webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 133

Tila nanlamig naman ang buong katawan ng dalawang bantay sa labas ng Jade Auction House dahil sa pangyayaring ito. Magsasalita pa sana sila ng marinig nila ang malakas na boses na nanggagaling mula sa loob ng Nade Auction House.

"Ano'ng kaguluhan ito?!" Malakas na sambit ng isang ma-awtoridad na boses na siyang nagpatahimik sa lahat ng mga nilalang sa lugar na ito.

Tila pakiramdam ng dalawang bantay ay nawalan sila bigla ng lakas. Tila ang kanilang kinatatakutan ay nangyari na.

"Sino ang matandang lalaking iyan?!'

"Si Master Liwei yan hindi ba?!"

"Malamang ay siya nga yan, nakita ko na siya ng dalawang beses eh."

"Hala, ano'ng ginagawa niya rito sa labas ng Jade Auction House?!".

"Malamang ay nakarating na ang gulo sa labas ng kaniyang Jade Auction House!"

"As expected, kilala siya sa ayaw sa gulo ngunit kung gulo ang lumalapit ay talagang malilintikan ang sinuman sa matandang lalaking uto!"

"Hahaha... Di na natin kailangang manghula kung totoo ba ang Jade Token na hawak ng matandang pulubing iyan."

"Sinabi mo pa, sigurado akong magagalit ng husto ang matandang lalaking si Master Liwei kapag nalaman nitong kinopya ang kaniyang sariling Jade Token."

"Nakakatakot pa naman magalit si Master Liwei, papahiyain at papahiyain ka nito kung kailangan para tumanda ang sinumang kumakalaban sa awtoridad ng Jade Auction House na pinamamahalaan nito.

"Ah eh... Master Hindi po-------!" Sambit ng isang bantay na siyang nasa kanang bahagi ng gate kung saan ay magpapaliwanag pa sana ito sa bagong dating na matandang lalaking nakasuod ng kulay dark green na roba.

"Opo master, hindi po namin sinasadya. Nakalimutan namin na may espesyal na badge po siya." Sambit ng isa pang bantay habang hindi ito makatingin ng diretso kay Master Liwei. Ito lamang ang nais niyang sabihin lalo pa't hindi siya makapag-isip ng idadahilan niya.

Tila nanlisik naman ang pares ng mata ng matandang lalaking si Master Liwei na siyang nakita ng karamihan na siyang nagpasinghap sa mga ito. Tila masasabing hindi niya nagustuhan ang pangyayaring ito.

"Hmmmp! Tingin niyo ay maniniwala ako sa inyo. To think na ganyan kayo at kay bago bago niyo sa trabahong ito ay talagang nakakadisappoint kayo pareho. Umalis na kayo sa Jade Auction House ngayon din at mag-alsa balutan na kayo dahil tinatanggal ko na kayo sa trabaho niyo!" Paggalit na sambit ng matandang lalaking si Master Liwei. Makikitang tila umuusok ang ilong nito sa labis na galit sa dalawang bantay.

Mabilis namang umalis sa harapan nito ang dalawang bantay na walang sinasabi. Mababakas na nanginginig pa ang mga ito sa takot dulot ng paglitaw ng pamilyar na pamilyar na mukha sa kanila na kahit sa panaginip ay klarong klaro nilang nakikita ito.

Nang makita ito ng karamihan ay tila hindi sila makapagsalita. To think na ang matandang lalaking ito ay labis na kakikitaan ng galit though it's not his usual attitude or mood sa pakikipagkapwa-tao. Sino ang hindi magugulat hindi ba?

Agad namang nagbago ang tingin maging ang ekspresyon ng pagmumukha ng matandang lalaking si Master Liwei nang dumako ang tingin nito sa tila gusgusing pulubing inaakala ng lahat ng karamihan sa naririto. Makikitang tila ba umaliwalas nag mukha nito.

"Pagpasensyahan niyo na po iyong mga bantay na iyon Honorable Long. Hindi ko aakalaing darating kayo ng mas maaga na lingid sa aking inaasahang oras." Sambit ni Master Lewei sa matandang balot na balot ng kupasing roba habang napakamot pa ito sa kaniyang sariling batok.

"Okay lang po iyon Master Liwei. Kinagagalak kong makapunta rito lalo na sa gagawing auction." Sambit ni Li Xiaolong sa katauhan ni Honorable Long.

Masasabi niyang napakinabangan niya ang kaniyang pinag-aaralang Cultivation Manuals na Asura Art of Divinity. Isa sa natutunan niya ay magbago ng tono ng boses sa anumang edad na kailangan niya. Hindi maipagkakailang isang mataas na kalidad ang Asura Art of Divinity ns siyang Cultivation Manual na kasama niya sa kaniyang pagcucultivate.

"Mukhang matagal kang nakatayo rito Honorable Long. Loko-lokong mga bantay iyon at hindi nila ginagampanan ang kanilang tungkulin. O siya, pumasok na tayo sa loob ng Auction House hehe..." Magiliw na pagkakasambit ni Master Lewei habang makikita ang labis na kasiyahan sa mukha nito.

Nagpatianod naman si Honorable Long (Li Xiaolong) habang mabilis itong sumunod sa likuran ni Master Liwei. Masasabing malakas talaga ang awtoridad Master Liwei sa Jade Auction House. Sa impluwensya nito ay masasabing kakabahan ang sinuman sa pagiging prangka at direct to the point nito na pag-uugali.

Pagkapasok na pagkapasok nila ay mabilis na lumabas ang dalawang nakaunipormeng mga bantay. Kumpara sa naunang mga bantay ay makikitang karespe-respeto ang mga ito at talagang nakakaangat ang dalawang bantay na ito sa mga nauna.

Tila nanlaki naman ang mata ng mga ito. Base sa uniporme nilang matingkad na kulay berde ay masasabing hindi basta-basta ang mga ito.

"Hindi ko aakalaing ang dalawang Treasure Guard ng mismong Auction House ay siyang magbabantay sa labas ng gate ng Jade Auction House."

"Hmmp! What a waste, hindi ko aakalaing ginawa lamang ng matandang lalaking si Master Liwei ang dalawang Treasure Guard hmmp!"

"Oo nga, masasabing mahirap makahanap ng treasure guard tapos gaganituhin niya lang, how pathetic!"

"Siguradong hindi siya papakawalan ni Master Jing sa pagkakataong ito!"

"Sino ba ang matandang iyon para ganituhin niya ang mga Treasure Guard na ito, isa itong pambabastos!"

"Sinabi mo pa, rinig kong may alitan nga ang dalawang master ng Jade Auction House lalo na si Master Jing, malaking gulo ito!"

Nagpatuloy lamang ang usapan ng mga ito habang rinig ito ng magandang dalagang si Yì Hua na siyang nasa likuran ng kaniyang sariling kapatid habang kasabay nito si Elder Yì Huizhong.

Walang pakialam naman si Elder Yì Huizhong sa pangyayaring ito habang patuloy lamang itogn naglalakad habang nasa daan at sa batang si Yì Liqiu ang atensyon nito.

Habang ang magandang dalagang si Yì Hua ay masasabing hindi nito halos matanggap ang pangyayaring ito. Sino ba naman kasi ang lubos na natatandaan ang pangyayaring ito dahil mukhang hindi sila napansin man lang ni Master Liwei.

"Interesting... Sigurado akong magiging kapana-panabik ang pagpunta namin rito hehehe..." Masayang sambit ng magandang dalagang si Yì Hua habang papasok sila sa loob ng Jade Auction House. Nakita niyang kung paano sila itrato ng Master Liwei ng Jade Auction House, as if they are just nobody compared sa matandang lalaking iyon.