila ang grupo ng Sòng Clan na isang angkan ng mga assassins na sumuong na sa Red Cloud Sea. Siguradong hindi din papahuli ang mga iyon sa nakakalat na yaman ng Red Cloud Sea at pagkalaglag ng isang bangkay mula sa kalangitan." Sambit ng isang Xiantian Realm Expert na nakisali na rin sa usapang ito. Seryoso itong lumilipad ayon sa bilis ng usad ng kanilang pagpunta sa Red Cloud Sea.

"Hong Clan? Tiyak na hindi papayag ang Rén Clan na hindi makisali sa ganitong klaseng ekspedisyon lalo na at eksperto ang angkan ng Rén sa paggawa ng mga malalakas na mga living puppets o sa mga puppetry. Hindi naman siguro ina-underestimate ng Sòng Clan ang Rén Clan hindi ba?!" Sambit ng isa pang martial artists na isang Xiantian Realm Expert. Hindi na nito kailangan pang mamroblema sa bilis dahil nakakalipad naman siya o kaya ay nakakalutang sa ere.

"Alam naman namin na magkalaban na talaga ang dalawang angkang ito ngunit sa dalawang angkan na ito ay tiyak na maraming nakisangkot na mga malalakas na angkan at iba pa ngunit nakakuha ng alarma ito sa mismong paaralan na Cosmic Dragon Institute ang ganitong balita at kasalukuyang naglalakbay na rin patungo sa Red Cloud Sea ang mga ipinadalang mga estudyante ng nasabing paaralan. Talagang gusto talagang makuha ng paaralang iyon ang bangkay nang nasabing immortal na iyon!" Sambit ng isa pang Xiantian Realm Expert kung saan ay tila gusto nitong i-emphasize ang panghihimasok ng nasabing kilalang paaralan na Cosmic Dragon Institute.

"Hahaha hindi na nakakagulat iyon lalo na at kailan lang nagpatalo ang Cosmic Dragon Institute sa paggalugad ng isang Forbidden Areas? Siguradong ang mga pinakamalakas at talentadong mga batang indibidwal ang ipinadala nila patungo doon sa Red Cloud Sea na baka nga nakarating na ang mga iyon sa baybayin ngayon." Sambit ng isang Houtian Realm Expert na masasabing nasa labimpitong taong gulang. Nakasuot ito ng salamin at may pagkapayat din ito.

"Tama ka. Kailan lang nagpatalo ang Cosmic Dragon Institute sa mga angkan o pamilya sa Dou City. Lahat ng mga gugustuhin ng mga itong mangyari ay mangyayari. Isa pa ay labas sa usapan ang ganitong unexpected event. Tunay ngang hindi mapipigilan ang paaralang iyon sa anumang gugustuhin nila." Sambit ng isang lalaking Xiantian Realm Expert habang tila may kung anong galit o pagkamuhi sa tono ng pananalita nito.

"As expected sa makapangyarihang paaralan na iyan. They are so much capable lalo na at ang mga estudyanteng nakakapag-aral sa prestirhiyosong paaralan na ito ay alam naman nating hindi mga ordinaryo. They are monstrous genius blessed by the heavens. Kailan lang nagpapasok ng ordinaryong mga indibidwal ang paaralang ito? Isa pa ay halos nagmula ang lahat ng mga malalakas na martial artists na ito sa mga makapangrihang martial arts families at Clans." Mahabang sambit ng isang Houtian Realm Expert habang makikita ang labis na inggit sa  mga malalakas na mga indibidwal na nakapasok sa loob ng Cosmic Dragon Institute.

Sino ba naman kasi ang hindi makakaramdam ng labis na inggit sa mga indibidwal na nakapasok sa Cosmic Dragon Institute lalo na at sigurado na kasing mayroon na silang magandang Kinabukasang naghihintay sa kanila. It's no doubt for that lalo pa at sinasabing ang mga malalakas na indibidwal na nakapasok ay mas pinauunlad pa ang kakayahan o mga abilidad nito  upang mas lumakas pa. Ganon kalakas ang potensyal na pagbabago sa mga nakakapasok dito. Even if sabihin na selected individuals lamang ang makakapasok ay talaga namang hindi mapapantayan ang lakas at abilidad ng mga ito. Walang ordinaryo sa mga ito at mala-halimaw ang kakayahan ng karamihan sa mga ito.

"Alam na namin yan. Wag niyo nang ipamukha sa amin ang kakayahan ng Cosmic Dragon Institute na yan. They are always be undefeated lalo na at nandito na sila isama pa ang mga nagbalak na kunin ang yaman ng nasabing immortal at ang bangkay nito. Talagang tira-tira nalang talaga ang maiiwan sa atin." Malungkot na sambit ng isang babaeng Pulse Condensation Realm Expert. Talaga namang nahabag ito sa sarili niya at sa mga kasama niya.

"Tama ka sa sinabi mo Binibini. Isa pa ay wala tayong mapapala kung kukupad-kupad tayo dahil baka naubos na nila ang mga yamang nakakalat sa outer part ng forbidden zone ng Red Cloud Sea. Ayaw niyo naman sigurong umuwing walang dalang kayamanan hindi ba?!" Sambit ng isang lalaking Pulse Condensation Realm Expert habang mas binilisan pa nito ang pagtakbo nito ng mabilis. Talagang determinadong ito na mayroon itong mapapala at maiuuwing bagay na maaari niyang ibenta o pagpaperahan.

Dahil sa sinabing ito ng lalaking martial artists ay mabilis ding nabuhayan ang lahat ng loob. Tunay ngang may saysay ang sinabi nito. Kung magco-complain lang sila palagi o di kaya ay kukupad-kupad sula ay wala talaga silang mapapala.

Napangiti na lamang ng palihim ang batang lalaking si Li Xiaolong. Inaasahan niya talaga ang unang paglalakbay niyang ito ay hindi mauuwi sa wala.

Natigil na lamang ang pag-iisip ng mga grupo ng mga martial artists at mas itinuon nila ang kanilang sariling isipan sa magiging paglalakbay nilang ito not the competitors they have. Walang gustong umuwi sa kanila ng walang mapapala.

...